Chapter 64

1681 Words

Pagkaalis ni Brylle sa bahay nila ay hindi mawala sa isip niya ang kotseng nakita niyang nakaparada sa labas ng bahay nila. Hindi siya mapakali at hindi niya maintindihan kung bakit napaka-pamilyar sa kanya ng pakiramdam habang pinagmamasdan iyon kanina. May kutob siya na si Dale iyon at hindi niya gusto ang pakiramdam na maaaring nasaktan ito kanina nang makita siyang kasama si Brylle. Nagkulong siya sa kwarto pagkatapos sunduin ng mag-asawang Fortalejo ang kambal para ipasyal. Nagtataka siyang napaka-pormal ng mga ito sa kanya na dati rati’y magiliw ang pagtanggap sa kanya at napansin niya ang malungkot na mata ni Martina habang tinititigan siya. Malakas siyang napabuga ng hangin pagkatapos ay tumayo at tumanaw sa bintana. Muling sumagi sa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Dale

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD