"Rose?"
Ngumiwi siya nang padaanin ni Xavier ang kamay sa harap ng mukha. Masyado siyang nakatitig details nang misyon nila.
"Earth to Rosaria. Hello?"
"Gusto mo na bang mamatay, Xaiv?" Inangat niya ang tingin at nakita niyang nakangalumbaba ito. Nakatingin na sa kanya
"Busy?"
"Isn't it obvious?
Tumawa lang ito at umupo sa silyang malapit. Naglabas ng sigarilyo at nilagay yon sa bibig. Agad naman niyang inagaw yon bago pa masindihan. "Not here."
Umiling lang ito at tumayo na. "Nung una ikaw tong may ayaw sa kaso pero ikaw tong nakatutok ngayon."
Di na niya pinansin yon. Bumalik nalang ang tingin niya sa files.
Lucas was here indeed. Kitang-kita niya ang cctv footage nito kung saan pumasok sa isang mamahaling hotel. Kahit naka mask pa ay kilang-kilala niya.
Fucking bastard, she thought.
He's here for a meeting with a known local terrorist leader. Mukhang tama ang impormasyon na hindi lang sa drugs ito nakatutok ngayon. Mahihirapan silang kalabanin ito kung marami na itong kakampi.
"How's Carlito and his wife, Blue?" Tanong niya kay Xaiver. Iyon naman talaga ang misyon nito ngayon, to protect the Esguerra clan.
"She's good. And I saw the kid and it was so f*****g small. Parang hindi anak ni Carlito, are you sure that is his?" Sabi naman ni Xavier.
"He was born prematurely, of course. What do you expect? Grade 3 na?" Napabuga siya nang hangin.
Next month pa dapat ang due ng bata. She just hope na wala itong gaanong complication. Alam niya nasa NICU pa ito hanggang ngayon.
"They live in your old apartment, it makes sense that they were after you. Even with Carrie, you know they can easily mistake her for you. It wasn't the first time that has happened, I guess."
Tumango naman siya. Totoo naman yon. Kahit noon may naleak na s*x video niya, si Carrie ang napagbintangan. Buti naagapan bago kumalat.
"Come to think of it. You do look like her."
"I know." Kahit naman noon pa. Ngayon lang ba napansin ni Xavier yon?
"Tsk. Sabi na. Petty exes."
Tiningnan lang niya si Xavier nang matalim. She wanted to rip his throat right now pero kailangan pa niya ito.
"Hey..."
"Shut it."
Maybe next time, she thought. Kailangan niya ng mahabang oras para tortyurin ito. Wala siya noon sa ngayon.
"I'm talking about that Salvador."
"Si Buddy." She said. Bakit hindi nalang kasi diretsahin pa.
"Yeah, whatever his name is. He's Carrie's ex boyfriend, Carlito told me. Guess he's into you because he wanted to get back at Carrie."
So personal na ang usapan, di na trabaho.
"You know nothing, Marites." Tumayo nalang siya at sinara ang laptop.
"Who the f**k is Marites?" Tanong sa kanya ni Xavier. Sinundan pa siya nito papunta sa kusina nang kumuha ng tubig.
"He deliberately hurt you, don't you think? C'mon, sinadya niyang saktan ka dahil kay Carrie. Can you let me avenge you or something? Hindi talaga ako matahimik sa ginawa noon sayo."
"I told you not to hurt him."
"Can I cut two fingers?"
"No."
"One? That one between the legs, perhaps?"
Kinuha niya ang kutsilyo sa lalagyan. Nakita naman niyang napaatras si Xavier dahil doon.
"Red naman..."
Umiling siya. Parang bata talaga.
Kinuha naman niya ang isang pulang apple at nagsimulang hiwain yon gamit ang kutsilyo. "Let him be."
Mali rin naman ang impormasyong nakuha nito. He took Carrie because he reminded her of her. Si Buddy na mismo ang umamin sa kanya noon.
And she was Buddy's first. The morning after that night, she slept with him, lumipad na siya agad papaalis sa Pilipinas. No goodbyes. No, nothing. She just left him hanging like that.
Kaya din siguro nagkagulo ang buhay nito noon. Siya din ang may gawa. It took a toll on him mentally. At ngayon inulit na naman niya.
"By the way, Rose." Napalingon naman siya kay Xavier uli.
"He's still here, hindi siya umalis."
***
Pabagsak na sumakay si Buds sa sasakyan.
"f**k. Where the hell is she?"
Wala pa din si Rose sa condo nito. Nalaman niya sa mga guards na ilang araw nang hindi ito umuuwi doon. Pumunta rin siya sa hospital kung saan ito nagtratrabaho pero sinabi din sa kanyang na resign na ito mag-iisang linggo na. He even went to her Aunt sa dating clinic nito pero wala din itong alam kung nasaan si Rose ngayon.
D*mmit.
"Boss, san na tayo? Dami na nating pinuntahan, ah. Pandemic ngayon, bawal gumala."
"Just shut up! Ok?!"
Nakita niyang ngumiwi si Dodong at tinuloy nalang ang pagdri-drive. "Init ng ulo, Boss."
Napasuklay uli siya ng buhok at napapikit. Wala na siyang idea talaga. Lahat na nang pwedeng puntahan ni Rose napuntahan na niya.
After all that he did, hindi na nakakagulat na pagtaguan siya nito.
But he remembered he had left Rose in that place all alone. Ilang beses niya yong binalikan pero wala naman ito doon. Wala ding bakas na kung ano.
Hindi kaya may masama nang nangyari?
F*ck that. Hinding-hindi niya lalo mapapatawad ang sarili niya.
Naramdaman niyang nagvi-vibrate yung phone niya sa bulsa. Agad naman niya yong kinuna at sinagot.
"Hello Buddy."
"R-Rose? Rose nasan ka?!"
"Buddy, si Car to."
Fuck. Sa sobrang pag-iisip niya, hindi na niya natingan yung pangalan nang tumatawag. Magkaboses din kasi ang dalawa.
"Sorry Carrie. Nakita mo na ba siya?"
"Wala din ngayon si Ate Rose sa bahay ni Kuya Itong sa Cainta. Di din alam ni Kuya kung nasaan, busy din kasi yon. Di pa kasi nakakalabas si Ate, kakapanganak lang."
Alam niya yon. Nanganak na yung asawa ni Esguerra.
Napangiwi siya. Kaya di din nila siguro napansin agad ang biglang pagkawala ni Rose.
"Nagpadala ako ng bulaklak saka pagkain pero di na ako nakadalaw. Bawal daw pumasok." Wala sa loob niyang sambit. Napansin pa niyang maraming bantay itong nakauniporme na nakapaligid sa hospital kaya di na niya magawang magpumilit.
"Aw. Nagdagdag kasi sila ng security doon. Baka kasi bumalik yung bumaril doon sa house nila."
"What?" Kumunot ang noo niya. "Bumaril?"
"Di mo pa pala alam? May bumaril doon sa bahay nila Kuya Itong kaya natamaan si Ate. Kaya preemie si baby nila. Kaya di din maiwan ni Kuya. "
Like how? Ang alam niya wala naman kalaban si Ito na may kapasidad na gawin yon. Alam niyang hindi ordinaryong pamilya ang meron sila pero wala siyang makita may motibo.
Unless Rose...
"Tatawagan nalang kita kapag may balita ako ha. Nasa paligid lang yon. Di naman makakalayo yon, bawal pang magtravel." Tuloy ni Carrie
"Why mo ba hinahanap? May kailangan ka?" Tanong pa nito sa kanya.
"W-Wala...wala naman. Salamat Carrie." Pagkataos ay agad niyang pinatay ang tawag.
Hindi rin pala alam ni Carrie ang tungkol sa kanila ni Rose. Mas mabuti pa siguro na wag niya munang ipaalam hanggat di pa niya naaayos ang lahat.
"Wow. Boss. Iba na talaga."
"What?!" Singhal niya sa assistant nang bigla itong nagsalita. Marami siyang iniisip para sakyan ang mga biro nito.
"Hindi ko kasi makita yung kilig niyo kapag tumatawag si Miss Carrie. Dati ang tagal niyo pang ibaba yung phone tapos hanggang tenga ang ngiti."
"Tumahimik ka. May asawa na yon."
"Di yon boss." Sagot naman ni Dodong. "'Pag si Maam Rose, mabilis pa kayo sa alas kwatro sagutin, eh. Tapos hindi niyo pinapatayan ng tawag. Aligaga pa kayo lagi bago niyo sunduin.
Huminga siya nang malalim. Kung minsan talaga usisero itong si Dodong.
"Nag-away po ba kayo? Dapat may flowers at chocolate kapag sinusuyo." Sabat pa nito. "Kaso si doktora yon. Bigyan niyo nalang ng limang lechon tapos magpa-cater kayo."
Napailing siya. Kung saan ganoon lang kasimple ang lahat.
"Sa hospital uli tayo, Dodong." Sabi niya.
"Kay Boss Itong po?"
Tumango siya.
Susubukan niya uling kausapin si Esguerra. Mas malapit si Rose sa pinsang niyang yon, baka sakaling may alam ito.
Hindi nga lang niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Kung sakaling malaman ni Esguerra ang ginawa niya, literal na hindi na siya sisikatan pa ng araw.
Bahala na.
Tumigil saglit ang sasakyan dahil sa stoplight. Napatingin siya sa may bintana. Agad niyang napansin ang isang lalaking nakatayo sa may pedestrian lane. Nakababa ang mask kaya nakilala niya agad. May hawak pa itong cellphone at mukhang may tinatawagan.
Hindi siya pwedeng magkamali. Tandang-tanda pa niya ang pagmumukha.
Napakuyom siya nang kamao nang tumawid ito. Kitang-kita niya kung saan ito tumuloy. Doon sa nag-iisang bukas na bar doon.
"Dong." Sambit niya.
"Yes, Boss?"
"May dala kang baril, diba?"
"P-palagi naman, Boss."
"That's good." Aniya. "Wala bang laman yung warehouse sa may Antipolo ngayon?"
"B-Boss..."
Ramdam niya ang kaba nito. Mukhang may hinala na sa balak niya.
"Gagamitin ko mamaya."