Naniningkit ang mga matang nakipagtitigan siya rito. “Anong problema mo? Hindi porke’t malaki ang utang namin sa’yo ay may karapatan ka nang utusan ako o pagbawalan sa gusto kong gawin.” Napaurong siya nang lumapit pa ito sa kanya. Nanlalaki ang mga matang napahawak siya sa dibdib nito para pigilan ang paglapit sa kanya. “Anong gagawin mo?” Ngumisi ito saka yumuko para tingnan ang mga kamay niyang nakalapat sa dibdib nito saka muling tumunghay sa kanya. “Bakit? Anong inaasahan mong gagawin ko?” sabi nito na mas lalo pang ngumisi. Kumunot ang noo niya saka mabilis na binawi ang kamay na mabilis naman hinawakan ni Dale. “Feel it, Alison,” sabi nito na lalong idikit ang palad niya sa kaliwang dibdib nito. Tumingin siya sa mga mata nito at wala sa sariling napalunok siya nang bumaba ang m

