Wala nagawa si Dale kundi ang samahan ang kapatid at siya mismo ang nagmaneho ng yate sa pangungumbinsi na rin ng Mommy nila. Dahil birthday ng apo ni Nana Celia na si Allena na girlfriend ni Duncan ay pumayag siya sa hiling ng mga ito. Napapayag siya ng Mommy niya na samahan ang mga ito dahil mabuti na raw na samahan niya at baka kung ano pang kababalaghan ang gawin ng kapatid niya. Hindi na rin naman iba ang turing niya kay Allena. Kung tutuusin ay nagpapasalamat siya rito dahil hindi nito iniwan si Nana Celia na itinuturing niyang pangalawang ina. Sa katunayan ay sinagot niya ang pag-aaral nito hanggang makatapos ng kolehiyo at naging close na rin sa kanya lalo na ng maging girlfriend ito ni Duncan. Pero dahil masama ang panahon ay sa mga isla na lang ng Mindoro sila naglayag. Kada

