XV

1111 Words
"Dammit.." Mabilis na nag-impake ng mga gamit si Buds. Inisa-isa ang mga tshirt sa cabinet at nilagay sa maleta. Kaunti lang ang dadalhin niya. Kailangan niyang makaalis agad. Mahuhuli na siya sa flight niya. Mahinang siyang napamura nang tumunog ang phone. Hindi niya malaman kung saan yon nakalapag. Nakakailang ring na nang maalala niyang sa bulsa niya pala iyon nilagay. Napasabunot siya sa buhok. Wala na talaga sa hulog ang isip niya. "Putcha naman." Sinipat niya muna ito bago sumagot. "Joy?" "Saan ka pupunta? Bakit sinabi ni Dodong aalis ka? May guesting ka, pinapaala ko lang sayo." Napangiwi siya. Sinabihan niya si Dodong na wag magsalita sa pag-alis niya. Mababatukan na talaga niya yon. May exclusive interview siya sa isang celebrity vlogger. Ayos na ang lahat pero hindi na siya makakapunta pa. "I can't..." Huminga siya nang malalim. "Sina Jonson nalang ang papuntahin mo." "Bakit ba? Anong nangyayari dyan sayo? May sakit ka?" Tangina. "Y-yes...yes. I need to quarantine, OK? Ipaliwanag mo nalang. Hindi ako lalabas." Sabi niya kahit hindi. Mas malala pa doon ang lagay niya. Ang hirap magpaliwanag. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo. "Putcha naman. Bakit ngayon mo lang sinabi! Anong nararamdaman mo? Nagpaswab test ka na ba? Kailangan mo bang magpaconfine? Magpapadala ako team--" "No need. Ok? No need." Pigil niya kay Joy. "I..basta...walang lalabas dito. Sa media, sa lahat." Sagot niya. "You know what to do." Joy always knew what to do. Ito lagi ang tagabura ng mga kapalpakan niya. The band has always been spotless because of her. Pero ngayon, hindi niya alam kung mapagtatakpan pa ang lahat. "Kasama mo ba si Rose ngayon?" Si Rose.. "May doktor ka nang kasama pero magpapadala parin ako ng tao..." "Hindi na nga! Wag na nga diba?!" Sigaw niya sa kabilang linya. "Bakit galit ka?! Ano bang proble--" Mabilis niyang binato ang phone sa dingding. Basag-basag na yon nang tumalsik pabalik sa paanan niya. Napasuklay siya nang buhok. "Putangina!" Naabot niya ang isang lampshade at hinagis niya yon nang malakas. Sunod na naabot ng kamay ang naka frame na awards ng banda. Nadamay na rin ang mga gitara at ilan pang nakadisplay na instrumento sa loob ng kwarto. "Tangina...tangina..." Dahan-dahan siyang napaluhod sa gitna ng kwarto habang hinahabol ang hininga. Sumisikip ang dibdib niya na di niya maintindihan. "Rose..." Buds..wag...wag.. "Bakit ko ginawa yon...tangina..." Tuluyan na siyang bumagsak papahiga sa sahig. Ang malaking chandelier nalang ang nakikita niya. Too antique, he thought. Gusto na sana niya yong papalitan pero ayaw ni Rose. She always found that object fascinating. Kaya din dito siya sa ancestral house nila sa Tanay nakatira dahil ito ang paboritong lugar ni Rose. Rose was a romantic, she likes old things that have a story. This is her place. Like she always belonged here. Fuck it... Even the whole place smells like her. Napapikit siya nang mariin. Buds...Tama na...tama na please... Hindi niya sinasadya. Hindi niya akalaing magagawa niya yon. Sa kahit sino. Kahit pa kay Rose. He knew he was always rough when it comes to s*x, but not the way Rose wanted. She wanted more. She always wanted more. Pero hindi niya alam ang pumasok sa utak niya noong gabing yon. Nasapian na siguro talaga siya ng demonyo. Mas malala pa sa epekto ng mga mga ginagamit niya noon. He blacked out. Nawalan na siya ng kontrol sa sarili. It was too late when he realized what he'd done to her. "Badong!" Boses ni Manang Trining ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakahiga sa sahig. "Ano na naman tong pinaggagawa mo?!" Marahan siyang umupo at naghilamos ng mukha. Malas at naabutan siya sa ganoon ayos. Hindi niya naaalala na dadating ito ngayon sa bahay niya. "Susmaryosep! Yung painting ng lolo mo! Yung mga gitara mo! Pagkakamahal ng mga yan." "Manang, ano ba?!" Sigaw niya pabalik. Binatukan siya nito nang malakas. "Aba't anak ka ng tokwa! Pinagtataasan mo ako ng boses?!" Wala siyang nagawa kundi tumayo habang hawak ang bumbunan. Masakit yon. Natatandaan niya na si Manang Trining lang amg nakakagawa noon sa kanya. Ito lang ang nagawang pumalo sa kanya nung bata dahil sa mga kalokohan niya. Kung hindi ito lumipat noon sa poder ng mga lolo't lola niya sa Cebu. Siguro ay nadisplina siya ng maayos at hindi naging ganito ang kinahinatnan ng buhay niya ngayon. "Ano na namang problema mong bata ka?" Umiling lang siya at umiwas nang tingin. Pero agad din nito siya nitong pinaharap. Hinaplos pa ang malaking pasa sa mukha. Hindi niya maitatago yon. "Saan ka galing at ang dumi mo? Mukhang hindi ka pa natutulog. Ang pula ng mata mo." "Wala po ito." Hindi niya magawang makatulog kahit ilang saglit lang simula nang makabalik siya. Naaalala niya ang lahat. Kitang-kita niya ang lahat. Dinig na dinig niya. Magkasama si Rose at ang lalaking yon. Ang buong akala niya sa kanya na si Rose. Sa kanya lang. He did everything she wanted. He gave everything. And she knew he could give more if she just asked. But all these years hindi parin pala siya naging sapat. Hindi niya matanggap. And then...fuck it. Hindi niya maintindihan ang sarili. Napakadali sa kanyang pakawalan si Carrie noon. Mabilis siyang nakapagparaya. Pero kay Rose di niya magawa. Hindi niya kaya. "Saan ang punta mo?" Tanong ni Manang Trining nang makita ang maleta niya. "Uuwi ka na ba ng Cebu?" Umiling siya at humakbang papalayo dito. "Badong." "Opo." Hindi niya plinano talaga Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta alam niya kailangan lang niya umalis. Nakita naman niyang ngumiti ang matandang babae sa kanya. "Nag-away ba kayo ni Osang? Nagkasakitan ba kayo?" Bumuntong-hinginga lang siya. Hindi niya masagot yon. Siya ang nanakit nang sobra. "Hindi ka na nagbago. Kay Carmelita ganyan din ginawa mo. Bigla ka nalang umalis." Napailing pa ito. "Kung humingi ka ng tawad agad sa kanya noon edi sana..." "Manang.." "Magsorry ka kung may ginawa kang mali. Hindi pwede yang ganyan na tatakas ka nalang palagi." Sabi ni Manang Trining. Napatingin nalang siya dito habang nag-uumpisa nang magligpit ng mga kalat na naiwan niya. Napaupo nalang siya sa kama at napayuko. Napasuklay siya ng buhok. Iba ang sitwasyon ngayon. He may have hurt Carrie then, but not the way he hurt Rose. Kahit anong gawin niya, hinding-hindi siya mapapatawad nito. But then...perhaps. "Alam kong magkalaban sa pulitika at negosyo mga pamilya niyo, hijo. Alam ko ding inililihim niyo ang relasyon niyo. Pero sa tingin ko ay mas mabuting pakiharapan mo na rin ang pamilya niya ngayon." Tumayo siya at tinulungan niyang maglinis si Manang Trining. Tama ito. Kailangan niyang harapin ang kasalanan niya. Kahit buhay pa niya ang ibigay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD