Chapter 10

3100 Words
CHAPTER10: The deal "How did you get allergy to the seafood when in fact that was your favorite all the time?" Logan keep on asking me 'til we get into the house. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at dahan-dahan inalalayan sa kama ko. Tinignan ko ang kabuuan at napansin ko wala ang daddy ni Heather. Bakit kaya ganon? Mag-isa lang ba siya palagi dito? Usually in times like this, all of my family knows what happened to me. Siguro asikasong-asikaso nila ako kaagad. I glanced at Logan who's currently waiting for my reply. "Logan, I don't know." I lied. He grabbed the chair and sat down next to my bed. Now, we're facing each other. "I'm just worried, okay? This is the first time that has happened and I want to know badly so that next time I know what to do." His eyes were swollen as he delivered those words to me. Parang nangungusap ang mga mata nito, hindi ko mawari kung ano but... but all I know he just gave butterflies on my stomach. I feel the sincerity of him. Mas lalo siyang gumwapo. Mas lalo akong nahuhulog. I am really in love. Now, alam kong hindi lang crush ang pagtingin ko sa kaniya. I want him to be my boyfriend, I want him to be mine. "Stop staring, you can't stare at me like that." Umiwas ito ng tingin. I laughed. Tumingin ulit ito sa akin na nakakunot noo. I stopped laughing. Err, he looks mad. I'm scared. Umiwas ako ng tingin at tinignan ang bintana. But, I still saw him in my peripheral vision. Gosh, when will he stop staring at me? Ito pa naman sa isa ‘yong mga weakness ko ‘e. ‘Yong mga titig niya. Kapag tinitigan niya ako ng ganito ay parang gusto ko na lang magpahila sa kanila. I felt like his stares are magnetic, makukuha niya talaga ako kaagad. Nangangalay na ako tumingin sa nakasaradong bintana. Speaking of, the window brought me to this place. Nang nakita ko si Heather sa gabing 'yon mula sa bintana at kung paano siya lumaho nang basta-basta. I couldn't get her out of my mind. She really looked like me. I was startled at first but I was brave enough to find out what that was. And now, I'm here, living closely to the person I once looked from afar. That was such a blessing in disguise for me. Siguro kung hindi ko nakita ‘yon, malamang sa malamang nasasaktan at umaasa lang ako sa wala. But look at now, I can even talk to him— hang out with him. And I love the idea of having him by myself. Parang ayaw ko na umuwi pa. Nagulantang ako nang biglang may humawak ng mga kamay ko. I looked at him and my heart pounded so really hard when I saw him staring at my hand. Oh my gosh, why can’t he stop staring? "I've never been scared in my whole life not until I saw you almost dying earlier." I moved a little when he looked at me. "Please take care of yourself, okay? I don't wanna lose you." HEATHER 0.1's POV "Ateeee? We're having breakfast right now! Come and join us, ugly biatch!" Irita akong tumingin sa pinto. Hindi, hindi ako naiirita kay sofie o sa sinabi niya kundi iritang-irita ako ngayon dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi sa prom! Arrgh! Lagot ako kay Heather, muntikan na akong mahuling nagpapanggap. "You seemed quiet." It's been an hour since we went there. Andaming gustong magpapicture sa akin pero hindi ko alam kung paano makipag-interact sa kanila. That was new to me. Hindi ko aware na gano’n pala talaga siya kasikat. Nakalimutan ko rin ngumiti dahil sobrang daming lumapit sa akin hanggang sa nagulohan ako. Like literally, na-lost ako. Really, hindi ako aware na ganito pala ka-artistahin ang self ko. Jusko, excited ako kanina dahil sobrang ganda ko pero bigla naman akong kinabahan at naging conscious ngayon. Knowing me, nasanay ko na kaming dalawa lang ni Logan ang kumakausap. Kaya kahit isang oras na nakalipas ay hindi pa rin ako mapakali. Ito rin pala ‘yong pakiramdam ni Charleigh doon sa mundo namin, sa kaniya ko rin kasi nakikita ‘yong gano’n kasikat at gano’n na lang kagusto ng lahat. And now I still couldn’t keep wondering. What if makakagawa ako ng ikasisira ng imahe ni Heather dito? What if I didn’t give justice to the role or character she had here in her world? Hindi pa rin ako sanay sa ganitong pamumuhay kaya sobrang nag-iingat ako. "Aren't you happy? Want me to take you home?" Binaling ko ang atensyon ko sa kanina pang nag-alala sa akin. Si Asher. He's way too gorgeous to go home. Umiling ako. "No. CR lang ako." Tumango naman siya at tumayo ako. Dali-dali kong tinungo ang restroom at nilocked sarili ko sa huling cubeta. Ang alam ko sobrang excited ako kanina 'e, sobrang saya ko pa nga dahil ganito itsura ko. But what happened now? Dahil sa anxiety ko parang masisira ko pa ‘yong araw. However, there is a part of me that keeps bothering. Mayroon sa akin na hindi mapakali, I feel like something's bad gonna happen. Aaaah! Bigla na lang ganito. Something is really odd. Heather, anong ginagawa mo diyan sa Earth?! At bakit hindi mo sinabing sobrang kilala ka dito? Hindi ako makagalaw dahil halos lahat ng tingin ay nasa akin. Hindi talaga ako sanay sa ganitong sitwasyon. I live my life so simple then one day I live like a superstar. Ginawa mo namang pang-w*****d buhay ko oh! "Ang ganda talaga ni Heather, 'no?" Napaayos ako ng upo nang may biglang nagsalita. "Oo nga. Hindi talaga makompleto ang highlights ng campus 'pag wala siya." "Tama ka diyan, for sure, siya ang reyna mamaya. Sana all. Nasa kaniya na talaga lahat." "Anong lahat? Si Logan kamo, wala sa kaniya." Napantig tenga ko sa narinig ko. Logan? Anong mayroon kay Logan? Is this the Logan na gusto ni Heather na bestfriend ko? "Korek sis, buti na 'yong hindi kagandahan pero pinili. Si Heather sobrang ganda pero 'di mahal ng taong mahal niya." ARAY! Ambabastos ng bunganga nito ah! Narinig ko na yapak nila palabas. Pero habang palabas ay dinig na dinig ko pa rin tawanan nila. Mga chismosa. Edi kayo na pinili! Kayo na mahal! Kayo na! Tinignan ko sarili ko sa salamin at ngumiti. "Okay nang hindi pinili, at least maganda." Papalabas na sana ako nang makita ko si Olivia. Alam kong lumiwanag mukha ko dahil nakita ko siya. Damn, I missed her so much!! "Olivia!" I ran at her then hugged her tightly. Nagulat ako nang tinulak niya ako. Sobrang sama ng tingin at kulang na lang ay balatan ako ng buhay. "Olivia, it's Heather!" ngumiti ako nang napakalawak. "God! Who told you to hug me?! Ewww!" Pinagpag niya sarili niya as if may maduming kumapit sa kaniya. Maiiyak-iyak pa to habang walang tigil sa pagpagpag. "The audacity to miss me! We are not even close, fvcking b***h!" "Oh my god, don't tell me you are befriending her na after you found out that Asher was hitting on her?! You are so dumb." Nanlaki mga mata ko nang makita si Charleigh. Close sila-- OH MY GOD! Napatakip ako ng bibig. SHET! I FORGOT THAT I'M IN PARALLEL UNIVERSE! "No freaking way!" She shouted. Mas lalong tumalim ang tingin nito sa akin. "b***h! May amnesia ka ba? Where is your bitchy side? Show me the face you used to show, o baka naman... takot kana sa akin?" She laughed sarcastically. "Biglang umamo mukha mo 'e." "You are really so fake. Hindi ka talaga matapang!" She was about to hurt me but I screamed and ran away from her. I went home and cried until I fell asleep. Kaya ngayong umaga, akala ko gigisingin ako ni Heather pero until now nandito pa rin ako sa kwarto niya. Kaya naiirata ako ngayon dahil sa inasta ko kagabe! NAKAKAIRITA KASI GANON GANO’N ‘YONG GINAWA KO! Arrgh! Why am I so forgetful and irresponsible! Dahil sa pagiging malimutin ko at pagiging irresponsable ay muntikan ko nang mapahamak imahe ni Heather dito. I forgot that her personality is really far from mine. Siya 'yong matapang na Heather. Siya 'yong palaban. Siyang 'yong astig. Lahat ng gusto kong makuhang personalidad ay nasa kaniya. Habang ako, heto-- nakuha ang kahinaan niya. Also, hindi ko naman akala na kaaway niya si Olivia rito, at Charleigh. Kaaway ko rin naman si Charleigh doon, pero bakit hanggang dito ay kaaway niya pa rin hanggang ngayon? I don’t get it. This just proved na hindi pa rin pala namin control ang lahat. Bumangon na ako at dumiretso sa CR. Nagpalit na ako ng damit kahit puro mga croptop at shorts sa closet niya. This would be the last time I am going to swap with her. Ayoko ng ganito. Nababahala ako. Natatakot na ako. Saka, hindi ako sanay sa buhay na mayroon siya. I wanna go back being Heater that no one knows about. Siya kasi, parang ako ‘yong mirrorball na tinatangala ng lahat kapag dumating niya. She really deserve to be called Heather. Sa kaniya bagay ‘yong pangalan. I sighef and looked at the mirror. Then, I remembered about Asher. Kamusta kaya si Asher kagabe? Iniwan ko siya. Yes, isa rin sa mga katangahang nagawa ko. I left him. After what happened to me in the bathroom with Olivia and Charleigh, I went home. Gusto ko na nga magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan sa mga oras na ‘yon, buti na lang ay nakauwi na ako kaagad. Kinuha ko cellphone ko at nakita text niya. "Where are you?" "I think there is really something bothering you, wanna talk?" "I got you a drink, I'll wait at the balcony." "I'm all ears. I can be your rant buddy." "Heather?" "I was looking for you but you were nowhere to be found." "Hey, I'm worried." "Seriously, I'm really worried. Where are you?" "God! I thought you lost. I called your mom, why didn't you tell me you're going home?" "Aish, whatever. At least you are safe." "Good night, my Heather." Napabuntong hininga ako. Oo na, kinikilig na naman ulit ako. Ikaw ba naman sabihin ng mga ganyang katagang words ng crush mo! Nakakarupok. AARRRGHHHH! WHY IS HE SO SWEET AND KIND AT THE SAME!! Isang paganito niya pa lang, nadagdagan na naman ‘yong paghuhumaling ko sa kaniya. Alam kong mali 'to, but I am badly falling to this guy so hard. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Sofie na nanunuod ng Netflix. May netflix din pala dito, taray. “Oh, buti naman na lumabas ka,” she said without looking at me. Napansin ko na wala si mommy-- I mean, mommy ni Heather. Nasaan kaya siya? Hindi ako masyadong nag-iinteract sa kanila dahil alam kong maa-attach at mas lalo ko lang sila mamimiss. To be honest, sobrang inggit talaga ako. Pero kasi... hindi ako sanay. Kahit gustohin ko man makipagbonding, parang ang ilang ko sa kanila. Ganito siguro 'pag hindi ka lumaki sa pamilya kung saan sobrang sweet at close mo ang isa't-isa, na kahit sa pakikipag-usap ay hindi ka marunong. Kahit si papa na lang meron ako dahil may pamilya na si mama ay hindi ko pa rin magawa maging sobrang sweet kay papa. Kaya siguro kahit gustong-gusto ko silang mayakap ni Sofie at mommy ni Heather ay hindi ko magawa dahil unang-una, nahihiya ako. Pangalawa, alam kong hindi sila ang tunay na pamilya ko. At pangatlo, alam kong pati sila ay niloloko ko na rin. “Kumain na kami, nagmamadali si mommy ‘e. Pwede ka naman kumain mag-isa kaya mo na ‘yan,” dagdag niya pa habang nanunuod pa rin. Sinakto kong hindi nakatingin si Sofie sa akin bago ako lumabas at pumunta sa bakuran. Madali naman ako nakapasok kaagad sa totong bahay dahil alam ko na sa oras na 'to, wala naman si papa. I looked back again to see if Sofie is looking at my direction, or following me, and when I found out that she is not— I travelled to Earth. "Gosh, Heather, you scared the hell out of me! Don't you know how to knock?" reklamo niya kaagad pagkatapos kong sinirado ang pinto. Hinarap ko siya ngunit nanlaki lamang mga mata ko nang makitang may pantal-pantal sa mukha. Tumakbo ako sa kaniya at hinawakan mukha niya pero hindi rin naman nagtagal dahil ni-waslik niya ito. "Mahal ang skin care ko," ani nito. "Jusko, anyare sa'yo?!" "Nagka-allergy, obvious ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. Binabawi ko na pala sinabi ko kahapon. She's still the mean Heather. No wonder kung bakit kaaway niya si Olivia. Pero nang makita niya si Olivia, sinabi niyang hindi niya kilala diba? "Kilala mo si Olivia?" Bigla kong tanong na siyang ikinanuot noo niya. Umiling ako. Mamaya na lang ang chika, ang importante ay siya. "Sabihin mo anong nangyare. Ano kinain mo?" She rolled her eyes and reached her phone on the table. Tinignan niya mukha niya sa salamin at sumimangot. Parang binagsakan ng lupa dahil sa sobrang lungkot. "I am really ugly right now. Nakita ni Logan ang mukhang 'to?" She fake her cries. "This is all your fault!" Ha? Bakit ako? “Why me? ‘E ikaw nga ‘tong nagkakaganyan habang ako ‘e wala naman ah?!” "I ate your favorite seafood which I hate!" Napakagat ako ng labi nang maalala kung ano meron kahapon. It's Rusty's death anniversary, our first baby dog ni Logan. He died because of the parvo virus. Gusto kong mag-emote ngayon pero mamaya nalang, walang time. Saka damn, malay ko ba na may allergy siya sa ganyang pagkain. "So may allergy ka sa seafood?" I asked. "Yeah, and I'll guess, allergy ka sa sisig, right?" Nilapag niya phone niya at tumingin sa akin. Tumango ako. "Got it. That is my favorite," she replied and grabbed her phone again theen took some selfies. ‘Yong selfies niya na pagkatapos ay idedelete niya then selfie again then delete hanggang sa maiiyak na lang din siya kasi wala siyang may magandang makuha. At habang pinapanuod siya ay napagtanto ko na kaya pala kahapon parang hindi ako mapakali. May nangyari na pala dito. Ito pala ‘tong rason kung bakit pakiramdam ko ay parang in trouble ako, oo nararamdaman ko ‘yon. "Huhu, how can I post this to get my follower's sympathy?" she whispered while doing the fake crying. Umiling na lang ako. Muntikan na mapahamak, iniisip pa rin ang social media. Sabagay, diyan siya nasanay. Iyan ang buhay niya. Kaya kahit gustong-gusto ko pa makasama si Asher parang okay na rin siguro matapos kaagad 'to bago pa mahulog ako nang tuluyan. Magkaibang-magkaiba kasi talaga kami. Sobrang layo sa isa’t-isa. "Umuwi kana. This will be the last time we will pretend, okay--" "What? No please!" Nagulat ako sa sinabi niya. Kinuha nito mga kamay ko at hinawakan ito nang sobrang higpit. She made a puppy eyes. "Do you know that Logan likes you here?!" Kumunot noo ko sa sinabi niya. Pinagsasabi nito? At ito na namang si Logan, OMG! Baka ito na ngang Logan na gusto niya! "Bestfriend lang turingan namin, hoy!" Ani ko sa tanong niya. "Excuse me, my name is Heather, not hoy. So, anyways, gusto ka niya. Ramdam na ramdam ko promise! The way he looked at you-- I mean me! The way he looked at me!" Kinikilig niyang sambit na tila parang nasa ulap siya dahil abot langit din ang pang-ngiti nito. Habang ako naman ay nandidiri pa sa ideyang gusto ako ni Logan. Really? Ako? Pwe! Nakakadiri naman, hindi kami talo. At kung gusto niya ako sana naman sinabi na niya noon pa hindi pa? Ni hindi niya nga makuha maging gentleman sa akin minsan, palagi pa akong naasar no’n so malabo na gusto niya ako. Umiling lang ulit ako. "Ewan ko sa'yo, kaya pala gusto mo dito at pinayagan mo ako doon dahil gusto mo pala si Logan! Narinig ko rin 'yan kahapon sa mga chismosa sa restroom." Dumilat ito at umiyak. "Kaya nga.” At unakto pa uli na naiiyak. “Sige naaa! Pleaseeeeee!!! Pretty please?” Kumarap-kurap pa ito. “Sobrang saya niyang kasama kasi. Minsan lang ako oh! Chance ko na 'to, hindi pa nga ako nakapaglandi! Promise, hindi pa. Magsisimula pa lang ako ‘e, huwag mo naman sa akin ipagkait ‘yon. I want to be with him like you want to be with Asher, naiintindihan mo naman ako, right?” Umismid ako. "Hoy kasuka ka, kadiri landiin si Logan. Pwe!" I looked away. “Yeah, I understand what you feel.” "Hoy ka rin! I have a name, okay, it's Heather!" Pagtatama niya ulit. "I also have a name, it's Heather, okay!" Pagsunod ko naman sa sinabi niya. "Whatever, I wanna enjoy my time here." She smirked. Nagseryoso na mukha ko kaya tumahimik ito. "Argh! It's still weird to see myself looking at me so seriously. Sige, salamat sa lahat ha? I won't force na, but I really enjoy this. I will pray that you will change your mind!" Tumayo ito at inihanda ang sarili. "Why naman ganon, sobrang bilis mong sumuko?" "Bakit si Logan ka ba? Kung si Logan ka hindi kita susukuan." Sinuklay niya sarili niya at sinuot ang pajama. Ngayon ko lang napansin na nakapanty lang pala siya. Grabe, hindi ko kaya 'yan kahit nasa bahay lang. Saan humuhugot ng lakas ng loob ito? Siya na talaga! Napansin niya siguro na hindi ako nakikipagbiroan kaya sumeryoso din siya. "I actually don't have time for people who can't do me a favor. I mean, yeah, they all have the rights to decline and say no, so I have no choice but to respect and deal with it. I don't wanna let them feel uncomfortable whenever they talk to me. If you don't want it, just say no. You don't have to worry about me because I understand that not all people want our wants.” She smiled. “To be honest, I love hearing when people say no. It takes a lot of courage to refuse someone's favor especially if you can't neglect them, but hearing them saying it-- is just a sign of a strong human; and I'm proud of them for standing up for what they want to happen." She stopped combing her hair and glanced at me. "I'm proud of my Earth self." Then, she left me speechless. I am also proud of my Parallel Universe self.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD