Chapter 16

3118 Words
OLIVIA's "So what we gonna do?" Charleigh asked after I told her everything. "If you really want Asher to come back to you, you must cooperate with me. You want Asher, I want Logan. Ibubuking natin si Heather kay Logan. We'll gonna make her confess." I smiled sweetly. "But are you really sure with your assumptions?!" She asked again for the nnth time. I sighed and rolled my eyes. "That's why we'll find it out! Bobo ka ba o tanga lang?! Gosh." She has been asking that questions for hundredth time already, I guess. Alam ko naman na naiinis siya kay Heather, tapos itong may pagkakataon na ay nagdududa na naman siya sa plano ko. Why just she can't trust? Pareho lang naman kaming gustong mangyari. "Hey! Watch you mouth or else I'm not gonna help you with this!" I rolled my eyes again. What can I do? Pareho kaming attitude ng bruha na 'to. I really feel like Heather is hiding something from us! She is not Heather! I can assure that! At kung siya man, edi sobrang landi niya para pagsabayin ang dalawa! Logan, really? Alam na alam niyang gusto ko si Logan tapos sinabi niya kay Asher that she likes Logan? So ano, pagod na siya kakaasa kay Asher gano'n kaya nitake advantage niya na ang feelings ni Logan? That b***h! Yep, I know and feel that Logan has feelings for her, the way he looks at her always, it is too obvious. Hindi nga ako makapaniwala noong hindi ramdam ni Heather noong una, but now- seems like she wants him na. Nakakainis lang. Unang kita ko pa lang sa kaniya kumukulo na dugo ko 'e. Santa santita. Bold of her to think that I really like to be friends with her when I actually want to be close with Logan. The truth is, si Logan lang ang naging rason para kausapin ko siya. The moment I transfered to this school, I saw them at the entrance. Of course, Logan caught my attention but when she came nearer to him, naisip ko na may girlfriend na siya. However, mapaglaro ang tadhana, they became my classmate and by observing them-- Logan is the one who has feelings for her, which made me so happy because they are not together. Pero 'yon lang, mukhang ngayon ay wala na talaga akong pag-asa pa kay Logan kung totoo man ang sinabi niya. Argh! And I really hate her for flirting with my man! She is such a biatch! "So what's the plan?" Charleigh asked again. "Do you know anyone that will help us to pick her up? Someone who drives a car and of course a trustworthy one!" Because I cannot use my daddy's car, in case the plans won't fall into its places. She thought a lil bit. "Ah, yeah. My suitor." "Then, that's great! Call him and I'll call Heather to meet us in coffee shop." Lumayo na ako saka tinipa ang number ni Heather. I have a condo unit na hindi ko naman ginagamit. Wala naman kaming gagawin sa kaniya 'e, kundi paaminin at siraan siya sa dalawang lalaking gusto namin. Through that, we will be able to get the man we want. We are not killer, okay? We won't abduct and treat her like we usually see in TV. Kailangan niya lang matuto na mali ang kinalaban niya. Napangiti na lang ako sa isip ko. I looked at my screen after, and clicked the call button. HEATHER's 0.2 Why the hell this b***h calling? Is she aware that I'll be having a date with Logan? Kanina pa siya epal sa akin. Ano ba kailangan nito? "Oh, that's Olivia." Logan pointed it out. "Yeah, this btch." "What?" Napakagat ako ng labi. Grr, did I say that out loud? Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at ngumiti. "We call each other b***h," alibi ko. "So, let's go?!" I excitedly said and grabbed his hand. He looked at my hand after with a question look. Then, he looked at my outfit again for I don't know how many times already. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Why, hindi ba siya sanay na magganito si Heather? Noong una, gulat na gulat pa siya na naka-short ako and now, parang gusto niyang ipahubad sa akin ang damit ko, hindi niya lang masabi. Pinaghandaan ko pa naman 'to. "You really want to dress that?" He asked. Finally, he said it. See? "I mean, look you're beautiful okay? But I think your clothes doesn't fit to the place we will be going." I raised my brows. "Is there a uniform to go in such places?" I sarcastically asked, because I know that wherever I go, all of my outfits suit perfectly. Kaagad naman tumango ito at natawa. "No, there is none. I just want you to be comfortable naman. But okay, wala lang sisihan mamaya ha! Alam mo naman kung saan tayo pupunta, bahala ka diyan!" Nakakaloko nitong sabi saka nauna na lumabas. So, hindi niya ako hihintayin? Hahawakan ang kamay? Iiwan niya talaga ako rito? I have no choice but to follow him. Mas lalo akong na bwesit nang makita na nasa loob na siya ng sasakyan. Really?! Seriously?! He will ask for a date but won't accompany me?! Grrr! Kung hindi lang talaga kita mahal Logan! Padabog akong pumasok sa loob ng kotse. Gulat naman itong napatingin sa akin. "Bakit ka nakabusangot?" Nagtatakang tanong nito. Wow, after all those things for not being a gentleman to me? "Hindi mo ako binuksan ng pinto!" Inis kong sabi. "Date 'to 'di ba?" Tinignan ko siya pero mas lalo lang ako nainis nang makita ko ang mukha nito. Nagpipigil ng tawa. "Wala ka bang mga kamay?" Arggghhhh! "Logan ha, nabwe-bwesit na ako sa'yo," ani ko na siyang ikinaseryoso niya. "Tumpak! Certified ikaw nga si Heather na bestfriend ko!" Napatingin ako sa kaniya. He then started the engine and smirked at me. "What do you mean?" Nahahalata niya ba ako? Natahimik ako bigla. Kinakabahan ako dahil baka nag-o-overreacting na ako nang hindi ko namamalayan. Baka kasi masyado ko na nadadala ang totoong pagkatao ko at nakalimutan ko nang maging si Heather. He shrugged. "Well, this past few days kasi you have been acting so weird. Like really really weird. You know? Far from the Heather I used to know. You were so clingy, spokening dollars, and your outfits. Just like now! Look at yourself, never kang sumuot niyang ganyan," natatawa nitong sabi. "So I really thought you are not the Heather, not until you cussed." Shit. Nahahalata nga niya. Napakagat na lang ako ng labi habang tinitigan siyang magdrive. So, gano'n palagi si Heather sa kaniya? Nagmamaldita? Palaging badtrip? Palaging minumura? Noo! I don't wanna hurt him. Hindi ko siya kayang malditahan baka mas lalong aayawan niya ako. Saka hello? Bakit ko siya mumurahin 'e gusto ko nga siyang mahalin? Argh! Heather, why are you so mean to him ba? Like, can you just be kind? He doesn't deserves your mura. Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lang sa bintana. Maybe it is time for me now to reflect. I promise from now on, I will try tocontrol myself. Hindi na ako mag-e-english at baka sabihan pa akong spokening dollars. Heather naman 'e, bakit mo ako pinahihirapan? Huminto na siya kaya napatingin ako sa kaniya, naghahanda na siya na bumaba habang ako ay hindi maintindihan kung nasaang lugar kami ngayon. Tinignan ko muli ang sinasabing lugar. It is not a restaurant or even a coffee shop. Ni-isang building nga ay wala akong makita. Takang-taka naman ako nang makita ang sobrang kapal ng usok na lumalabas sa loob ng parang bahay-bahayan. "Let's go?" I glanced at him. "Really? Papasok tayo diyan?" His brows met again. "Yeah? That's why I've been asking you if you're sure of what you are wearing. Mababaho lang kasi 'yan dahil sa usok." ANO?! Seriously, Logan? Nakaganito akong damit dadalhin mo ako sa usokan?! Gusto kong magreklamo ulit at magsabi ng sama ng loob ko pero baka mas lalo pa siyang magtaka dahil sa reaction ko. Hindi ko naman kasi alam na dito pala sila kumakain. Saka, ano bang kakainin dito? Para kasing dugyot tignan. I am not used of this. Again, I have no choice but to follow him.Wala na talaga kasi bumaba na siya na hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ulit. "Ma'am, dito na po kayo kumain." "Ma'am, sir, mura po dito!" "Ano gusto niyo? Leeg? Pakpak? Petso?" Errr. What kind of place is this? Parang nasa palengke kami dahil sa sobrang ingay. Pati ba naman dito mag-aagawan. Neknek niyo, we will eat kung saan whenever we want. Napatingin ako sa paligid at mas lalo lang kumapit sa braso ni Logan dahil sa mga lalaking nakatingin sa akin. Hindi nga lang ilan 'e, kundi halos lahat napatingin nang pumasok kami kanina. Ito sa titig nila ay sanay na ako dahil palagi naman ako tintignan, pero sa ganitong lugar na dito pa talaga kami kakain ay hindi talaga ako sanay. "Dito tayo sa ating paborito!" Napabitaw ako sa kaniya nang pumasok siya sa isang stall at binati ang lalaki. "Mang Alex, nandito naman kami! Sampung isaw! Dalawang petsong manok! Tatlong ulo ng manok! Atttttt isang litro ng softdrinks! Susunod na 'yong iba naming order 'pag may gusto pa kami. Dating order pa rin, opo!" Nagsitawanan sila at tuluyan na siyang pumasok at umupo sa loob. "Limang rice na rin pala!" Habol niya pang sigaw. Gusto ko sana mainis kaso ang gwapo niya. Kinuha niya ang towel niya sa bulsa saka ipinahid sa mukha, leeg and even almost took his shirt off just to wipe the sweats inside. I bit my lower lip. I want to touch his abs. Napatingin ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin kaagad. Kahit na gusto ko siyang landiin, 'e may konting kahihiyan pa naman ang natira sa akin. "Oh, ano pa hinihintay mo diyan? Upo na dito." Tawag niya kaya rumampa na ako papunta sa kaniya. Wala naman akog magagawa 'e kundi ikareer na ito. Lahat ng tao ay nasitinginan naman sa akin. Of course! I am Heather, everyone looks up to me. Gandang-ganda ko, hindi sila titingin? Sayang din porma at heels ko kung hindi ko gagamitin. "Wow! Model?" Logan teased. Yes. If he only knew. Lmao. "May I know kung anong klaseng lugar 'to?" Biglaan kong tanong kasi nagugulohan na talaga ako. Halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa tanong ko. Omg. I should not have asked it. Gosh, Heather! Kakaasabi mo lang na kokontrolin mo kung ang pagiging ikaw kung ayaw mo pa mabisto nang maaga! Kaagad naman akong tumawa nang napakalakas. "You know!" I tapped his hands and even made my accent more gayer. I will just pretend to mock others na lang! Pero mukhang hindi pa siya convince at nakatitig lang talaga sa akin. "Baliw ka talaga, pangit mo ka bonding. Ginagaya ko 'yong mga conyo!" Pilit kong nagsisiga sa boses. Gosh, I hope this will work. Ilang segundo pa lang ay tumawa na rin siya. Phew! Napahinga naman ako ng maluwag. "Masama talaga ugali mo kaya hindi ka gusto ni Asher 'e!" Sabi nito at tumawa pa rin nang napakalakas. So, he didn't know yet. Mas lalo na si Heather. Hindi pa nila alam na ang totoong Asher ay gusto rin si Heather. Hindi naman nila kailangan pang malaman 'e. Kaya hindi ko na lang siguro sasabihin. Panigurado ako na masaya na si Heather doon kasama ni Asher. She chose this. Hindi naman ako nagpumilit sa kaniya kundi siya. HEATHER 0.1's POV "Hey, baby. Asher is here." Kaagad akong bumangon at nilingon si mama. I saw her at the door, smiling. Ang ganda ni mommy, nakakadala ang ngiting bigay nito. "Totoo, mom? Ano raw ginagawa niya rito?" I stood up and snatched my b*a beside my bed. Sinuot ko ito at inayos ang buhok ko. I decided to tie it in a bun. "He has something to give daw." Lumabas na si mom kaya napasunod na ako. Bago pa ako tuluyan makalabas ay tumingin muna ako sa salamin. Nilawayan ko lang labi ko dahil ang dry nito. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. I went downstairs and saw Asher sitting on the sofa. He immediately smiled when our eyes met. Para namang lumabas ang puso ko sa loob ng didbdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. He was just wearing a simple white shirt and gray short. Nakaputing sapatos ito at sa kabila ay may tubig siyang dala. 'Yong outfit niya ay parang nagjog siya. Nagjogging ba 'to? Kung gano'n, dapat sobrang haggard niya na dahil sa pawis but nooo— he still looked so fresh! 'Yong buhok niya ay parang kakatapos lang maligo. 'Yong mukha niya ay parang amoy mabango! Pasinghot one time please, char! Pero taray ha. Kung galing ito sa jogging at pinuntahan niya talaga ako dito, nakakakilig naman. Para sa akin ay effort na 'to dahil hindi naman lahat ng lalaki ay masipag para dalawin ang kung sino man. Parang dati lang tinitignan ko lang siya sa malayo. Naalala ko pa non kung paano ko lang siya sinisilip sa classroom para lamang makapagnakaw ng tingin. Naalala ko rin kung paano ako pinipigilan ni Loganpalagi kapag may gusto akong ibigay sa kaniya. Pero ngayon, heto na. Siya na mismong kusang lumalapit. May ibibigay pa raw, oh diba ang bongga. Tapos nakakausap ko pa siya, nakakasama at nakakabonding. Oo na! Mukha na akong sirang plaka sa kakaulit kung gaano kami kalayo dati sa isa't isa at kung gaano na kalayo ngayon. Kasi ba naman! Never have I imagined that time like this will come in my life. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang saya sa puso. Oo, hindi talaga ako magsasawang sabihin 'yan sa sarili ko kasi parang hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Mayroon talagang mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyari. "Hey," he greeted as soon as he stood up. I came nearer. "Hi," bati ko balik. Awkward pa rin ba? Ehe. "Ano nga pala sadya mo dito?" I added. "Ahm, here!" Dali-dali niya naman inabot ang card. Tinignan ko ito nang nakakunot noo. Ano 'to? invitation card? "May birthday?" Tanong ko sa kadahilanang napatawa naman ito. Huwag kang tumawa! Nakikiliti tenga ko sa sobrang gandang boses. Aah! Nababaliw na ako sa'yo. Cheka, huwag ka kasing marupok, Heather! Pinapahalata mo talagang malandi kang babae ka. "Yeah, tomorrow evening. My dad's 60th birthday." Nanlaki mga mata ko. Pucha! Talaga? Invited ako? Seryoso?! Gagi sobrang yaman nila! I know that! Malamang sa malamang sobrang dami nilang bigtime na mga bisita! Anong gagawin ko ro'n? Nakakahiya naman, hindi ako handa. Baka mapagtawanan lang ako lalo na hindi ako sanay sa mga party na ‘yan. "Seryoso?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Tumawa lang ulit ito. Happy pill mo ako yarn? Sabihin mo nang magtawanan na lang tayo dito. "Yeah," maikli niya pa ring sabi. "But hindi ako bagay sa ganitong okasyon." Kumunot naman noo nito. Teka—- nandito pala ako sa Parallel Universe. Magkatulad pa rin ba ang buhay nila doon? Assuming kaagad ako 'e. Paano kung simple lang pala pamumuhay nila dito tapos gano'n ako makareact. 'Yong mayaman na Asher pala ay 'yong taga Earth. Hay. Nalilito na ako. Hindi ko alam. Nagyon, I bet nagtataka siya kasi simple lang pamumuhay nila. I swear, I don't care about his status in life. Hay, hindi naman 'yan mahalaga 'e, ang po-problemahin ko ay 'yong susuotin ko. Baka kung magsuot ako nang napakabonggang damit at simple lang pala ang handaan, edi nakakahiya kasi tudo japorms ako tapos hindi pa pala ako may birthday. Tapos kapag naman nagsuot ako ng simpleng damit lang at sobrang yaman pala nila kung saan maraming bigtime ang bisita, edi mapapahiya rin ako dahil mukha akong basahan! Tama, mahalaga rin pala na malaman ko kung ano status nila sa buhay nang hindi naman ako magmukhang tanga. Pero paano? Nakakahiya naman tanongin kung mayaman pa rin ba sila dito. Kasi sa pagkakaalaman ko talaga, in Parallel Universe. Everything is reversed! Sobrang g**o talaga ng buhay ko. Simpleng istudyante lang naman ako na nangangarap sa kaniya pero ngayon problema ko na kung ano susuotin ko sa family gathering nila! Ganda ganda ko. May progress. Grabe 'yong improvement. Meet the parents kaagad! Kaloka! "Hey, natameme ka diyan? Do you have problems?" Tinignan ko siya. Ang gwapo talaga, ang fresh tignan! Hay, ewan ko na lang! Kung alam mo lang talaga na ikaw 'yong problema ko rito! Tanongin ko kaya tulad ni Boy Abunda? Fast talk! "Lights off, lights on?" Kaagad na tanong ko na siyang ikinanuot ulit ng noo niya. Madali kaming magtanda kapag kasama namin ang isa't isa dahil pareho naming hindi naiintindihan sarili namin. Char! "Lights off?" Hindi pa siya sure. "Chocolate o s*x?" "s*x?" Holy s**t! "Mayaman ka o mahirap?" "Mayarap?" Tangina! Anong mayarap? Mayaman na may magkamahirap? Mayroon 'yon? "Heather!" Napabalik ako sa reyalidad nang niyugyog niya ako. Aaaaaaaah! "Oo, dadalo ako!" Sabi ko na lang kasi hindi pa pala ako sumang-ayon sa pag-imbita nito. Ngumiti siya sa akin at tumango. "Sige, 'yan lang naman sadya ko, and I already asked permission to your parents. I wished I can stay longer, but gotta go 'e. I'll help my dad choose his suit tomorrow. Maybe, I'll pick you up here tomorrow evening. Okay?" I nodded in response. Hinatid ko siya sa gate at pinanuod siyang magjog palayo sa bahay namin. Jogging pa nga talaga. Bumuntong hininga ako at pumasok ako sa bahay nang nakababa ang balikat. Ano susuotin ko? Sobrang nag-iingat talaga kasi ako ngayon dahil ayokong mabuking nila at ayokong mapahiya si Heather. Hiniram ko lamang ang kaniyang image dito at kailangan ko 'yon pag-ingatan. "Oh anak, ba't ganyan mukha mo?" Tanong ni mommy nang makita ako. "Bakit ano ba mukha ko, ma?" Walang gana kong sagot. "Hindi maguhit-guhit oh, hindi ka ba masaya?" Napatawa ako nang mahina. "Drawerist ka pala, ma?" Nagtatakang tumingin ito sa akin. "Ha?" I shook. "Wala, sa taas muna ako ma! Maghahanap ng susuotin." "So, kailan ka pa natutong magjoke?" Napatingin ako sa likuran at nakita si Sofie na nanliliit ang mga mata. Kung mayroon man isang tao na may posibilidad na mabuking ako ay ito si Sofie! Masyado ata silang close ng ate niya dahil sobrang kilala niya lahat ng galaw nito. Siya talaga pinakanakakatakotan ko dahil mahahalata niya talaga lahat ng galaw ko. Tulad ngayon, kahit sa joke lang, binanggit niya pa rin. Wala talaga akong kawala sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta na sa taas at nilock sarili ko. I threw myself on the bed and grabbed the pillow and covered my face. Bakit ba ako inviteeeeeeeeed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD