"Paano 'yon? Sobrang pula mo kanina, then now you looked so okay?!"
Bahagyang dinabog ko ang bag ko sa upoan para maramdaman ni Logan ang pagka-inis ko. Pero hindi naman ako galit, naiinis lang kasi kanina niya pa ako hindi nilulubayan. Parang muntanga kasi, kanina pa tanong nang tanong. Malamang kasi hindi ako 'yong nagkaroon ng allergy.
Hay, kung pwede lang sabihin.
Hinarap ko siya at pinandilitan ng mata.
"Syempre ganon lang kadali mawala 'pag uminom ng gamot. Okay?" Paulit-ulit kong sabat. Kung bibilangin namin ang ganitong topic mula kanina umaga hanggang ngayong last subject ay siguro makaka-isang daan ang bilang.
Parang bata. Parang hindi nagkaroon ng sakit.
Ako ay nainiis talaga. Kung si Heather lang kaharap nito ewan ko lang kung maiinis din si Heather sa kakulitan niya.
"Eh sobrang hinang-hina mo—"
"Pwede ba Logan, sasakit ulo ko 'yan sa'yo."
Akala ko natakot siya sa pagtataray ko dahil bumalik siya ng upuan 'yon pala ay dumating na last prof namin.
Not bad.
Gulong-g**o din kasi ako ngayon. Sana pala hindi muna ako pumasok nang makapag-isip ako.
Gusto ni Heather si Logan. Gusto ko naman si Asher. Kung ipagpapatuloy namin ang ginagawa namin, pareho kaming may benefit dahil makakasama namin ang mahal namin, hindi lang 'yon, mahal pa kami ng mga mahal namin. Sounds desperate, but if you really want to be that person so bad, hindi mo na maiiisip na nagmumukha kang desperada.
Pero sana okay lang ngayon si Heather doon sa mundo niya. Kasalanan ko pa naman bakit naging ganon kalagayan niya. Wala pa naman kaming contact dalawa. But I am still glad that we bonded a little. Kahit sa pansamantala ay naging kaibigan naman kami.
Katulad kay Asher. Sa maikling panahon ay naging masaya naman akong makasama siya.
Hay, Asher. Nakakamiss ka. Sayang 'yong prom, hindi ko na enjoy kasama ka. Plano ko sana sulitin dahil 'yon na ang huli 'e, ang huling pagsasama natin. Kahit doon man lang. Nagawa kong kiligin sa'yo. Sana dito rin.
"Ms. Hankinson!"
"Ay Asher ko!"
Napakagat ako ng labi dahil sa binitawan kong salita. Shocks! What the f!!
Hindi nga ako nagkakamali at umusbong ang walang hanggang pagtutukso.
"Luh, si Asher!"
"Crush mo? Yieee!"
"Waaah, iniisip si Asher."
Napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahan tumingin kay Asher. Nagulat ako nang makita siyang nakangiti sa akin. Asdfghjkl!!! He just smiled at me!
"Ms. Hankinson, you are not listening, go out!" Napatalon ako sa gulat.
Kalma lang! Highblood ka naman masyado ma'am!
"The door is open!" Sigaw muli nito.
Psh. Oo na! Eto na lalabas na!
Niligpit ko mga gamit ko saka tumayo. Nakita ko si Logan na masamang nakatingin sa akin. Ipinagkibit-balikat ko na lang at tuluyan nang lumabas sa classroom. Hindi pa ako nakalayo sa pinto ay narinig ko ang boses ni Asher.
"May I go to the restroom?"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng pagkabog. Susundan niya ako? Anong nangyayari?
Sinimulan ko na ang paglakad nang napakabilis. Damn! Ang assuming ko naman sa part na susundan niya ako. 'E sino ba namna ako? Isang hamak lamang na taga hanga niya na hindi niya man lang magawang pansinin.
Napadpad ako sa U-Park namin. Hindi pa pwede makalabas ngayon dahil hindi pa oras ng uwian. Dito na lang ako maghihintay.
"So you're here."
Oh my god! The voice.
I clutched my chest because of an indomitable beating. Dahan-dahan kong nilingon ang nagsabi. Hindi nga ako nagkakamali, si Asher nga.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dahil sa pagkagulat.
"Obviously, sinusundan ka." Umupo siya sa tabi ko kaya dali-dali naman akong umurong. Jusko, bakit may pa ganito. Sinundan niya talaga ako, for real??
"How are you now?"
My brows fused.
"H-ha?"
Alam niya? Alam niya ang nangyari kay Heather?
"You collapsed yesterday night because of your Allergy. Okay ka na?"
Alam niya!
Pero paano?
Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ganoon kadaldal si Logan para ipagkalat ang nangyayari sa akin, o sa amin. Unless, nandoon siya noong nangyari 'yon.
"I'm okay," tipid kong sabi saka ngumiti.
"Good. Please take care of yourself," huling sabi niya saka tumayo at lumakad papalayo sa akin.
Oh em gee.
Ano 'yon?!
'Yong puso ko. AAAAAAACK!!!! Did he just say I should take care of myself?!
BAKIT GANOON? KINIKILIG AKO SA DALAWANG ASHER!
Pero bakit may ganyang biglaan treatment? Anong meron? Pwede paki-explain sa akin?
"Good. Please take care of yourself."
WAAAAAH!!!
"Good. Please take care of yourself."
AYOKO NAAA!!!
Mamatay ako sa kilig!
Para akong bata na may pasampal-sampal pa sa sarili ko. I just couldn't hold myself! Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisnge ko. Siguro sobrang pula ko ngayon.
Kinuha ko phone ko at nagsalamin. Jusko! Sobrang pula nga! Asher bakit ganito ginagawa mo sa akin? You are confusing me! Akala ko ba kay Charleigh kana?!
"Ay Charleigh!"
Natawa ako dahil sa pagka-ulyanin ko magulat. Bakit tumatawag si papa sa ganitong oras?
Papa is calling...
I clicked the answer button then placed the phone on my ears.
"Pa?"
"Anaaak!" Napatayo ako dahil sa boses niya. Umiiyak si papa!
"Pa? Bakit? Bakit ka umiiyak?" I grabbed my bag and ran to the gate.
"Si... si mama mo!" Then he cried so really hard.
Naiiyak na rin ako dahil ngayon ko lang narinig na umiyak siyang ganito. Papa is a strong man, ni kailanman ay hindi ko siya nakitaan ng kahinaan. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadamdam niya.
"W-wala ni si mama mo anak. Patay na siya."
Sa sobrang gulat ay nabitawan ko phone ko.
Tama ba narinig ko? Mama!
My eyes started to tear up. Kukunin ko na sana phone ko nang biglang may humablot ito at binigay sa akin.
Nagulat siya nang makita ako, hindi ko inakala na sa susunod niyang salita ay hahagulhol ako sa iyak.
"Okay ka lang?"
The next thing I knew, I'm already at the front-seat beside Asher's seat. Gusto kong umiyak nang napakalakas pero nahihiya ako kay Asher. Umiyak na ako kanina sa kaniya at sobrang nakakahiya 'yon dahil binasa ko ang uniporme nito sa kakaiyak. Ngayon, papunta kami sa Morgue kung saan nando'n si papa naghihintay sa akin.
"Cry it all out. Don't stop yourself, please."
Tumingin ako sa kaniya na busy sa pagmamaneho. He sounds so concern.
Hindi ko na pinigilan sarili ko na maiyak.
Hindi pa nga kami nakapag-bonding ni mama 'e. Hindi ko pa siya nayakap. Hindi ko pa siya nakausap. Hindi ko pa siya nasabihang mahal na mahal ko siya. Andami ko pang hindi nagawa sa kaniya dahil nahihiya ako gawa nang hindi ako lumaki sa kaniya. Pero nanay ko pa rin naman 'yon 'e, nandoon pa rin naman ang pagmamahal ng isang anak sa ina kahit hindi ganoon kalapit sa isa't-isa.
Dumating kami sa morgue at nakita ko si papa sa labas nakaupo. Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya.
"Hindi na makakapasok anak. W-wala na siya. Kahit naghiwalay kami, siya pa rin anak. Mahal na mahal ko pa rin mama mo, nak. Hindi ko nga kinaya ang pagkahiwalay namin, paano pa kaya na tuluyan na siya talagang nawala sa buhay natin?"
Kita sa mga mata niya ang sakit. Wala akong magawa kundi yakapin lamang ito. Hindi ko alam na ganito niya pala kamahal si mama. Naghiwalay sila dahil palagi na lang nag-aaway. Hanggang sa may nakilala si mama, at pinaubaya na lang na lang siya ni papa dahil gusto niya lamang maging masaya ito. Pero hindi ko alam na hindi niya pala kaya. Sobrang strong ni papa 'e. Kung makikita mo walang problema ito. Gano'n siguro no, sa sobrang lakas ng tingin natin sa mga tao, hindi na natin sila maisipan na may pinagdadaanan pala.
"Paa, nandito lang ako."
Niyakap ko siya nang napakahigpit. Habang nag-iiyakan kami ay nakita ko sa gilid si Sofie, ang kapatid ko. Nakatingin lang ito sa akin at umiwas ng tingin kaagad.
Kasama niya pala ang stepfather niya at stepsister niya.
Kumawala na ako sa yakap at pinuntahan si Sofie. I tried to reach her hand but she refused it.
"S-sofie... ako 'to... ate mo." Ngumiti ako sa kaniya.
Sofie is just 4 year old when my parents decided to divorced. And I was 8 years old back then. Hindi ko alam kung naaalala niya ako ngayong 14 na siya at 18 na ako.
"Alam ko. Kini-kwento ka sa akin ni mama."
Lumapad ngiti ko at niyakap siya. Kahit na nakikita ko siya sa parallel world ay hindi ko pa rin magawang hindi siya mamiss. Mukhang napakatahimik niya tignan. Wala sa personalidad ng Sofie na nakilala ko doon.
"Sama kana sa amin ha?"
Nang pagkasabi ko no'n ay tumingin siya sa papa niya.
"N-no."
"Anak.." magtatanong pa sana ako ngunit nagsalita na si papa. He excused us and we talked far from them.
"Ayaw siya ibigay ni mama mo sa atin."
"Ha? Bakit?" Nagugulohan kong tanong. "Wala na si mama sa kanila, pa, hindi ko naman kayang hayaan na alagaan nila si Sofie na wala si mama—"
"Kasi anak, sobrang mahal na mahal siya ng daddy niya. At 'yan na lang ang natitirang alaala ng mama mo sa kanila."
I scoffed.
"Pero dad, hindi bagay si Sofie. Tao siya. Kapatid ko siya. Anak mo siya. Tayo 'yong totoong pamilya. Paano kung alilain siya doon? Sasaktan? Ano? Wala tayong magagawa dahil hindi natin malalaman kasi malayo siya."
"Hindi anak. Ayaw rin kasi ni Sofie sumama sa atin. Mahal na mahal siya doon anak. Nasanay na siya doon."
"Mahal na mahal din natin siya ah. Edi pasanayin sa atin."
Yumuko na lang si papa. Madami pa kaming napag-awayan at napag-usapan hanggang sa napapayag na lang ako. Wala na akong magawa 'e. Mismong kapatid ko ayaw samin.
Napag-alaman ko na cardiac arrest pala kinamatay ni mama. Sobrang bata niya pa. She is only 46 years old. Hindi talaga natin malalaman kung hanggang kailan lang tayo.
"Kumain kana."
Tinignan ko si Asher na pinagluto ako ng cup noodles. Pinauwi muna ako ni papa dahil mag-aasikaso pa sila ng libing at kung ano pa kailangan asikasohin. Asher had been there since afternoon 'til now. Kanina ko pa siya pinapauwi pero siya 'tong ayaw dahil hindi niya raw kayang iwanan akong ganito.
"Thank you, ha? Salamat kasi nandito ka. Alam kong hindi naman tayo gano'n ka close—"
"Sshhh. Just eat it first." He smiled at me.
He grabbed the bottle of water then opened it for me. Nilapag niya sa tabi ng pagkain ko at umupo siya.
"Don't mind me. I'm full. Mind yourself for now cause you need strength."
Hindi niya alam na isa siya sa nagbibigay lakas sa akin ngayon.
"Nahihiya ako sa'yo," ani ko pagkatapos kong kumain.
"Why?"
"Kasi heto nga, ikaw pa 'yong nakasama ko sa ganitong sitwasyon. Never naman tayo nagkasama o kausap man lang kaya sobrang nahihiya ako dahil ito 'yong una, tapos kailangan mo pa akong damayan."
He shrugged.
"You know what, it's not about how long you've been into with that person, but it's all about you care for each other, how you give sympathy for each other. Wala 'yan sa pinagdadaanan, nasa tao 'yan."
Ha? Anong ibig niyang sabihin?
"Heather!" Napalingon ako sa pinto at nakita si Logan tumatakbo papunta sa akin. Hindi pa ako nakapagsalita ay niyakap niya na ako nang sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.
"Logan..." I pushed him a little. "Hindi ako okay pero okay lang ako."
"I was looking for you. After the dismissal, I went right here, but I couldn't find you. Hindi rin kita ma contact. Hanggang sa hindi ko napigilan sarili ko na tumawag sa papa mo, at sinabi niya sa akin ang nangyari," diretsong paliwanag nito.
Magbibitaw pa sana ng mga salita ito ngunit nabaling ang atensyon niya kay Asher. Tinignna naman kaagad ako ni Asher at tumayo.
"Gonna go home. Good bye."
Hindi niya na hinintay sasabihin ko at umalis na ito nang tuluyan.
"Salamat, Asher," tanging sambit ko na lang pagkatapos makita siyang lumaho.
"So, you both are close na?" I glanced at Logan.
"Yieee, congratulations! Napansin ka na ng taong gusto mo!"
Ngumiti ako ng peke dahil ramdam ko rin ang pagkapeke nito.
"Sakto lang na siya 'yong nandyan kaya sinamahan niya ako."
Niligpit niya pinagkainan ko nang tahimik. Ilang minuto rin ang katahimikan bago siya nagsalita.
"Matulog kana. You need rest for tomorrow. I'm gonna tell our teachers that you're excused."
Tumango lang ako sa kaniya at umakyat na ng kwarto. Tinapon ko sarili ko sa kama at tumingin sa ceiling.
"What a great day," I sarcastically said and closed my eyes.
Tatlong araw na simula nang nangyari sa akin ang ganoong klaseng trahedya. Nailibing namin nang maayos si mama at hindi talaga sasama si Sofie sa amin. Si papa ay ganoon pa rin, ramdam na ramdam mo pa rin ang bigat na dinadala niya. Sometimes, pinipilit niya naman ngumiti pero nagkakaroon lang ng patak na luha sa kaniyang mga pisnge.
Tatlong araw na rin hindi ako pumasok. Tatlong raw na rin na wala akong balita kay Heather sa parallel universe. Buti pa siya doon, kompleto pa pamilya niya.
Bumaba na ako ng hagdan at nakita sila papa at Logan na kumakain. Logan is close with my papa. No wonder why he is always here.
"Anak, kumain kana. Pinagluto ka ng mommy ni Logan."
Lumapit ako sa kanila at nakitang may sisig.
Maling timing na naman. Hindi ako 'yong Heather na kumakain ng sisig.
Buti na lang may adobo at 'yon na lang kinain ko. Pagkatapos kumain ay lumabas ako para ihatid si Logan sa gate.
"Maraming salamat, Logan. Sabihin mo kay tita na sobrang sarap ng luto niya." Ngumiti ako at kumaway.
"No worries! Magpalakas ka dahil namimiss na kitang asarin!" Sigaw nito at tumawa na lang ako. Sinirado ko na ang gate pero hindi pa ako pumasok ng bahay. Umupo pa ako malapit sa pinto namin dahil may one step na hagdan pa ito.
Sa loob ng tatlong araw hindi nga ako inasar ni Logan. Dinamayan niya talaga ako. Pagkatapos ng klase ay dito siya pupunta para dalhan ako ng pagkain. Tapos pag-gabi naman ay ihahatid niya ako sa pinaglamayan ni mama. Gano'n palagi routine namin. Umaga ay nandito ako para maligo at magpahinga, sa gabi naman ay pupunta naman ako sa lamay para magpuyat at tumulong sa kanila.
Papasok na ako bukas dahil sa malamang sa malamang, andami ko ng quizzes namissed.
Kamusta na kaya si Asher? Asher doon sa Parallel, at Asher dito sa earth.
Nakita ko na lang sarili ko na lumalakad papunta sa likuran ng bakuran namin, papunta sa portal. Bukas pa kaya ito hanggang ngayon?
Hinawakan ko ito at ngumiti nang maramdaman na nandito pa. Papasok na sana ako ngunit biglang may nahulog mula sa bintana ko.
At may nakita akong puting kuting na naglalakad. Oh, it's so cutee!!!
Tumakbo ako sa loob at tinungo ang kwarto. Hindi naman siya nakakalayo sa bintana kaya kaagad ko itong kinuha.
"Nasaan mommy mo little kitten?" Tanong ko sa kaniya as if naman sasagot.
"Meow."
Sumagot nga!
"Asan?" Tanong ko ulit at tumawa.
Nilibang ko na lang sarili ko hanggang sa nakatulog. Kinaumagahan ay maaga pa akong naghanda dahil papasok na ako.
I went to school earlier as before. As usual, kahit absent ako ng ilang araw walang magtatanong sa akin kung bakit kasi wala naman akong kaibigan.
"Besssssh! Namiss kita!!!"
Nagulat ako sa biglaang pagtalon ni Olivia sa akin. Aakmang itutulak ko na siya sana kaso hinayaan na lang dahil sobrang sincere naman nang pagkayakap niya sa akin.
"Gosh! Wala akong may mapagkwentohan dito kasi wala ka! Andaming gustong makipag-kaibigan sa akin pero hindi ka malalamangan 'no!" Tumawa siya.
"Sana okay ka lang." Nag pout ito.
"At sana si Logan okay rin."
Ang harot pa rin.
Nakita ko si Asher na papalapit sa amin dito. Napangiti ako at tinawag siya.
"Asher!" My smile went bigger as I waved my hand.
Pero tiningnan niya lang ako at iniwas ang tingin kaagad. Then, nilagpasan na parang hindi niya ako nakita't narinig.
"Awww. Okay lang 'yan besh, ganoon din ako kay Logan. Bakit kaya hindi nila tayo pinapansin?"
Hindi. Pinansin ako ni Asher noong araw. Dinamayan pa nga ako 'e.
Tinignan ko lang siyang nilapag bag niya at umupo. Andami pang sinasabi ni Olivia pero hindi ko magawang makinig sa kaniya.
Ano 'yon, Asher? Kilala mo ako sa labas, dito hindi? Grabe ka ha! Akala ko pa naman magkaibigan na tayo.
Nangilid mga luha ko.
Bago pa pumatak ito ay pinunasan ko nang pasimple.
Pumasok ako sa classroom dahil nandiyan na prof namin. Buong klase hanggang uwian ay wala akong maintindihan. Wala akong ginawa kundi intindihin ang sakit nang nararamdaman ko. Mukha akong tanga kanina. Ang sakit lang.
"Uy, kanina ka pa tulala."
Hindi ko pinansin si Olivia at dumiretso na kaagad sa restroom. Tinignan ko mukha ko na mukhang naiiyak. Napatawa ako nang mahina. Bakit ako nag-ooverthink ngayon? Baka hindi niya lang siguro ako nakita.
Inhale. Exhale.
Kinuha ko liptint ko at naglagay ng konti sa labi. Nagpulbo din ako para magmukhang fresh. Nang lumabas ako sa banyo ay sakto rin paglabas ni Asher sa men's cr. Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. Kaya nginitian ko siya at binati.
Kaya mo 'to, Heather.
"Asher! Thank you nga pala ha."
"For?" Nagsimula siyang maglakad kaya hinabol ko siya.
"For being there when I need someone to talk to. I really appreciate you, let's go out? Gonna treat you a meal lang for appreciation. Umalis ka kasi kaagad, hindi man lang ako nakapagpasalamat," ani ko habang hinahabol pa rin siya.
"That's a human basic decency. You shouldn't adore someone who do that for you."
Ha?
What does he mean?
"Hindi kita maintindihan." Tumawa ako ng pilit.
"Obviously, I was there because I have no choice. Ang bastos naman siguro 'pag iniwan kita knowing that you have no one there."
Napahinto ako sa paglalakad.
Wow! Just wow!
So hindi niya pala ginusto ang pagsasama sa akin. Ginawa niya pala 'yon dahil tao siya? Wow ha.
"As if naman, kailangan ko ng companion mo!" Sigaw ko na siyang ikinahinto niya.
"Pero salamat pa rin ha?! Salamat sa pagiging makatao!"
Then I ran away from him and cried.
Tangina naman neto.
Bakit tuloy-tuloy ang pagbibigay sa akin ng sakit? Do I deserve this pain?! Pucha naman oh!
Nakita ko na lang sarili ko na pumasok sa portal. I saw Heather's mom cooking so I hugged her tightly. Nagulat ito sa ginawa ko pero niyakap niya lang ako. Mas lalo akong humagolhol sa iyak nang ginawa niya ito sa akin.
"Maaaa!" I cried horribly like a baby.
Nakita ko si Heather na papasok na sana nang kusina pero bigla itong umatras at nagtago. Then, I saw her hand signaling upstairs. Umalis ito at umakyat.
"Baby may problema ba? Tell me..." ani ni mama habang yakap-yakap ko pa rin.
"Ma.. please. Just for a second let me hug you." Mas lalo kong hinigpitan yakap ko at nilakasan iyak ko.
Mom is all I ever need. After a long stress day, uuwi at uuwi pa rin ako sa braso ni mama. Iba pa rin ang pagmamahal ng isang ina 'e. Subalit hindi na 'yon mararamdaman dahil wala na akong mama... at nakikihiram lamang.
"Mahal na mahal kita, ma."
"Of course, mahal din kita."
We stayed there for a longer time.
Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ni Heather. I saw her sitting on her bed, cleaning her nails.
Tumayo siya nang makita ako.
"Payag na ako sa deal. Let's do the life swap."