Chapter 7: Doubts

4106 Words
Chapter 7: Doubts "Bakit mo ako tinakasan kagabi? Expected pa naman na makilala ka nila mom and dad," malungkot na sabi ni Olivia. Napakamot na lang ako ng ulo. "Biglang sumama pakiramdam ko 'e," ani ko. Sumakit naman talaga kasi ulo ko sa kakaisip kahapon kung sino nagbigay sa akin ng note at bulaklak. Hindi naman pwede may mantrip sa akin kasi never pa akong napagtripan, at kung meron man, ano naman ang intensyon niya? Wala naman akong naalala na may kaaway ako rito. Si Logan lang naman palagi kong kasama, at alam kong hindi siya ‘yon. Tinanong ko si Logan, hindi naman daw siya. Talaga lang. Tinukso pa nga ako 'e na may nanliligaw na sa akin. But hello??? Sa akin? No freaking way. Mayroon akong nakikitang tumitingin sa akin pero hindi naman gano'n sila kalakas loob para lapitan ako. I even tried to look at Asher, pero hindi naman siya tumitingin sa akin. Kahit nga sulyap hindi ko rin nahuli. Saka himala talaga kapag siya magbibigay! Alam kong hindi mangyayari 'yon. Sa Parallel Universe siguro, oo. Kasi gusto niya doon si Heather, pero dito? Sobrang layong magustohan niya ako. Ang g**o. Bakit ba kasi may pa ganoon pa? Bakit may pa flower at note pa na you are confusing me chuchu? Argh! Ang sakit sa ulo. Hindi ako nakatulog sa kakaisip dito. "Bakit wala si Logan ngayon?" Usisa ni Olivia. I glanced at her and shrugged as I saw her eyes wandering at the classroom. "Kanina pa siya wala, ano kaya nangyari sa kaniya?" Dagdag pa nito. Kakatapos lang ng lunch namin ngayon at kanina pa bukambibig ni Olivia si Logan. Sabagay, wala nga talaga siya kanina pa. Hindi naman siya nakapagtext sa akin, ayoko rin itext siya kasi kahapon nga sabi niya may emergency, 'e baka ngayon may inaasikaso na 'yon. I respect his personal time. Kung may mali naman, sasabihin naman niya 'yon. "Kasi hindi siya pumasok," pabalang ko na lang na sagot. She rolled her eyes after. "Still, may kasalanan ka pa rin sa akin. Since hindi ka dumalo sa dinner namin, you have to pay for it." She smirked. Kumunoot noo ko. "Hindi na nga ako kumain, babayaran ko pa?" "Gagi, niliteral mo naman!" Tumawa siya. "Bayaran mo ako through number niya. Hihi," kinikilig niyang sambit. Umismid ako saka kinuha ang phone ko. 'Yon lang pala, edi ibigay natin. Sobrang halata na natamaan talaga si Olivia sa kaniya. Buti nga nang magkajowa na si Logan, mukhang wala pang balak 'e. Hindi ko alam kung ano pa hinihintay niya 'e sobrang dami naman umaaligid sa kaniya. I went to my contacts at hinanap ko ang ang pangalan ni Logan. Siniko niya naman ako kaya napakunot noo ulit ako sa ginawa niya. Ewan ko pero sobrang dali kong mairita ngayong araw. Konting gawi, nakakairita. Siguro darating bisita ko, huwag naman sana. May PE pa kami, 'no. Argh! "Heto naman, ang damot! Hindi mo naman gusto si Logan 'e! Si Ashe--" tinatakpan ko na bibig niya bago pa may makarinig na iba. "Heto na nga! Hindi ka makapaghintay 'e," inis kong sabi at humalakhak na lang ito. Akala niya ata hindi ko ibibigay sa kaniya si Logan, jusko kung alam niya lang na gusto ko na siyang ipamigay! Charot, bespren ko pa rin 'yan. Ang sa akin lang sobrang okay naman sa akin kapag magkajowa siya. I clicked his name and gave it to Olivia. Kaagad niya naman kinuha at tinignan. Sumigaw ito sa kilig at kaagad na kinuha phone niya at ni-save rin sa contacts niya. She immediately hugged me as she finished saving it. "Thank you Heather! The best ka talaga! Kaya bigla tayong naging BFF 'e! Labyuu!!!" Kinikilig niya pa ring sambit habang ako ay hindi na makahinga kaya kinuha ko na mga kamay niyang nakapulupot sa akin. "Kalmahan mo sarili mo, si Logan lang 'yan." Saktong pagkasabi ko ay dumating na si Miss Zuera, ang PE teacher namin kaya hindi na rin siya nakapag-react at tumayo na kami. Volleyball klase namin ngayon, and for sure, she will let us play outside. She informed naman na lalaro kami ngayong araw and ready naman PE uniform namin sa locker since this school already provided us the complete package. Inuuwi lang namin ang PE uniform kapag kailangan na namin labhan, but kaagad na sinasauli sa locker para may extra kami in case of emergency. Nang natapos na ako magbihis ay umupo muna ako para hintayin si Olivia. First time ko naghihintay ngayon ah, dati kasi ako lang naman mag-isa lumalabas at si Logan lang naghihintay sa akin para may kasama ako. Pero ngayon, nandito na si Olivia, mukhang okay naman siya 'e. Ramdam ko naman ang pagiging totoo niya sa akin. Napangiti ako nang lumabas siya. She is wearing PE short and a simple shirt pero parang croptop dahil tinali niya ito, kaya ang ending ay lumabas ang flat niyang tyan. She is cool af. Her hair was tied alrready at may mga ilang strands lang ang humaharang sa mukha niya which made her look prettier. It's a main character things that I couldn't relate. You know seeing these types of girls in the campus, masasabi mo talaga na isa sila sa mga hinahangaan ng mga kalalakihan or even girl students. Ang lakas kasi ng datibg. Maganda na nga siya, sobrang ganda rin ng attitude niya. She's a complete package. I never thought that someone like her wanted me to be her friend. Habang ako, ito PE pants ginamit ko. Walang kadating-dating. Parang isang hamak na istudyante lang ako sa gilid na tamang nuod lang sa kanilang lahat. Nahihiya pa ako magshort 'e. Hindi, nahihiya talaga ako kahit ano pang gawin ko. "Besh! Mas lalo ka pala maganda 'pag hindi nakauniporme!" sigaw nito na may ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang amaze na amaze pa. Aba gagang 'to, so kapag naka uniporme ako, hindi ako maganda????? Kaya siguro hindi ako nagugustohan ni Asher. "Hoy! Okay ka lang? Ang pretty natin!" Tanong nito sabay hablot sa kamay ko at hinila palabas. I rolled my eyes. Sabagay, bago pa lang siya dito at hindi pa kami nakapagmeet outside the campus kaya hindi niya pa ako nakitang naka casual lang. Saka, mukhang excited talaga siya. Pinaikot niya pa ako habang tuwang-tuwa sa pinanggagawa niya, hindi pa rin makapaniwala. Tsk. "Can you please stop?" reklamo ko at huminto naman ito. She giggled, then. "You have beautiful body din pala, ano work out mo? Nagkakaroon na ng taba ang tummy ko 'e." I looked at her tummy and laughed sarcastically. Nakuha niya naman ibig kong sabihin kaya sumimangot na lang ito. "Malaki na 'yan for me," she spoke and so I left her. Bahala siya diyan. Ako nga dapat magreklamo 'e kasi may mga bilbil ako. Tapos sa kaniya kahit nga hawakan ko 'yan, hindi 'yan mags-stretch e! Humabol naman siya sa likuran ko. "Ay grabe ha! Hindi na ba tayo bff?" Tinignan ko siya. "Maganda ka, okay?" Ngumiti ito na naiiyak. "Really?" I nodded my head so she hugged me then. "Thank you!!! I love you na talaga!" Nakarating kami sa field habang nakasabit pa rin ang kamay ni Olivia sa braso ko. Ngunit, napahinto ako bago pa tuluyan lumapit sa court kung nasaan sila. Nandito na pala si Logan... and Asher. Kaya pala hindi ko siya napansin kanina, kasi nauna na siya rito. Pero mas lalong nakakapagtaka lang dahil nag-uusap sila. I know Logan for years, never talaga siyang nakipag-usap kay Asher kasi ayaw niya nga kay Asher para sa akin 'e. At ni minsan talaga even a single moment, hindi ko sila nakitang nagkalapit kahit pa mag classmate sila. Kasi kahit mag groupings pa 'yan, umiiba ng group si Logan. As in, ayaw niya talaga kay Asher, I asked him why but he just said that he doesn't like him for being so "hambog" at "walang pakialam" sa paligid, at hindi niya bet. And ganoon din si Asher, I've never seen him talking to Logan as well. But right now? Anong meron? Why are they talking? At mukhang seryoso pa talaga ang pinag-uusapan nila. Geez. Kailan pa sila nagka-usap? "Besh, OMG. Hindi ako makagalaw, nandito na si Logan, finally!" Dumapo ang tingin ni Logan sa paanan ko kaya kaagad kumaway ito na parang wala lang. Asher left him and went to the other side like nothing too. "Besh! OMG ACCKK! He's waving!" Namimilipit na kilig ni Olivia. Tinignan ko siya at napailing na lang nang kumaway rin siya pabalik. "Hello babe Logan!" She shouted and ran towards him. So, I followed. Natawa ako nang sasalubungin na siya sana ni Olivia, at makipag-shake hands pa nga, pero nag fist bump lang si Logan sa kaniya. Kaya walang choice si Olivia kundi mag fist bumb na lang din. "Kamusta ang panget kong bestfriend?" Bati kaagad ni Logan nang nagkaharap kami. As usual, he's as hyper as a kid. Loko pa 'tong ngumiti sa akin. "Hi Logan!" Olivia exclaimed as she stood beside me. Ngayon ko lang din napansin na bumalik pala sa tabi ko si Olivia. Tumingin si Logan sa kaniya at ngumiti. "Hello, mukhang kayong dalawa na ang bagong magbestfriend ah?" He jokingly said. "Paano na ako?" "Sakin kana, hehe." Banat naman ni Olivia at mukhang gusto pang yakapin si Logan dahil sa gigil. I love her spirit ha! Ramdam ko 'yang kilig mo girl! Umiling na lang ulit ako saka iniwan silang dalawa. "Oh siya since kayo rin naman nagpaparinggan, take your time," at hindi na ako lumingon pa. I don't know, sobrang ang moody ko ngayon. Parang wala akong sa mood makipagharotan. Yeah, I am happy but there is a part of me that wanna stay still na lang. Ewan ko. By the way, gusto ko sana tanongin ano pinag-usapan nila Asher pero 'yon nga naunahan na naman ako ng kawalang interest. Bakit ba kasi boring ngayong araw? I feel like dadating talaga period ko ngayon. Ahhh! Bago pa nagsimula ang laro ay may dumating na ibang section sa field. Nakita ko si Charleigh na sobrang ikli ng short na kulang na lang ay makita na ang pwetan nito. Nakalimutan niya yata na school pa rin ito. Pero kahit gano'n pa man, sobrang sexy at ganda niya pa rin tignan with her black long hair. Isama mo na 'yong sobrang puti ng balat niya, at nagmumukha talaga siya ngayong walking pastillas. Speaking of walking, she walked so confidently. Parang kasing confident ng sarili ko sa parallel universe. She smiled at everyone and even waved her hand as if she is a miss universe. Hindi na ako aangal, bagay naman talaga sa kaniya. Teacher Zuera came towards them and approached their teacher. The next thing I knew, nandito na sila sa court namin. "OMG hi Charleigh!" Bati ng mga kaklase kong babae, dala na rin ang kalalakihan. "She's so pretty, men!" "Totoo pare, mas maganda pala sa personal." "Grabe, sobrang puti!" "Aaaah!! I wanna be her friend!" "AshLeigh! AshLeigh!" Namumuong sigaw ng lahat na pati mga teacher ay kinikilig. Tinignan ko si Asher na blanko lang ang tingin sa amin. Walang emosyon. Kailan ko ba 'to makikita na may emosyon sa mukha? Parang ang lahat na lang ay hindi niya mabigyan ng tingin. The fact that he likes Charleigh ha? Hay, Ashley. Kung gaano ka katahimik at intimidating tignan, ganoon ka rin kadaldal at masayang kausap sa kabilang dimension. Kamusta na kaya Parallel Self mo? Binaling ko atensyon ko at nakita si Logan. I just smiled at him, so did he. Tipid lang ito, hindi tulad dati na makikita ko pa ang gilagid niya. "Class, silent muna!" Sigaw ni Teacher Zuera kaya napatahimik ang lahat. I looked at Charleigh once again, and she was looking at her nails, listening carefully. "Since, we already tackled the basic skills of volleyball, let's perform it right now. But the twist here, kokontra ang section ni Mrs. Ligaya sa section natin. The exam is coming, whoever wins this game will have plus 3 points as final grade! Kung section niyo mananalo, lahat kayo may points!" Then everyone gone wild. Parang mga asong nagtataholan at nagsisigawan sa saya. Mayroon pang nagsitalonan at nagtumbling pa nga. Tapos itong si Olivia naman ay nagtatalon din sa tuwa habang niyuyogyog si Logan. Nakaka-excite naman talaga kasi ang laro lalo na kakampi namin ang buong section. Now I wonder, naglalaro din kaya sila doon sa parallel universe? Umiling ako. Lahat na lang ba kwekwesyonin ko? Hindi na ata to tama. Napatingin ako kay Asher out of nowhere. Kaagad naman ako napaiwas ng tingin nang sumulyap ito sa akin. Ilang beses na niya ako nahuling nakatingin at sobrang nakakahiya talaga kapag nahuhuli niya ako. Speaking of tingin, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit tumitingin siya sa akin 'e noon nga kahit isang sulyap hindi niya magawa? I will forever ask this question kasi nakakapanibago talaga! Hindi sa pagiging assuming ha, pero parang isa siya sa mga pinagdududahan ko na sa kanya galing ang note. Kasi kung iisipin, syempre tingin siya nang tingin sa akin dahil hindi ako mawala sa isip niya. Tama? Pero kung ganyan, bakit? Bakit ngayon pa kung kailan nakakasama ko siya sa kabilang mundo? Oh my God!!!! Napatakip ako ng bibig. Naaapektohan ba feelings ni Asher dito dahil sa pinanggagawa ko doon sa kaniya sa kabilang mundo? We are dating there! OMG. Makakaapekto rin ba 'yon? Arrrgh! I'm gonna ask sir Johnson about this! "Heather! Ikaw na!" I woke up from my senses when I heard everyone's shout. And so, everybody is looking at me. Naghihintay kung kailan ako tatayo sa kinauupuan ko. Kaagad naman akong tumayo at nagpanic. Geez, what am I gonna do? Hindi ako na inform! Lutang ka gurl? "Napakatanga," dinig kong sabi ni Charleigh na sapat lang para rin marinig ng lahat. Bitch din pala 'to, akala ko noong una angel 'e! Mukhang ang bait-bait at inosenti pa niya sa viral video nila Asher, tapos ngayon sumikat lang parang sino na! Kagigil! Binabawi ko na pala lahat ng compliments ko sa kaniya. "Shut up, b***h!" Kaagad na responde ni Olivia at tinignan nang masama si Charleigh. Nice one, Liv! Dahil sa ginawa ni Olivia ay nakatutok na talaga ang atensyon ng lahat. Damn it, I hate attention pa naman. Ngayon ay hindi na mawala ang tingin nila sa amin. Charleigh threw the ball at my side, pero hindi ko nasalo at gumulong lang papunta sa sulok pa. Wala akong choice kundi hinabol ito, ngunit sa pagtalikod ko ay nakarinig ako nang malakas na tawa mula sa mga kaklase ko at sa kabilang section. "Ewwww!" "Yak, ang dugyot!" "Oh my gosh, sobrang ew!!" "Omg besh!" I heard Olivia's voice. "Bestiee!!" Before I could even face them, I felt someone wrapped a jacket around my waist to hide my a*s. Tinignan ko ito at nagulat nang makita kung sino siya. My heart can't stop beating so fast. Heto na naman ang kakaibigang kaba na dulot niya sa tuwing nasa tabi ko siya. "Don't look back, just walk straight and I'll guide you to the clinic." - - "Okay ka lang besh?" Tanong ni Olivia habang hawak-hawak ang kamay ko. Kakagising ko lang dahil pagkatapos kong magbihis ay sumakit ang puson ko, kaya pinahiga muna ako dito sa clinic. Hindi ko naman akalain na makakatulog pala ako. At hanggang ngayon medyo masakit na lang hindi katulad kanina. "Oo naman, mayroon lang ako 'no, wala naman akong sakit," sabi ko saka napatawa nang mahina. Kaya pala sobrang iritado ko kanina. Kaya pala wala ako sa mood. At kaya pala, halos lahat ng bagay kinakainisin ko. Hay, so that explains why. Kasi may period ako. Tama talaga palagi hinala ko. Hay, hindi ako nakapaghanda kasi hindi ko naman sinusunod 'yong calender update chuchu na 'yan. Single naman ako, wala naman akong nakakasex kaya sigurado ako every month dadatnan ako. "Bongga mo besh!" Kinikilig na sambit ni Olivia saka tinulak-tulak pa ako. "Alam mo ba 'yong crush mo sumalba sa'yo kanina? It feels like he was your knight in shining armor! Bongga talaga! Nakakakilig! Pakiramdam ko talaga may pag-asa kayo!! AAAAACKK! Nanghampas pa ito at tumawa na parang kinikiliti. Kulang na lang ay humiga na siya sa sahig dahil sa kilig. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Hindi ko na matago mga ngiti ko dahil kahit pa kagatin ko labi ko, lalapad at lalapad lang pa rin ang pagngiti nito. Shet. Aminin ko, oo kinikilig ako. But who cares? First time lang 'to nangyari sa akin kaya sobrang naa-appreciate ko 'to. In fact, this happened in my own world. Walang daya. Sobrang saya ko! Aaaaahhh! Gusto kong sumigaw pero siguro mamaya kapag nasa bahay. AAAAAAACK! "Let's go home. Alas sais na ng gabi baka mag-alala pa si papa mo makitang wala ka pa sa bahay niyo." Logan stood up and packed my things. So, kanina pa pala siya sa likuran ko? Hindi ko napansin dahil 'pagkagising ko ay nakaharap na ako kaagad kay Olivia. Tinignan ko siya at sobrang seryoso ng mukha nito. "Heto naman, papahingain muna natin si Heather," sabat ni Olivia at nagpacute kay Logan. "Kakapahinga niya lang, kakagising niya lang diba?" Napanganga si Olivia dahil sa inasta ni Logan. Kahit ako, hindi ko inaasahan na ganon sasabihin niya. Bakit ang suplado nito? Mayroon din ba siya? First time niya gumanito ah. Anong problema niya? Wala na rin akong magawa kasi alas sais na pala ng gabi at malamang nag-alala na sa akin si papa. Ayaw ko naman mag-alala 'yon, baka kung saan saan pa ako hanapin, delikado na. Bago kami umuwi ay hinintay muna namin sundo ni Olivia. Pagkatapos noon ay hinatid na ako ni Logan sa bahay. Buong byahe ay hindi kami nagpansinan ni Logan, hindi niya ako kinakausap kaya hindi ko rin siya kinakausap hanggang sa nakauwi na ako. Bahala siya muna diya, wala rin naman ako sa mood. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ang cold niya ngayon. Bakit, may nangyari ba kanina habang tulog ako? Kung ano man 'yon, hindi ko naman siguro deserve na sa akin niya ilabas 'yong sama ng loob niya. Pwede niya naman ako kausapin pero 'yong pagiging harsh niya kay Olivia, hindi tama 'yon. Ewan ko ba sa kaniya. Nang nakapasok ako sa bahay ay kahit good bye man lang ay wala akong narinig sa kaniya kaya hindi rin ako nag good bye. Nakita ko si papa na nakaupo at kaagaran na tumayo nang makita ako. Kaagad ako nagmano saka niyakap niya ako. "Mag-alas syete na, bakit ngayon ka lang anak?" Nag-aalala nitong tanong. Friday nga pala ngayon. Early out siya kaya nandito na siya. "Hinintay lang po namin 'yong sundo ni Olivia, bagong kaklase ko po. Saka huwag po kayong mag-alala tay. Kasama ko naman si Logan." Basta si Logan kasama ko, hindi 'yan nagagalit. Malakas kaya si Logan sa kaniya, at close pa nila. "Gano'n ba? Lalabas na sana ako para hanapin ka 'e, pero naisip ko nga na hindi ka naman pababayaan ni Logan. Sige, kumain kana at matulog." See? Si Logan lang ang tanging pinagkakatiwalaan niya. Tinalo pa nga ako ni Logan, mas siya pa ang may malaking posibilidad na paniwalaan ni papa. Hindi na ako kumain kasi wala rin naman akong gana. Nagpunta na ako ng banyo saka nagbihis kasi may dugo na ang short ko. Tinignan ko ang jacket na kakakuha ko lang. Itinaas ko ito at nakitang hindi lang pala ito jacket, but this is a varsity jacket kung saan ay may surname at number niya sa likod. Collin, 22. Napangiti na lang ako at niyakap ito. Hindi man kita gustong labhan dahil sa amoy mo, pero kailangan kasi namanstahan kita ng dugo ko. Nilabhan ko na at ni-dryer. Isasauli ko na lang bukas. Lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Para akong kiti-kiti sa kama na galaw nang galaw dahil hindi comportable sa paghiga. Naalala ko rin kasi ang ginawa ni Asher kanina. Kinikilig pa rin ako na ewan. Habang naalala ko ‘yon ay hindi ko mapigilan sumigaw sa unan. Unan lang at baka marinig pa ako ni papa. Pero nangingibabaw rin sa akin mga tanong. Ang kahapon na tanong ko hindi pa nasagotan tapos ngayon naman ay may panibagong tanong na naman ako nabuo sa isipan ko. Hay, Asher, why are you making this so hard? You are not making me sleep. Narinig ko ang mga huni ng ibon sa labas. Napabangon ako at napatingin sa bintana, lalo na sa bakuran namin. Tinignan ko ‘yong portal kung saan ako nagcro-crossed. Ilang araw na ako hindi nakapunta sa kabila, kamusta kaya doon? Kamusta kaya si Asher doon? Baka umaaligid siya kay Heather na akala niya ay ako. Bumaba ako at tinungo ang portal. Walang pagdadalawang isip ay nagtravel na naman ako sa kabila. Though, I can't say that nothing's happened dahil pareho lang ang ambiance at set up ng lugar. But I know myself that I already travelled. Konting saya rin ang nararamdaman ko dahil hindi pa sarado ang portal. Hindi ko alam kung kailan sasarado, but I would love to go here. Para kasing ibang tao ako dito. Nagsimula na akong maglakad at tinungo ang back door namin kung saan pumasok kami ni Sofie noon, mga panahon muntik na ako mahuli. Everything is so quiet. Well, sa ganitong oras ba naman ay wala na talagang gising pa. Dapat nga ako ay natutulog na. Pero hindi ako makatulog ‘e, kaya ililibang ko na lang sarili ko para mapagod. Tuluyan na ako pumasok at iniwan lamang bukas ang pinto. In case of emergency, you know. I went upstairs and checked everyone's room. Nakita kong tulog na ang kapatid ko kaya nagpunta ako sa kwarta nila papa. I slowly opened the door to see them. Nagsimulang magsiunahan ang mga luha ko sa pagpatak nang makita sila papa at mama. My mom and dad are in bed-- hugging each other, sleeping peacefully. Damn, they look so sweet and in love. I wanna hug them, I wanna tell them so bad how I want that scene to be captured in my eyes forever. I want that kind of parents. I wanna make that happen. Pero mas lalo lang ako naiyak maalala na-- I don't live here. I don't have a life like I want it. Sinira ko na ang pinto bago pa ako tuluyan humagolhol sa iyak. Nang nahimashimasan ako ay pinahiran ko luha ko at huminga nang malalim. For the last time, I checked Heather's room. Nagulat ako nang makita siyang nagpe-painting. And she was singing. "You're like a star that I see from above Couldn't hold you 'cause you're far, my love So, I will just stare at you from this wall And wait for you to fall.." Then, I saw her painting. It was a woman who was standing behind the wall, looking up to the brightest star in the sky. The song is so deep. It speaks a lots of feelings and emotions. Seemed like he had feelings for someone she couldn't reach. Parang ako rin pala. Nataranta ako nang bigla siyang napasulyap sa gawi ko. I immediately closed her door and ran away from her. "Who's that?!" She shouted. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. OMG! NAKITA NIYA AKO! Mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko at ramdam kong hinabol niya ako, damn it! Now she literally see me! At buti nalang hindi ko na sarado ang pinto kaya nakalabas kaagad ako at nakatalon sa portal. Naghintay pa ako ng ilang minuto para tignan kung nakasunod ba siya sa akin. Napahinga na lang ako nang maluwag nang makitang hindi siya sumunod. Phew! That was so near! Bakit kasi hindi ka nag-iingat, Heather! Muntikan ka na! — Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay sa labas. Boses 'yon ni Olivia, pero bakit sumisigaw siya? Abot hanggang dito pa sa kwarto ko. Bumaba na ako saka binuksan ang pinto para tignan kung siya nga. Pero kaagad ko naman itong isinirado nang makita ko ang nangyayari sa labas. OMG! Nararamdaman ko ang sobrang kabog ng puso ko. Tilang lalabas sa sobrang pintig. Shet! Tangina! Damn it!!! Seryoso ba ‘to?!! Tumakbo ako sa bintana saka sinilip sila. AAAAAHHH!! "Ano ba nangyayari sa'yo? Si Logan nga kilala mo! Tapos ako hindi?! 'E sabay pa nga tayo umuwi! Duh! What's your trip, ba?" Iritang sabi ni Olivia kay Heather. Yes, si Heather!!! Si Heather sa kabilang mundo!!! Logan is just staring at her— and he looked so confused! "What can I do? I haven't met you even once! And how dare you call me besh? Scammer ka ba?!" I face-palmed. I think this is the end of me. I am doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD