Kabanata 83 Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Kakatapos lang ng kaonting welcome party ng pamilya ko sa akin. Huminga ako nang malalim at sininghot ang hangin sa kwarto ko. Pumikit ako at dinama ang lambot ng aking kama—ang mainit na panahon na ilang taon ko ring hindi naramdaman. I missed home so much. I missed this country. And I am glad I am finally home. Marahan akong gumulong at niyakap ang unan ko sabay tingin sa labas. Hindi ko mapigilang balikan ang mga panahong nasa putikan kami; those times when I thought that life was way too unfair for us. But looking back, I realized inihahanda lang kami ng panahon. Pinaranas ng panahon sa amin ang hirap; kung paano gumapang sa buhay para kapag tuluyan kaming nakabangon at nakatayo ay mas papahalagahan namin ang kung anong mayroo

