XI

1154 Words
"Anong nangyari dito?" Napangiwi siya nang maabutan ang bahay. Amoy sunog ang kabuuan noon. Medyo mausok pa nga. "Boss. Pasensya na." Si Dodong. Kakamot-kamot itong humarap sa kanya. "Naabutan ko nalang po yung oven na umuusok." "Yung tinapay boss..ah...uling na." Lumipat ang tingin niya doon sa tray at napabuntong-hininga. It looks like black shiny blobs of charcoal. So much for the effort, he thought. Ilang oras niyang pinaghirapan tapos mauuuwi din sa ganoon. Cheesy garlic pandesal sana yon. He did set the timer, right? Damn, he didn't. Siya pala ang may kasalanan. "Si Rose?" Tanong niya. "Wala na po siya dito nung naabutan ko." He sighed again. Naalala nga niya yung mukha nito noong paalis na siya. Nabitin siguro. Siguradong magtatampo yon kaya napabili siya nang pang areglo. It's a whole baby lechon. Alam niyang paborito ni Rose yon. Ngayon di niya alam ang gagawin niya. "Boss." Sabi ni Dodong habang nginunguso ang nasa lamesa. Kanina pa nga nito yun nililingon. Napapalunok pa. "Paano na yan?" Napailing siya. "Pachop-chop tapos pakibigay kay Manang yung kalahati. Ikaw na bahala sa iba." "Sure ka, Boss?" "Ayaw mo?" "Hindi. Hindi po. Wala naman akong sinasabi" Sagot ni Dodong na hanggang tenga ang ngiti. Nagmadali pa tong kumuha ng plato. Nilabas pa ang cellphone bago pinadaan iyon sa likod ng conchinillo. Dinig pa niya ang pag-crack ng balat. Kung nakita sana yon ni Rose siguradong nagtatalon na. Sayang. Umakyat na siya sa kwarto at naupo sa kama. Papadilim na. Wala na nga ang bakas ni Rose doon. Mukhang umalis na talaga. Alaala nalang ng pabango nito sa bedsheets niya ang naiwan. Maganda pa naman ang mga plano niya ngayong araw. Nakahanda na sana yung mini theater niya. Netflix and chill na sana. Sayang talaga. Huminga siya nang malalim at tiningnan ang phone. Wala din itong messages. Kanina pa nga niya tinatawagan. Nag-aalala siya na nasira na nang tuluyan ang cellphone nito nung hinagis niya. Kalasanan niya din kasi. Pero papalitan naman niya. Dala na nga niya yung bago ngayon. "Who the f**k is that Xavier anyway?" Aniya. Pinapahanap na niya kay Joy ang lalaking yon. Natatandaan niya yung number. Sana lang may makita siyang resulta. "I'll give you something that will blow your brains out..." Iyon nang nadinig niya kagabi. Nakakapandilim talaga nang paningin. Oo nga at may agreement sila ni Rose, hindi siya papayag na may sumingit nalang basta na hindi niya kilala. May bagong dumating na text. Napatayo pa siya. Pero napangiwi din nang makita kung sino. Leo. -you got home safe? Nagreply naman siya agad na oo, nakuwi na siya. Maayos naman ang lagay niya. Kumain na siya. Maliligo na saka matutulog. Napakamot siya ng ulo. Di bali kung si Carrie yung nagtext kaso yung asawa talaga. Naalala niya na kaya tumawag din si Carrie kanina dahil pinapapunta siya ni Leo doon sa condo nila. Sira ulo din, minsan naiisip niya si Leo tong naghahabol. Saglit lang siya doon. Nag-check lang siya ng property. May issue kasing may nakapasok na ibang tao at baa nagkanakawan na. Magkatabi kasi yung fully furnished unit na nabili niya sa unit nila Carrie. Para sana kay Rose, para hindi na mapalayo sa mga kamag-anak. Kaso ayaw namang tirahan. Napabuntong-hininga siya uli. Lahat nalang ng inooffer niya tinatanggihan ni Rose. Siya talaga siguro ang may mali. Naalala niya noong highschool pa sila. Si Rose ang nagyaya sa kanya sa pagtugtog. Sa pagbabanda. It was against his family's wishes, mag focus lang daw siya sa academics. Pero si Rose yon. Hindi niya mahihindian si Rose. He was a sheltered nerd back then. Karaniwang anak ng pulitiko. Rose was the it-girl. Charming, beautiful, and fun. Malaking bagay para sa kanya na naging magkaibigan sila. Pero ilang taon lang, bigla nalang nagbago. Ang sabi kailangan nitong umalis. Kailangan nitong mag-aral sa ibang bansa. He felt so betrayed. She left him with nothing. She took everything. He felt so used. Naalala pa niya kung gaano yon kasakit. Everything went a downward spiral after that. Booze, drugs, s*x. Naging normal na yon sa kanya. Then he found Carrie. Ito ang naging bagong obsesyon niya. Pero tuwing nakikita niya ito naalala niya lagi si Rose. She has a striking resemblance to her, of course, magpinsan sila. So he hurt her. She let her feel the pain na katulad sa pagiwan sa kanya ni Rose noon. He knew he shouldn't have done that. Wala naman itong alam. Kaya hanggang ngayon nakokonsensya siya sa pinaggawa. Nanghihinayang na din. If he treated Carrie better back then, sana sila na ang endgame. May pamilya na din sana siya. Hindi na siya mag-isa. He sighed again. "What the--" Pabalikawas siya bumangon nang may nakita siyang aninong dumaan sa may bintana. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit. Oo nga't luma na ang bahay na yon pero ngayon lang ata niya na experience na multuhin. "I should have knocked." Pumihit siya patalikod. Napabuga siya ng hangin nang makita si Rose na nakatayo na sa gitna ng kwarto. "Rose naman." Hindi na talaga siya nasanay. Lumapit na siya dito pero mabilis lang itong umatras. "How's Carrie?" Tanong nito pagkaupo sa kama. "She's fine." Aniya. Umupo na rin siya sa tabi nito. Maybe she's not in the mood. Hahayaan nalang niya. Hindi pa yata nakakarecover sa ginawa niya kagabi. Hindi pa nga siya nakakabawi doon. "I see." Kumunot lang ang noo nito. She's not really in the mood. May problema. "Rose." "Let's end this." "What?" Napakurap siya. "Let's end this, Buds." Sabi nito. "Wala rin naman tong kahihitnan." "You--you're kidding right?" Pero walang bakas ng ngiti ang mukha nito. "R-Rose why? What is it this time?" "It was still Carrie. Isang tawag lang niya, nawawala ka na agad." Dammit. Yung kanina. "I'm tired of it, Buds. Alam kong siya nakikita mo lang siya sakin. You can't get her so you're sticking on me." Tumayo na ito sa kama at lumakad papalayo. "Hindi. Sandali." Agad siyang tumayo. Nahila naman niya ang kamay nito bago pa makalabas ng pinto. "That's not true. Hindi ito dahil kay Carrie. You have other reasons." Napakababaw na dahilan noon kung iyon parin ang naiisip nitong dahilan. Alam naman nito ang estado niya kay Carrie. "Whatever, Buds." Sabi lang nito. "Ayoko na." Napakunot siya ng noo. Hindi niya talaga matatanggap yon. "Yong kagabi yon, hindi ba? Yung sinabi ko kagabi?" "Buds. Enough." Sabi na. Hindi na sana siya humiling pa. "Ok lang sakin na ganito, Rose. Ok na. Ok lang sakin." Sambit niya. "I'll take whatever you offer...just don't leave." Kung kailangan niyang magmakaawa, kung kailangan niyang lumuhod, gagawin niya. Umiling si Rose at mabilis na kumawala sa hawak niya. "You are still the pathetic little boy that I used to know, Salvador." Sabi nito. "Rosaria." "Get a f*****g life, loser. Don't bother me again." Agad din itong umalis. Nanatili lang siya nakatayo sa loob ng kwarto. They were the same words that she said to him when she first left. "F*ck it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD