Kabanata 1
Ledesma Mansion
Anna POV
Umaga palang hindi na magkandaugaga ang mga kasambahay kabilang na si Anna,ngayon kasi darating ang nag- iisang anak ng amo nilang si Madam Ledesma.
Tatlo silang katulong nito,ang mayordomang si nanay Inday,siya at si Leni.Nasa 60 na ang edad nitong si nanay Inday samantalang si Leni ay nasa mid-thirties at sya ay 18 years old.
Stay in sila lahat,may kanya-kanyang kwarto sila sa maids quarter na makikita sa likod-bahay.Pero alam ng mag asawang Ledesma na nag aaral sya sa gabi, 6-10pm ang klase nya.
Minsan nga binibigyan pa sya ng mga ito ng allowance kahit palagi nya namang tinatanggihan,pero mapilit naman Ang mga ito.
Anna,excited na ako mamaya,alam mo bang napakagwapo nitong si sir Art?kinikilig na sabi ni Leni dito.
Ewan ko sayo ate Leni,may asawa kana't mga anak kinikilig ka pa dyan.Simangot na sabi ko.
Hmmm,hindi ba pwedeng kiligin kahit may asawa na't mga anak?haler babae din ako noh,ikaw talaga Anna napaka manhater mo talaga.Taas kilay na sabi nito sa akin.
Alam mo naman ang nangyari sa buhay ko ate Leni diba?sakit sa ulo lang yang mga lalaki,lalo na't gwapo?Hmm.Simangot parin na sabi ko sa kanya.
Ewan ko lang sayo kung hindi malaglag ang panty mo pag nakita mo si sir mamaya,hahahah.Tumatawang sabi nito.
Alam kong inaasar lang ako ni ate Leni,iniwan ko nalang syang nakasimangot sa dining area at nagtungo sa kitchen para doon tumulong kay nanay Inday.
Oh bakit nakasimangot ka dyan anak?Tanong ni nanay Inday,anak na ang tawag nito sa akin.
Wala po nay. Pagsisinungaling ko dito.
Alam ko na,inaasar kana Nlnaman nya noh?hahahaha.Tumatawang sabi ni nanay sa akin.
Bumuntong-hininga naman ako at tumulong na sa gawain sa kusina.
Marami kapa pong lulutuin nay?Tanong ko kay nanay Inday.
Ito nalang tapusin ko nak,pagkatapos nito magpahinga muna tayo, pauwi na sila Senyor kasama si sir Art. Meron pa namang dalawang-oras.
Maya-maya natapos na sila sa lahat ng ginagawa.Nagpahinga muna sila, sa may kusina lang din para madali nilang malaman ang pagdating ng mga amo nila.
Anna diba may exam ka mamayang gabi?May isang oras pa naman bago dumating ang mga amo natin,magreview ka muna don.Sabi ni nanay Inday sa akin.
Ou nga naman Anna,tawagin ka nalang namin mamaya pagdating nila.Segunda naman ni ate Leni.
Wala na akong nagawa kaya pumanhik muna ako sa aking kwarto,naligo muna ako kasi feeling ko sobrang lagkit ko na,pagkatapos,nagreview na ako.
Nasa second year college na ako sa kursong accountancy.Ito kasi ang napili ko,wala lang feel ko lang talaga mag accountancy malay natin magkaroon ako ng business in the future. Mahanap ko na ang ama kong nang-iwan sa amin ni inay.
Sobrang namiss na kita nay, sana magkita na tayo noh?iaahon kita sa hirap nay,hindi kana maglabandera.Sabi nya na nakahawak sa litrato ng Nlnanay niya.Hindi nya namalayan tumutulo na pala ang luha sa kanyang pisngi.
Hays!!sobrang mis na kita nanay.Bulong ko sa litratong hawak ko.Huwag Kang mag - alala nay,sisikapin kong makapagtapos kahit ang hirap, magkakasama din tayo pag nakatapos na ako sa pag aaral.Kausap ko sa litrato.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag review,may kumatok sa aking silid.Pagkabukas ko ng pinto si ate Leni pala.
Anna halikana, andito na ang mga amo natin.Makikita mo na si sir Art.kinikilig na sabi nito sa akin.
Sumimangot lang ako at hindi na nagbitiw ng salita.Sumunod naman ako sa kanya papuntang kusina.
Nakalimutan kong magpalit ng damit,nakashort lang pala ako ng napakaikli, lantad na lantad ang makinis at bilugang mga hita ko.
Oh anjan kana pala anak, doon ka sa dining area para kung may kailangan ang mga amo natin ay madali mo silang mapagsilbihan. Sabi ni nanay Inday
Tumalima naman agad sya dito.