Chapter 52

1777 Words

Maaga siyang nagising para sa mahalagang lakad niya ngayong araw. Nagpaalam siya sa Daddy niya na makikipagkita sa kaibigan. Ayaw niya sana na iwan ito pero kailangan niyang i-maximize ang oras niya dahil alam niyang mahaba-habang panahon ang kailangan niyang gugulin kung ayaw niyang mawalang parang bula ang mga pinaghirapan ng kanyang ama. Maaga siyang dumating sa opisina ng abogado. Wala pa raw ito sabi ng sekretarya. Matiyaga siyang naghintay rito at pagkalipas ng halos kalahating oras ay dumating din ito. “Hello, hija! Buti naman at naisipan mo nang umuwi. Kumusta si Philip? Pasensya na kamo at hindi na ako nakapasyal sa kanya sa dami ng trabaho ko,” saad nito pagpasok pa lang nila sa loob ng opisina nito. “Medyo ok na po si Daddy. Still recovering pero sigurado po ako na babalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD