Chapter 17

3195 Words
The BIRTHDAY "Seriously? You're asking me about his social status? God, ate Heather. I thought you liked Logan, but why do you care now about Asher's life?" Sofie irritatedly asked. I sighed. Nababaliw na ako. Mamayang gabi na ang kaarawan pero hindi pa rin ako nakapagdecide ano susuotin ko. Isama mo pa 'tong kapatid ko na halos lahat ng gagawin at sasabihin ko ay parang dudang duda siya. Ganito ba talaga siya ka-close sa ate niya? Hindi ko talaga siya malulusotan, kung may itatanong ako pagduduhan niya tulad nito. "I don't know what's wrong with you but he's not that rich compared to your Logan. And, if you are wondering about your clothes— what you will wear— as freaking damn always! I can help you." She rolled her eyes. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito rin siya ka-suplada. Manang-mana na lang talaga. Pero mabuti nga ‘yan, one of the advantages of being close to Sofie is that she knows what Heather likes and don'ts. Akala ko pagdududahan na lang ako palagi nito 'e. Mukhang matalino kasi 'to. Well, it's my sister?? Wala akong kapatid na bobo. Kahit siya lang nag-iisa kong kapatid, I’m proud of her. "Okay, alright! Good to hear that!" Sabi ko nang may arte sa boses. Mabuti nang mag-inarte sa kaniya para mabawas-bawasan naman ang pagdududa nila. Yes, I can really assure na deep inside dudang duda na 'to sa ginagalaw ko. Imagine, questioning all of the stuff I say and do? Hindi ko naman siya masisisi kasi nakakasama niya si Heather palagi kaya kahit konting maling galaw lang ay madali lang matunogan. But I am still hoping na hindi pa rin siya nakatunog. I still wanna be with them, kaya sana lang talaga ay mas habaan niya na lang pasensya niya sa akin. Bumaba na muna si Sofie dahil tinawag siya ni mama. Habang ako naman ay nakatunganga lang sa kwarto kasi hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula maghanda ng aking sarili. Gusto kong tawagan sana si Heather kung kamusta na siya doon kaya lang hindi naman uubra ang signal sa earth dito. Tawagan ko kaya siya? I looked at my door and locked it. Then kinuha ko ang phone saka ni-dial number ko. I was hoping that it will ring, pero na disappoint lang ako nang makitang out of coverage and no signal. Kahit isa ay hindi man lang nagring. Maybe I guess, magkaiba talaga ang mundo namin. Puntahan ko na lang kaya? Sisilip lang ako. I just wanna how how is she doing right now. Tumayo na ako at dahan-dahan bumaba sa sala. Nang makita ko na walang tao ay dumiretso na ako sa kusina papunta sa likoran namin. Wala naman masama na umuwi muna ako pansamantala sa bahay. Total ay medyo nami-miss ko na rin si papa at ang bahay. Gusto ko lang kamustahin kung ano na nangyayari talaga. Luminga muna ako sa paligid para masigurado na wala talagang may makakakita sa akin. Wala namang tao at all clear naman ang lugar. Tinungo ko ang eksaktong spot saka tumalon. Para akong tangang nakapikit sa likod ng bahay namin. Natawa na lang ako sa sarili ko at tinignan ang kabuuang bahay. Nandito na ata ako sa Earth. Isa rin talaga sa hindi ko alam kung nandito na ako sa Earth or nandoon pa ako sa kabilang dimension dahil wala talaga effect kapag nagtravel. Para ka lang talagang lumulusot nang hindi mo alam. Tinignan ko ang portal kasi somehow ay parang may nakikita akong oval na masasabi ko talagang portal. I wonder kung saan ‘to nanggaling. Sa lahat kasi nangyayari ay hanggang ngayon, hindi pa rin siya close. I will figure this out soon. Magkakaroon din ako ng oras para rito. For now, I just wanna visit my own house. Dahan-dahan naman akong naglakad sa loob. Kailangan ko rin mag-ingat baka nandito si Logan. Ang mokong 'yon, papasok talaga 'yon kapag hindi ako sumasagot! Siya pa ba? Halos angkinin niya na ‘tong bahay ‘e kung nandito siya. Sinilip ko ang loob ng kusina sa bintana at nakita na wala namang tao. Kaya tumungo na ako sa pinto at pinihit ang door knob nang makapasok. Nang tuluyan nang makapasok ay gano'n pa rin ginawa ko, sinigurado na wala munang tao bago maging kampante. "Heather?" Tawag ko pero walang sumasagot. Tahimik din ang bahay kaya napagtanto ko na baka walang tao. Napatingin ako sa sink at nakita ang mga hugasin. Sobrang dami. Napaface palm na lang ako. Hindi ba 'to naghuhugas ng pinggan? Nilapitan ko na lang ang lababo at hinugasan lahat ng pinagkainan nila. Baka wala lang siya oras ngayon. Knowing her, organized naman siyang tao. Nang natapos ay nagpunta ako sa sala at nakita ko naman na malinis ito kaya tumungo na ako sa kwarto. Laking gulat ko nang makitang sobrang g**o ng kama ko. 'Yong mga damit nasa sahig, mayroon din sa study table na nakakalay at mayroon din sa mga kama. Lahat ata ng mga bagong damit ay nagkakalat. Shocks! Para talagang dinaraanan ng bagyo sa sobrang g**o. Akala ko ba marunong 'to maglinis? Nilapitan ko ang mga ito at pinagdadampot. Alam kong mga bago ito dahil wala naman akong ganitong klaseng mga damit. Siguro bumili siya ng bago? I don’t know. Puro kasi mga shorts and croptops ‘e. Alam ko na magulo talaga ako sa kwarto at minsan lang naglilinis pero takte sobra pa pala siya sa akin. Hay, wala kaming pinagkaiba sa part na 'to. Napaupo na lang ako at tinignan ang kabuuang kwarto ko. Nakakamiss dito. Sobrang plain lang, walang masyadong kulay at design, hindi pareho kay Heather. Pero kahit ganito lang ay marami rin akong alaala rito. Saksi ang apat na sulok na 'to sa mga iyak ko gabi-gabi. Kung gaano ako kalungkot dahil wala akong kompletong pamilya, kung gaano ako kaiingit sa ibang mga bata kapag kailangan ng magulang sa paaralan, at dito rin ako nagmukmok nang nalaman kung wala na talaga ako pag-asa kay Asher. Ang pinakasakit sa lahat, dito ako naglabas ng sama ng loob nang namatay si Mama. Masyadong madilim na sa akin ang kuwartong 'to. Wala na ata akong magandang alaalang nabuo dito kasi ako lang naman mag-isa palagi. Hindi tulad sa kwarto at bahay nila Heather doon. Makulay, at may buhay. Kumpara sa kwartong ‘to, talong talo. Tumayo na ako at napagdesisyonan na huwag nang linisin kwarto ko. Tinamad ako bigla at ayokong umiyak muli doon. Para kasing napapalibutan ako ng sibuyas doon na kapag pumasok ay required umiyak. Saka, alam ko naman na sobrang linis na tao si Heather, kaya niya na ‘yon linisin. Tinatamad ako, at baka magbreak down lang ako do’n. Bumaba na ako at tumungo sa labas. Wala naman dito si Heather, hindi naman kami mahuhuling magkasama. Kahit parehong-pareho sa lugar doon ang lugar namin ay hindi ko pa rin maiwasang mamiss 'to! Iba pa rin talaga kasi ang hangin. Iba pa rin talaga ang ambiance. Hay! Susulitin ko na lang ang oras namin doon ng pamilya ni Heather. Makakabalik din ako dito. Pero sa ngayon, huwag muna. Gusto ko pang makasama at maramdaman na may pamilya ako. Napatingin ako sa gilid at nakita si Asher na naglalakad papunta dito. Dali-dali naman akong pumasok sa loob at tumago sa basurahan. Ayokong makita siya, 'no! Galit pa rin ako sa totoong Asher kasi siya ‘yong totoong may kasalanan sa akin. Sinabihan ba naman ako na ginawa niya lang ‘yon kasi that was the basic human decency??? Akala ko talaga may care siga sa akin ‘yon pala pinaasa lang ako. Tapos ang harsh pa magbitaw ng salita! Amp. Galit ako sa kaniya. Nagtaka ako nang huminto siya sa harap ng gate namin at napatingin sa bahay. Mas lalo akong nagtaka nang bumaba ang tingin ko at nakita na may bulaklak pala siya na hawak sa kamay nito. Tinignan niya ito at tinignan muli ang bahay. Anong ginagawa niya rito? Bakit may bouquet of flowers siya? Ilang segundo pa ay may narinig akong nagtatawanan. Nakatingin na rin si Asher sa kabilang side na parang may hinihintay siya. Nanlaki mga mata ko nang makita kung sino ang mga 'to. Olivia and Charleigh?! Kailan pa naging magkaibigan 'to? Hindi ba sabi ni Olivia ay kaaway niya si Charleigh?! So bakit magkasama sila ngayon at nagtatawanan pa talaga? What is happening? Kinuha naman kaagad ni Charleigh ang bulaklak. Ngumiti ito nang napakatamis sa kaniya. "Awwe para sa akin? Thank you for this! Naaalala ko tuloy kung paano mo ako niyayang maging prom date. Mayoa flowers ka rin!" Nakikiliti nitong sabi. Nagsitinginan naman sila kaagad ni Olivia at nagngitian na parang kinikilig. Hindi naman nagsalita si Asher at tinignan lang lamang sila nito. Oo nga naman, para kanino pa ba ang bulaklak na ‘yan kundi para lamang kay Charleigh, na nililigawan niya? Siguro nga ay nasa ligaw stage na sila. Last time I checked kasi ay torpe si Asher na manligaw, but look at them now, mukhang ang saya at comportable nila sa isa’t isa tignan. Pinagsisihan ko tuloy na pumunta rito. Kailangan ko pa ba talaga makita ang landian nila?! Really? In front of my basurahan? Oo na, sila na! Sila na ang sweet. Sila na ang bagay sa isa't isa. Sila na talaga ang couple of the year! At itong si Charleigh, siya na! Siya na ang palaging may bulaklak. Kabanas! Sana all binibigyan ng flowers. So far, sama ng loob pa lang natatanggap ko. Napatingin ulit ako sa labas at nakita na nasa braso na ni Asher si Charleigh. Halos isubsob na niya dede niya sa braso ni Asher. Napangiwi ako dahil dito. Yak. Naglakad naman sila palayo kaya nakalabas na ako at bumalik sa likod. I fixed my hair kasi nasangit pa ang ilang dahon dahil sa pagtago ko. Pwe! Hindi naman masakit. Siguro mga sobra lang. Bumalik na ako sa Parallel Universe at naglugmok sa kwarto. Sa pangalawang pagkakataon, napaiyak ako sa kama ni Heather. Bakit sobrang pangit ng buhay ko? Wala na bang mas may ikapapangit dito? Seryoso? Final na ba 'to? Kung pwede lang talaga may redo at retry ‘e. Ang unfair kasi 'e! Sobrang unfair ng buhay ko. Pakiramdam ko ayaw sa akin ng mundo. Masyado akong naapi. Sabi nila life is too short, aba ‘e dapat lang! Ayaw ko na magdusa pa nang ganito katagal kung ito lang din naman buhay ko. Wala nang babawi sa next life, tama na ‘to. Umiyak lang ako nang umiyak para mailabas ko ang sama ng loob ko. Hindi ko namalayan na katulog na pala ako at alas sais na ng gabi ako nagising. Sheeeet! Alas syete ang nakalagay sa invitation card. Humugot ako ng hangin at pumikit. "SOFIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" "I'm right here! You're so loud freak!" Napabangon ako sa kama at nakita na nakaready na ang susuotin ko. Naka crossed arms naman si Sofie na nakasimangot sa akin. “Now what?” Inunahan ko na siyang mag-attitude kasi wala pa ako may nasabi parang sinaksak na niya ako sa tingin. "I prepared your outfit na! But like before, you know what I want in return," she smirked. Hutaena! Kaya pala tinulongan ako kasi may kapalit. At ano na naman 'to? Pwede ba tama na kakasabi nila like before 'e wala akong alaala sa panahong 'yon! Pwede naman diretsahan na lang. Ang hirap! Shutanginess. "What do you want?!" Naiirita kong tanong pa rin. Career na career ang accent ni Heather. Ito lang naman makakasalba sa akin ‘e, ano pa nga ba magagawa ko? She rolled her eyes again. "Gosh! What happened to your memories?! Nabunggo ka ba?!" Ito na nga sinasabi ko. “No! Don’t ask me that again! Bagong gising ako okay? Tell me directly what do you want, huwag mong sirain ang gabi ko.” As if naman hindi na sira. Buti naman na convince siya kaya napahinga na lang ito. "I want money! As always! You are paying me for this!" Halata sa boses niya ang pagka-inis pero minimal na lang. Natakot din pala ‘e. "Iwan mo na lang diyan at kukuhanin ko mamaya ate. Kailangan ko rin 'yan. Thanks." At padabog na umalis. Natawa na lang ako. She really has the same attitude ni Heather. Magkapatid nga. Now I wonder that Sofie on Earth is not like this. Naalala ko naman nang makita siya. Hindi talaga siya ganito kasi noong pagkakita ko sa kaniya ay nasagilid lang siya at mukhang mahiyain. 'Yon nga lang, sa sobrang hindi namin close ay ayaw sumama sa amin. Ang sakit lang na mas pinili niya makasama ang hindi niya kadugo kaysa sa sarili niyang pamilya. Well, hindi ko siya masisisi dahil doon siya lumaki. Siguro napamahal na rin. Sasama naman sa amin 'yon kung pinapabayaan siya. Patunay lang na hindi siya minamaltrato. Oo, paulit-ulit kasi wala naman akong masabi tungkol sa kaniya ‘e. ‘Yon lang naman ang alam ko kais hindi kami close. Sad. Naghalf bath na ako at sinuot ang damit na hinanda ni Sofie. Tinignan ko sarili ko sa salamin at namangha sa gandang taglay ko este ng damit. Pula ito na cross tube na may slit sa gilid ng paa ko at fitted sa buong katawan ko, kaya mas lalong nakita ang kurba ko. Ang heels naman black lang. Para akong mayaman sa damit ko ngayon. Sobrang high class tignan. Ngunit hangang diyan lang. Kasi sobrang plain naman ng mukha ko. Ngayon, problema ko naman kung paano magmake up. Hay! Hindi ako marunong nito. Last time na nag make up sa akin si Heather. Nagtry rin ako nito pero palpak din. Umupo ako sa dresser at binuksan ang bag na puno ng make up. Tawagin ko kaya ulit si Sofie nang sulit naman ang pagbabayad ko sa kaniya? Napangiti ako. "SOFIEEEEEEEEEEEEEEE!!" - "Ayan! Simpleng make up nakalimutan mo na rin?" Reklamo niya naman. Tinignan ko mukha ko sa salamin at mas lalong lumapad ang ngiti ko. Aaaaaah! Sobrang ganda ko! Para akong barbie sa sobrang flawless ng foundation. Take note!!! I am wearing red lipstick! Mapapakanta na lang ako ng ~loving him was reeeeeeed~. Aaah! Ang powerful tignan! Para talaga ako si Heather. Anong para, ako talaga si Heather! Pero to be honest, ito 'yong look na nakita ko sa coffee shop noong una ko siyang nakita. Grabe. Hindi ko akalain na mararanasan ko rin ang ganitong kaganda ulit. Ano ba ‘tong mga kamay nila, may magic? Sobrang talented. Habang ako naman ay ilang beses kong sinubukan nagmumukha lang akong clown. Pero huwag ha, may alam ako konti. Konti lang, ‘yong mga basic pero hindi katulad nito na full face make up talaga. How I wish I will learn this. Ang sarap kasi makita mukha ko na maganda. Kahit sa pamamagitan lamang ng make up. “So, what can you say? That’s one of your make up look that you taught me.” "Thank you, you the best lil sister!" Sabay yakap ko kay Sofie. Tumawa rin ito, "I though you won't compliment na me ate 'e." “Biglang bumait? I teased and pinched her cheek. "Ano ka ba! You will always be!" Sabi ko na lang. "Kasi ako lang naman kapatid mo,” pabalang niyang sagot. “Binabawi ko na palang sinabi kong mabait ka!” Tumawa naman kami pareho. Sakto ay pumasok si mama at nakita kaming nagtatawanan. Ang ending ay nakisali rin siya at nagyakapan kami. This is why I am still staying here. Sobrang saya ng puso ko kapag kasama sila. "Oh, nandoon na si Asher sa baba!" Bumaba na kami at rumampa na ako hagdan! 'Yong mga napapanuod at nababasa ko sa libro. 'Yong naghihintay ang lalaki sa baba tapos habang pababa ang babae 'e mags-slow motion ang babae sa kaniyang paningin. Ito ang gusto kong mangayari ngayon! Ngunit nakababa lang ako ay walang Asher na naghihintay. Tinignan ko si mama sa likod na nakasunod sa akin. Nagtatanong kung nasaan siya. Tumawa ito at tinuro sa labas ng pinto. "Nandoon na sa labas! Hindi ko na siya pinababa pa kasi baka maghintay dito nang matagal." Aysh! Epal naman. Epic failed. "Mama naman 'e!" Nagtataka silang napatingin sa akin. "Nevermind!" Ngumiti ako at nagpaalam na. Nang papalapit ako sa kaniya ay nakita na bumukas ang pinto at sinalubong niya naman kaagad ako. Napahinto ako nang makita siya. The suit was blue, sharp-looking, and well-fitted. Exactly the sort of thing that a woman would pick out for her man to wear to a formal event like this. That was something that made me a bit nervous. His hair fixed well with gel, his face looked so clean and his whole appearance is wholesome. Really it made him look very handsome, and when he smiled, it was a little bit magical. I feel like I'm on the clouds, floating like a god. I mean, wow. Hindi ko naisip na mas may ikakagwapo pa pala 'to. Sobrang gwapo talaga, as in. "Hey," natatawa itong kinawayan ako. "Ang ganda mo." Napangiti ako. Sus! Ako lang 'to! Ang gwapo mo nga 'e. "Thank you, you too," formal kong sabi. Ang awkward ng silent kaya inalalayan ya na ako papunta sa kotse at pinagbuksan ng pinto. Kahit hindi nangyari 'yong slow mo ko sa hagdan. At least, binuksan ako ng pinto. Counted na 'yon. Nakarating kami sa venue. Hindi pala sa bahay nila ni Asher ang party. Pero the place is sosyal din ha. Garden ang theme ng party. Walang swimming pool pero sobrang bongga ng mga ilaw at kagamitan. In short, may kaya sila! Hay. I don't have to worry about their status anymore. Alam ko na kung ano mga susuotin 'pag ininvite ulit ako. "Wait me here, ipakilala kita sa dad ko." Tumango ako at ngumiti. Nilagay ko ang gift ko sa mesa at umupo. Sa tingin ko mga mamayaman ang lahat ng dito. Buti na lang may taste si Sofie at ganito pinasuot niya sa akin. Kasi kapag simple lang ang dinamit ko, nako! Sobrang nakahiya para kay Heather. Grabe pa naman manamit 'yon tapos ako sisirain ko lang. Ginusto ko 'yong lives swaps namin kaya kailangan ko rin mag-adjust. Ilang minuto na akong nakatunganga dito pero hindi pa rin nakabalik si Asher. Naiiihi na ako. Asan ba CR dito? Kinuha ko ang gift saka tumayo. Hahanapin ko na lang muna ang CR. Sobrang laki ng lugar kaya bago pa ako mawala ay nagtanong na ako sa helper. Tinuro niya naman sa akin kung nasaan kaya gomora na ako. Ihing-ihi na talaga ako. Pumasok na ako sa small hallway bago ang CR ng mga babae. Ngunit habang papasok palang sa mismong CR ay may lumabas sa restroom ng mga lalaki. Laking gulat ko nang makita si Logan ito. Nanlaki mga mata ko nang nagkatinginan kami. He just looked at me plainly. Sobrang lakas ng kabot ng puso ko. Bakit siya nandito?! Nanatili lang ako tahimik hanggang sa nilagpasan niya ako. Talagang hindi niya ako kilala kasi ibang Logan siya. Napahinga ako nang maluwag. Jusko! Oo nga naman. Nakalimutan ko na doble-doble pala tao dito. Bago pa ako nakapasok ay rinig ko na may tumawag sa kaniya. Lumingon ako at mas lalong nagimbal nang makita ko kung sino. OMG!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD