Chapter 1: Welcome to Thailand
"Hello ka Shynatics. Andito na naman ang mahiyaing Vlogger. Ashe Reen Champ and welcome to my vlog." Bati ko sa harap ng camera.
Kung may utak kayo alam niyo na vlogger ako. Yes, I'm a vlogger at meron akong 500k subscribers.
Medyo Sikat ng konti. *laugh*
Kadalasang content sa vlog ko is about sa pagkain, at mga reaction sa movie or series. Minsan nagttour din sa houses namin.
Chaaaar houses. Syempre yung iba hindi sa amin. Pumupunta ako sa bahay ng tita at tito ko para sa video ko *laugh* hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay. I mean lumalabas ako pero hindi yung gumagala kung saan saan. Lumalabas lang ako pag bumibili ng mga needs at pumupunta sa bahay ng tita at tito ko.
So, wala talaga ako masyadong content sa labas. Siguro iyong sa travels ko lang, mga apat or lima siguro yun.
Kaya alam niyo na kung bakit Shynatics tawag ko sa fans, followers or whatsoever ko. Isa akong dakilang mahiyain. Okay lang naman sa family ko. Comfortable lang ako habang nag vvideo, pero minsan nahihiya pa rin. *laugh*
About sa travels naman kasi is yung mga tao sa ibang bansa halos walang pakialam sayo.
Pero halos lahat ng content ko is pagkain. Food is life.
Nagluluto ako ng kahit ano anong cuisine. Minsan may tumutulong sakin, yung dad ko. He's a chef.
That's why I love cooking, pero hindi ako graduate ng Culinary Arts. *pout*
Parang past time ko lang yung pagluluto.
May mga prank din ako na content pero konti palang din. Successful yung iba tas meron din hindi successful.
Pinukos ko naman iyong camera sa sarili ko.
"So, sa nakikita niyo nasa labas ako. And guess what kung nasaan ako?" Finlip ko naman sa back cam yung camera.
"Andaming tao." Naglalakad ako sa Siam Square. May mangilan ngilang tumitingin sakin, pero dedma ko lang sila. Nahihiya akong konti. Di naman nila ako kilala ee.
"Alam niyo na wala ako sa Philippines, right?" Ipinukos ko sa paligid yung camera ko para may maganda naman akong content.
"Pero hulaan niyo muna kung asan ako? *laugh* Sa naririnig niyo guys iba yung salita nila. Wala akong maintindihan. " Nakarating din agad ako sa Siam Paragon.
Ibinalik ko sa front cam yung camera at ipinukos yung cam sa mukha ko.
Inayos ko muna yung buhok ko na nagulo dahil sa hangin. *smiles*
"Nakakapagod guys, ansakit na ng paa ko. Kanina pa ako naglalakad, pero buti nalang nandito na tayo sa Siam Paragon." Finlip ko naman yung cam sa harap ko. Zinoom ko siya sa logo ng Siam Paragon na nasa harap ko.
Ibinalik ko naman agad sa front cam.
"Nasa Siam Paragon ako guys. *laugh* Gumala ako mag-isa kasi yung kasama ko tulog pa. Pagod daw siya. *pout* Mahilig talaga ako gumala sa ibang bansa sa nakikita niyo naman sa mga travels ko puro gala ginagawa ko."
Pumasok na ako sa Siam Paragon at kahit nangangalay na yung kamay ko sa kakahawak ng camera. Kinukunan ko pa rin ng video yung mga nadadaanan ko.
After Ilang minutes na paglalakad may nakita akong Cafe kaso andaming tao sa loob.
"After You Dessert Cafe. Ankyuuut ng name."
Vinedeohan ko naman yung labas ng cafe at ibinalik ko naman ang focus ng cam sa mukha ko pagkatapos kong kunan ng video yung labas ng cafe.
Pumasok nalang ako at pagkapasok ko may bumati agad sakin na
"Khidt̄hụng wạn dī«læa yindī t̂xnrạb s̄ū̀ After You Dessert Cafe" kahit wala akong naintindihan nag hello nalang din ako. Alam ko kasi na Winelcome nya ako dahil nabanggit yung name ng cafe.
Pagkatapos kong magpasalamat ay naghanap na ako ng mauupuan buti may mga vacant pa na upuan.
May pandalawahan at pang apatan, pero pinili ko yung pandalawahan.
Nilagay ko nalang yung bag at inayos yung camera saka ako naglakad papuntang counter.
"Wala naman sigurong magnanakaw dito no?" Bulong ko sa sarili ko.
After ilang minutes naka order na rin ako.
Umupo na ako ako kinuha yung camera at vinedeohan ang inorder ko.
"Ito yung inorder ko. Strawberry Cheesecake Kakigori. Tas ito yung drinks ko Strawberry Frappe. *smiles* Alam nyo na guys, fave ko talaga yung Strawberry."
After an hour umalis din agad ako sa cafe. Tumambay lang muna ako sa cafe kasi pinapahinga ko lang yung mga paa ko. Maglalakad na naman kasi ako ng ilang oras nito.
Di pa ako tapos gumala andami ko pang hindi napupuntahan na may magagandang scenery.
Hindi na nga pala muna ako kukuha ng video.
Kumukuha nalang ako ng mga pictures sa mga nadadaanan ko.
Nasa labas na pala ako ng Siam Paragon. Umikot lang ako saglit s loob tas lumabas din pagkatapos kong kumuha ng video.
Sa ilang minuto kung paglalakad nakarating ako sa Siam @Park.
Pumunta ako dito pero hindi naman ako maliligo.
Napangiti at napa wow ako sa nakita ko. Worth it din pala yung pagbili ng ticket kahit mahal.
"Siguro isa ito sa pinaka magandang e content ko."
Dali dali kung in-on yung video ng camera ko.
"Guys." Excited kong bati sa camera tas tumingin sa paligid. "God! This place is so beautiful. Babalik talaga ako dito kasama si kuya. Kahit yung entrance guys ang ganda."
May tumitingin pa sakin na mga tao pero diko sila pinansin kasi masaya ako sa nakita ko.
Marami rami rin pala yung tao dito.
Pero may nakaagaw ng pansin ko marami kasing kumukuha ng video at nagbubulungan pa sila pero diko maintindihan. *laugh*
Malamang di ako taga Thailand.
Hindi ko na sana papansinin pero may mas nakaagaw ng pansin ko.
Naglakad ako papalapit dun tapos may napapansin akong mga camera diko alam kung para saan.
May mga tao rin naman na naglalakad kaya okay lang siguro dumaan dun.
Nagpatuloy pa rin ako sa sa pagkukuha ng video.
"Nakikita niyo ba yung sa harap ko guys? Puntahan natin yun."
Nagtataka naman ako bat yung iba nakatingin sakin pero diko naman pinansin hindi ko naman sila kilala ee.
Siguro kong sa Pilipinas ko ito ginawa at pinagtitinginan ako lumubog na ako sa kahihiyan.
Pero iyong iba wala namang pakialam.
"H̄̀ā xarị Perth. Rāwkạb ẁā n̂ả dị̂ k̄hêāpị nı h̄ū k̄hxng c̄hạn."
"555555"
I don't know why but...
My heart skipped a bit when I heard that boy laughed.
I don't know but there is something urging me to look at the one behind me.
Pero nung paglingon ko nagulat ako dahil tumatakbo siya papunta sakin pero hindi siya nakatingin.
I don't know what to do, iiwas ba ako or ano.
Pero parang hindi gumagana yung buong katawan ko parang naparalyze ako at yung puso ko feeling ko maririnig nila yung t***k sa sobrang lakas.
Parang nag slow-mo ang lahat nung tumingin na siya sa harap niya.
Kung nagulat siya mas nagulat ako dahilan para mapaatras ako ng ilang beses.
"Xụ."
Inabot niya naman iyong kamay ko para hilahin sana ako pero huli na ang lahat.
"Tangina." Huling sigaw ko bago ako nahulog sa pool.
Pati siya nasama sa paghulog sa pool.
Dali dali naman akong umahon.
Napasinghap pa ako.
Buti nalang marunong akong lumangoy. Ang lalim pa naman tas yung bag ko ang bigay.
Nalagyan na ng tubig, dali dali naman akong pumunta sa gilid.
Tinanggal ko yung bag ko at may kumuha naman at nilagay sa gilid.
May mga tao na dun.
May tinatanong sila pero wala akong maintindihan.
May tumulong naman sakin na umahon. Tiningnan ko naman yung lalaki nasa pool pa rin parang okay naman.
Ako lang yata yung hindi okay. Shock pa rin ako sa nangyari.
Nang maalala ko yung bag ko dali dali ko yung binuksan at kinuha yung wallet ko.
"s**t. s**t. Shit." Inis na bulong ko.
Naramdaman ko naman yung tingin ng mga tao sakin.
Pero wala akong pakialam, kahit nababalot na ako ng kahihiyan.
Nung tingnan ko vasa lahat ng laman.
My cards and my sketch pad and my diary.
Napasabunot naman ako sa buhok ko.
May mga nagtatanong naman sakin pero diko talaga sila maintindihan.
Naramdaman ko naman na may naglagay ng towel sa likod ko.
Tiningnan ko naman kung sino.
"Khuṇ s̄bāy dī h̄ịm?"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nagsimula na naman lumakas yung t***k ng puso ko.
Seryoso yung mukha niya at kita rin sa mukha niya ang pag alala.
"I do not understand you." Utal ko na sagot sa kanya.
"Oh, sorry. I said are you okay?"
"No, I'm not." Para akong naiiyak sa sitwasyon ko ngayon.
Nung maalala ko.
Dali dali akong tumayo para sana pumunta sa pool, pero hinawakan niya yung kamay ko.
"Where are you going?"
"My cam." Inalis ko naman yung pagkakahawak niya sakin at tumalon sa pool para kunin yung camera ko.
------