Kabanata 4

568 Words
Anna POV Kinaumagan ay Sabado. Alas otso ng umaga pumunta agad ako sa kwarto ni sir Art para maglinis. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumagot,pinihit ko ang seradura at hindi naman ito nakalock.Pumasok ako pero hindi ko Nakita si sir. Nilibot ko ang aking mata sa buong kwarto nya,napaka manly nitong tingnan, ang laki rin nito.Pagbaling ko sa side table may nakita akong frame,si sir Art na nakayakap sa isang babae. Napakaganda ng babae,halatang galing din ito sa mayamang pamilya. Maya-maya biglang bumukas ang pinto sa banyo,nakatulala akong nakatingin doon,Nakita ko si sir Art na nakatapis lang ng tuwalya, may butil pa ng tubig na galing sa basang buhok nito, ang ganda ng katawan nya,may 6 packs abs. Enjoying the view huh?Sarcastic tone nitong Saad. Bigla naman akong natauhan at ibinaling sa ibang direction ang aking paningin,alam kong namumula ako ngayon,ramdam ko ang init ng aking mukha. Pipi ko namang pinagalitan ang aking sarili sa nangyari,nakakahiya! What are you doing here?do u know how to knock the door before you enter my room?!nanlilisik ang matang tanong nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa hiya. Sorry po sir, maglilinis lang po ako ng kwarto nyo,kumakatok po ako ng tatlong beses kanina,sorry po talaga. Namumulang sabi ko dito.Malapit na akong maiyak sa harap nito. Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya napalingon akong bigla.Nakita ko syang naglakad papunta sa isang pinto,alam ko na iyon ang walk in closet nya. Hindi ko nalang pinansin ang nangyari,nagsimula na akong maglinis,hindi naman magulo ang kwarto nito. Napakaorganized din ng lahat ng gamit sa kwarto. Nakakahanga ang ganito ka organized,mas organize pa ang mga gamit nito kaysa sa akin. What's your name? Nabigla naman ako sa tanong nito. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sya. Ahm,Anna Madrigal po sir. Nahihiyang sabi nya rito. Ilang taon kana? 18 po sir, ano to?Interview?piping sabi ko sa aking sarili. Okey, sa sunod huwag na huwag ka ng papasok sa kwarto ko! Nabigla naman ako sa singhal nito,okey pa naman sya kaninang nagtanong sa akin,weird.Paismid na sabi ko sa sarili. Tumango nalang ako at binilisan ang paglinis sa kwarto nya at lumabas na agad don. Hays!nakahinga naman ako ng maluwag ng nakalabas ako sa kwarto ng amo kung masungit. Hmmm.,pinaglihi siguro sya ni madam ng sama ng loob. Ibang-iba ang ugali nya sa mga magulang nya ehh! What did you say?! Halos mapatalon naman ako sa gulat,nakasunod pala sya sa akin. Wa-wala po sir.Utal na pagsisinungaling ko. Pinanlisikan lang ako nito ng mata. Halos talunin ko na ang ilang baitang ng hagdan para makalayo sa presensya ng amo kung suplado. Tsss..woman! Rinig ko pang sabi nito. Ano kayang nangyari sa kanya?Bakit parang galit na galit sya sa mga babae?Anang isip ko. Gwapo aana,ang sungit naman.Sabi ko pa sa isip ko. Hey!sSinong gwapo ha?akala ko ba galit ka sa mga lalaki?sSupalpal ng kabilang isip ko. Naipilig ko nalang ang aking ulo para mawala kung ano mang mga naisip ko. Pagdating ko sa kusina nadatnan ko si nanay Inday. Oh Anna, anong nangyari sayo? nakasimangot ka jan?untag na tanong ni nanay sa akin. Ehh,napagalitan ako ng amo nating masungit nay ehh.Ayaw na nya daw akong maglinis sa kwarto nya. Pagsusumbong ko dito. Pabayaan mo na sya, yan ang gusto ni Madam na ikaw ang maglinis ng kwarto nya. Huwag mo nalang syang intindihin. Sabi nito sa akin. Bumuntong hininga nalang ako at saka tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD