Chapter 8: Heather meets Heather

3175 Words
Chapter 8: Heather meets Heather Before my parallel self entered the house, I ran to my room and locked the door. Wala na akong kawala. In any minute now, she will go inside here and look her room. Magkatulad naman bahay namin pero ang tanging kwarto lang namin magkaiba ng ayos. And it is because of how she design her room! Tinignan ko ang buong kwarto ko. Damn it, sobrang kalat pa nga! May mga tuwalya pa ako sa chair, ‘yong mga unan ko lumalabas na sa cover, ‘yong damit ko nakakalat lang sa sahig. Tokneneng, hindi pa ako nakapaglinis! Kaya masasabi ko talaga na malalaman niyang nasa ibang bahay siya at hindi sa kanila, dahil sa itsura at kalat pa lang, hindi na mula sa kaniya. ‘Yong pinakanatatakotan ko is that maybe she will reveal herself to other people because of confusion. Edi mas lalong lalala, dahil iimbestigahan talaga 'yan. Arghh! Para akong sirang plaka na paulit-ulit lumalakad pabalik sa loob ng kwarto. I bit my nail and sat down. "Heather, relax. Please, Heather, chill." I whispered to myself and looked at my door again, waiting for her to come in. Ano ba 'to pinasok kooooooo! Bakit siya nandito? Bakit siya napadpad dito?! "Malamang napasok niya ang portal." I looked like a crazy woman talking to myself here. Pero papaano? Nadapa rin ba siya? Dumaan nang hindi niya namalayan kaya gano’n na lang ka normal sa kaniya ang lahat? Badtrip talaga oh! Hindi ko talaga alam gagawin ko. Hindi pwedeng kaming dalawa dito. She doesn't have any idea about my life here, and even me! Ano na lang sasabihin niya sa akin, alien ako? No freaking way! Baka masabihan din akong impostor, saka baka patayin pa ako dahil sa gulat at takot! Aaaaah! What am I gonna do????! Doon na lang kaya lilipat sa mundo nila? No, no. Bad idea. Wala rin naman kasi pamilya ko rito. Mas lalong magtataka ‘yon kasi walang tao. Paano kung hanapin niya si Sofie? Mama? Si papa lang nandito at malamang magtataka ‘yon kasi sobrang sassy niya. Broken family ako dito at baka hanapin pa niya pamilya niya dito sa kung saan lumalop man ng mundo! Hindi talaga pwede. Ako kaya ko pa mag-adjust sa mundo niya, but I don't know if she can here. Kahit na pareho kaming mukha, katawan at lahat-lahat, we are really different from each other. "MOOOM?!" Napatayo ako dahil sa gulat at napatingin ako sa nakasaradong pinto. Speaking of— heto na nga, hinanap na niya talaga mommy niya. Napasabunot na lang ako ng buhok. Wala na akong kawala. Kataposan ko na. Aamin na lang ako. Ano pa nga ba gagawin ko? I will tell her everything now. I walked towards the door and unlocked it. I hid behind the door at ilang segundo lang lumipas pagkatapos kong in-unlock ay bumukas ang pinto sa kadahilanang napatago talaga ako ng bongga sa likuran nito. I closed my eyes and bit my lower lip. She's already here— inside of my room. "What. the. hell. is. happening?" Madiin niyang tanong sa bawat salita. Ramdam ko sa boses niya ang pagkalito. “WHAT THE FVCK!” She looked so confused now. She even held her head because of confusion. I felt you before, Heather. Kaya sana maging kalma ka rin sa pagtuklas tungkol dito. Tulyan na siyang pumasok at kinalkal kama ko. "The fvck, where is my room? This is not mine!" she shouted and went wild. I signed a cross. Oh my gad, any minute from now she is gonna discover me. I heaved a big sigh before closing the door. Narinig niya ang pagsarado kaya kaagad ko itong ni-locked. "AAAAAAAAAHHHHHHH!" She screamed her lungs out. I ran towards her and covered her mouth. "Who are you--- AAAAAAAAHHHH!!" Bago pa siya magpumugilas ay nilakasan ko ang pagkahawak ko sa kaniya. “Shh, Heather! Stop!” I yelled. Pero dahil sobrang likot na niya talaga, and because of panic, I punched her on the face. Napatakip ako ng bibig ko nang makita kong knocked down siya. Like literally walang malay! I knelt down and checked her but she totally lost her consciousness. Napatingin ako sa pinto dahil sa pagkatok. "Heather? What's happening there?" dinig kong nag-alalang boses ni Logan. Tinignan ko si Heather na pikit mata pa rin. God, I'm trembling! "I'm so sorry Heather, sobrang ingay mo kasi 'e. Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa'yo kaya sinuntok na lang kita. Sorry, magpapaliwanag ako mamaya," bulong ko sa kaniya. "Heather? Sisirain ko 'to! Anong nangyayare diyan?" Galit na sigaw ni Logan. "Sandaleeeeeeeeeeeee! Nagbibihis pa ako!" I shouted back. Sorry din Logan. Sobrang patay na talaga ako sa inyo. Pasensya na kayo! I wanna cryyyyyz pleaze lang how to end this bullsheeet! “You sure? I heard your scream,” muli pang tanong nito. “Yeah! HUNDRED PERCENT SURE NOW GIVE ME MY SPACE!” I yelled back, acting like I was having a hard time changing my clothes. "Okay sorry, baba lang ako." Narinig ko ang yapak nito palayo. Tumayo ako kaagad at nakinig sa pinto. Nang nasigurado ko na wala na siya ay kaagad ko tinignan si Heather na walang malay pa rin. Napakagat ako ng labi ko. Tangina, anong gagawin ko rito? Kapag magising ‘to, mas lalong magwawala at magrereport to sa pulis! Dapat mapakalma ko siya muna. Lumapit ako sa kaniya at binuhat siya papuntang CR ko. Sobrang bigaaaat. Langya!! “Aaaaahh!” I groaned as I tried carrying her. Wala na akong nagawa kundi hilahin na lang siya. Ano ba 'to kinakain niya, 5 plates a day? Mas mabigat pa ata timbang nito sa akin ‘e. Huminga ako nang malalim nang nasa CR na kami. And once again, I took all of my strength to put her down on the bathtub. Successfully, nailagay ko naman siya. ‘Yon lang sobrang awkward ng pose niya. Anyways, mamaya pa naman ‘to magigising siguro. Hihintayin ko na lang siya. Napailing ako nang makita muki sitwasyon niya. Hindi talaga pwede 'to mawala, baka magwala ito at pumasok mamaya sa campus. I looked behind and ran downstairs. Nagulat pa si Logan nang makita akong nakapajama pa rin. "Akala ko nakabi-" "Ayoko muna pumasok sa school, sumasakit puson ko,” putol ko sa salita niya saka tinulak siya papunta sa pintoan. "Why of a sudden--" "Sumasakit nga puson ko, mayroon pa ako diba? Please let our teachers know. Please! Bukas na lang tayo magkita!" Sigaw ko at pinagtutulakan pa rin siya papuntang labas. I slammed the door before getting a reply from him. "Sorry Logan!" habol kong sigaw at sinilip siya sa bintana. Medyo natawa ako nang makita ang mukha niyang nagugulohan. Napakamot na lang ito at nagkibitbalikat saka umalis na lang. Kaya tumakbo na ako pabalik sa kwarto. I went to the bathtub and still saw her lying there. Napalakas ata pagsuntok ko. Sorry talaga Heather, sobrang kulit mo ‘e! Binuhat ko ulit siya papuntang kama. Kung alam ko lang na ito pala plano ko sana hindi na lang ako nagbuhat sa kaniya papuntang CR, pinahirapan ko pa sarili ko. Bobo lang! Sobrang bigat niya talaga promise. Daig pa yata ang kabigatan ko, hindi ako maka-get over. "Ahh!" I groaned as I laid here down on bed. Para akong may ginawang crimen sa pinanggagawa ko ngayon. ‘Yong pakiramdam na may pinatay ka at grabe ‘yong pag-iingat mo para lang wala may makarinig at makakita sa’yo? Nakakaiyak, dati pinanunuod ko lang ‘to, ngayon ako na ang gumagawa. ‘Yong pagkaiba lang ay hindi ko pinatay, pero ako yata ang mukhang papatayin dahil magkapareho kami ng mukha! Nakakakaba. Sana naman maipaliwanag ko ‘to nang maayos kay Heather mamaya. Tumayo na ako dahil tapos ko na siyang inayos sa kama. Tinitigan ko ang mukha nito. It's kinda weird to see myself lying in front of me. She really looked like me. Kopyang-kopya niya talaga mukha ko kahit buong pangangatawan ko. Nakakabaliw isipin na dalawa kami ngayon— magkaharap. She even have my skin color. Kahit nga magpalit kami ay hindi rin mahahalata dahil sobrang pareho talaga kami. Hinanap ko kung mayroon ba kaming hindi pagkakatulad pero wala akong mahanap ‘e. Even earlier, Olivia thought that Heather and I were the same person. Aish! Ay alam ko na, siguro kung may isang hindi kami pagkakatulad ay siya parang ang blooming niyang tignan because of the make up. Pero kung ako rin naman mame-make up-an, I can still say that we looked like the same. I panicked when she moved. Hala, mukhang gigising na ata. Shutangina. Anong gagawin ko? Magtatago ba ako? Susuntokin ko ba siya ulit? Argh! Sobrang lakas na ng kabog ng puso ko. Takte talaga. "Ugh, it hurts," she growled. I was about to move away from her view but huli na ang lahat bago ako nakatakas, dumilat na ito at nakita ako. She instantly stood up and grabbed the lampshade beside my table, then pointed it at me. As usual, sumigaw ito nang sumigaw. “Ssshh! SHHH! Manihimik ka muna please!” Pagtigil ko sa kaniya habang nakataas kamay nito. “Who are you?! Fvck! Why you look like me?! AAAAH!!” Sigaw pa rin ito nang sigaw. Wala naman akong nagawa dahil kahit anong pagpapatahimik ko sa kaniya ay hindi niya rin ako pinakikinggan. So, I just let her shout 'til she got tired. "Sino ka?! I said who are you?! AAAAHH!" "Calm down, magpapaki—" "Who are you?! Why do you have the same face as mine?!" Bumuntong hininga ako. I couldn't blame her if she acted like this. Kahit ako, I will freak out also if I see myself in front of me. Okay pa sana kung salamin ‘e, pero itong pareho talaga kami, nakakatayo pa ako at nakakausap niya ‘e talagang mababaliw ako kakaisip kung bakit nabuhay ang sarili ko sa salamin! Pero ‘yon lang, ang pinagkaiba lang namin ay nagkaroon ako ng alam tungkol sa parallel world kaya nakapag-adjust ako ng konti nang makita ko siya. I have a background information kaya hindi ako nagfreak out talaga. "I said who are you?!!" "Can you please calm down first so that I can introduce myself to you?!" Sigaw ko na siyang ikinagulat niya. Natahimik naman ito. 'Yan naman pala 'e, tatahimik din. To be honest, that is my first time shouting at her. Kanina kasi as much as possible, ayaw ko dumagdad pa sa sigaw niya at baka may makarinig ba dalawa ang nag-uusap. Pero hindi siya madala sa mahinang usapan ‘e, gusto pala ‘yong sigawan. “Damn you! Who are you? Why we have the same face? Why my room is different? Where am I?! What will you gonna do?! Where is my family?! Tell me! Tell me or I am going to hiy your head using this fvckinh lampshade!!” "Isa-isa lang, okay?" Kalma kong sabi, not minding what she had said. I understand her, she doesn’t know me, so why would she trust me? "W-Who are you?" She stuttered. Parang nakinig naman siya kasi naging mahinahon na boses niya hindi katulad kanina na sigaw nang sigaw. Ngayon ay medyo na minimize pero ‘yong kaba at panginginig ay nandyan pa. "I'm Heather," simpleng ani ko. Nanlaki mga mata nito. "No way! You already copied my face then now my name—-" "Pwede ba tumahimik ka muna?!" Sigaw ko ulit. Naririndi na ako sa boses niya. Paulit-ulit, hindi naman nakikinig. I understand why she is like that pero kahit makinig na lang sana para matapos na rin ito. Akala ko okay na ‘e, akala ko makikinig na pero jusko! Hindi nga pala kami parehong attitude! "I'm living here on Earth, and you are living in parallel universe. Nakapasok ka sa portal namin nang hindi mo alam kasi nga parallel ito. Everything that you have, I also have those. Ang bahay, ang mukha, pangalan, and even..." napahinto ako sa pagsasalita. I looked at her and smiled. "Even your family. We have the same parents," ani ko na siyang ikinagulat niya. "But.." "But?" She asked. "Everything here is reversed. You have a complete family there while me? I have a broken family here," malungkot kong sabi. Napayuko ako dahil kumirot puso ko nang maisip na kompleto nga sa kaniya, sa akin ay isa na lang ang natira. "Aw, that was so sad of you.." dinig kong sabi nito. “But wait, what? What di you just say? Parallel what?” Napatingin ako sa kaniya at sobrang confused ito. “Parallel universe. Mayroon blackholes, wormholes o ang kilala nating tawag na portal. Mayroon ‘yon sa bakuran natin.” "But, how did you know? Did you travel there na?" She added. Nahihiya man akong tignan siya kaya napatango na lang ako. "Y-yeah.. sorry. Pareho lang naman tayo noong una 'e, nagulat din ako. But, since this case was one of the topics that our professor mentioned, nagkaroon ako ng idea about this kaya hindi ako gano’n ka gulat nang malaman ko na nasa parallel universe ako." Then I shared everything to her. "OMG, IS THIS REALLY HAPPENING? DAAAAAAAM! THIS IS AWESOME!” I didn’t expect na mukhang masaya pa siya sa nabahagi ko sa kaniya. I nodded my head as a response. “So, that explains why. Kaya pala...” Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Why?" I asked. HEATHER 0.2's POV "Heather!" I stopped walking when I heard someone's calling my name. "Heather, where are you going?" Tinignan ko siyang nakakunot noo. I raised my brows when I saw him. Ow, it's Asher. Now, he still have the guts to call me again when I already rejected him a lot of times now. I saw how his cheerful face turned into confusion. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You didn't tell me you have extra clothes," he chuckled. "Excuse me? I just got here. Pinagsasabi mo?" Sita ko sa kaniya. I got confused when he laughed. Kung kanina ay siya 'yong nagtataka, ngayon ako naman. What the hell is he talking? Ni-hindi nga naman kami close. "No, magkasama tayo, remember? I went to your house this early morning and even gave you a bouquet. Ikaw pa nga mismo kumaladkad—" "Are you crazy?!" Sigaw ko pero sakto lang na marinig niya at ng mga kalapit namin. Nanginginig buong pagkatao ko. This didn't happen once, but twice! Pangalawa na 'to na may nagsabi sa akin na hindi ko naman ginagawa. Kahapon, sina mommy at Sofie, sinabing nagpaulan daw ako pero hindi naman. Kahit nga konting basa, hindi ako nabasa. Gosh, they are scaring me! Why are they telling this to me?!! May nagmumulto ba sa akin?! Lumapit ang crew sa amin at nagtanong. "Is everything fine, ma'am?" "Do I look like I'm fine?!" Pilosopo kong sagot. Tumango na lang ito. "Sorry ma'am, maybe you both can talk it outside so that no customers will be distracted." I have no choice but to let him guide us outside. Napahinto kami sa hindi kalayoan sa entrance at hinarap ko siya. "Hindi nga kita kasama kakarating ko lang 'e, you're so makulit!" Galit kong sabi. “Bakit ba? Ano ba nangyari? Saka FYI ulit ha?! Hindi kita kasama ngayon, kanina at sa mga susunod pang araw.” "But—" "No, buts! Can you please stop?! Please stop calling me again.” My last words before leaving him. Days passed and every time I bump into Asher, he always reminds me about prom night. He always reminds me of the things I don't even remember having. However, I ignored all the weird things that is happening to me, not until the night before I discovered the portal. "You are like the star I see from above, Couldn't hold you 'cause you're far, my love So, I will just stare at you from this wall, And wait for you to fall..." I colored the last one. "Fall for me..." I whispered. Sobrang gusto ko talaga ang kantang 'to. Not because I was the one who composed it, but because all the lyrics say all about Logan. The one that I admire from afar. I got this feeling that someone's standing on my door. Kinakabahan ako. Should I face him? I'm scared that maybe he will stab me when I see him. With my strong spirit, I took the risk to glance at my back. Then, my eyes widened as I saw who's standing there. It is not him, but it is her. YES A WOMAN! BUT NOT THE ORDINARY WOMAN! "Who's that?!" I shouted, still trying to look brave even when I'm not. No, hindi ako namamalikmata. That was me! Ako talaga 'yon! Tumakbo ito kaya hinabol ko. Dumiretso ito sa kusina kaya bumalik ulit ako sa kwarto at binuksan ang bintana ko para makita man lang kung saan siya dadaan nang maimbestigahan kinabukasan. Napatakip na lang ako ng bibig nang makita kong tumalon ito sa parang bilog. When she jumped, the circle's light went on. Oh my gosh! What's in there?! OMG! Kumurap ako ng ilang beses at nakikita ko na unti-unti na nawawala ang lights ng circle. Napanganga ako sa nakita ko. Sa sobrang kaba at takot ay sinarado ko ang bintana at kinulong sarili ko sa kumot. I didn't realize that I fell asleep. Tomorrow morning came, I took the courage to face it. I went to the backyard to see the thing I saw yesternight, but I was too dumb to realize that I already get here. "At 'yon, may bumusina na kotse kaya nilabasan ko sa gate. I was shocked at first to see Logan visiting me here. Akala ko gusto na niya ako. Pero hindi pala, kasi hindi pala ako nakatira dito. Jokes on me." I rolled my eyes. I looked at Heather Earth, I don't know what to call her. Okay? She said this is the Earth so I must be calling her Heather Earth. Duh. Siya pala lahat may kasalanan bakit ako kinukulit ni Asher doon. Kaya pala sabi ko something is really happening ‘e! And ito ‘uon. "Sorry din pala ha?" she trailed off. "Sorry for accepting Asher's offer. Nadala lang kasi ako dahil gusto ko 'yong tao dito." When she said it, it felt like a bulb light popped out on my head. Logan is visiting Heather here. So, if I will stay here for while.. I will also get a chance to hang out with Logan! Right?! She already hang out with Asher there, unfair naman yata sa part ko! Kahit isang araw lang, okay na ako 'no! Nang ma enjoy ko naman dito. I smiled at her. "Tomorrow is the prom night. Go and date with Asher," I said to her which made her look so confused. "You promised to him, right? I'll give you a chance this time!" Excited kong sabi. Takang-taka naman itong tumingin sa akin at napailing na lang. "How about you?" She asked. My smile widened even more. "I'll stay here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD