“Yes, at the end of the storm super blessed ka pa rin. Excited na ‘kong makita ang kambal, Boo! Sinong kamukha? Si Kuya Dale siguro ‘no? Patingin nga ng picture,” excited nitong utos. Kinuha niya sa bag ang cellphone saka binuksan iyon. “Here!” sabi niya pagkatapos buksan ang gallery nito. “Wow, super cute naman ng babies mo. Nakakainggit naman!” Natutuwa niyang pinagmasdan ang kaibigan pero napansin niya na parang may itinatagong lungkot ang mga mata nito. She controlled herself to ask. Marami pa naman panahon na makakasama niya ito kaya bibigyan niya ito ng panahon na kusang magtapat ng kung anumang pinagdaraanan nito. “Ikaw ba? Wala ka pang plano mag-asawa? Wala ka man lang nababanggit na boyfriend mo,” nanunuksong saad niya. “I have at malapit na,” sabi nito na napatingin sa pin

