Kabanata 3: Tukayo

1423 Words
“Ilang beses nang may babaeng naglingkod sa ating paaralan. Tingnan ninyo ang pinaggagawa nila, puro lang sila pagpapaganda. Hindi sila nakakakilos nang maayos. Mabuti na lang dumating si Mr. Galleme bilang Presidente. Siya mismo ang kumikilos sa mga bagay-bagay. Bagay na naging inspirasyon sa akin upang magnais na maging isang Presidente ninyo. Kapag lalaki ulit ang gagawin ninyong presidente. Asahan ninyo na lalong aangat ang ating paaralan sa iba’t ibang larangan. Sabay kong ilulunsad ang mga bagay na mag-uudyok sa tulad kong estudyante na mag-aral kaysa magbulakbol. Una na riyan ang pagpapatupad ko ng libreng wifi para sa lahat. Para sa madaliang paraan ng pag-aaral.” “Free wifi? Para ano? Para madali ninyong magawa ang mga kabulastugan? Para madali kayong makapag-cheat kapag exam? Para imbis na pag-aaral e, mas uunahin pa ninyo kung ano ang i-po-post ninyo sa social media ninyo? Mayroon tayong Computer Laboratory at mayroon ding library. Sapat na ang mga iyon kung gusto mo talagang mag-aral. Ano nga bang alam mo sa mahalaga at hindi, e hindi nga ba't mahilig ka lang namang manggamit ng babae, tapos kapag nakuha mo na ang gusto mo, itatapon mo lang din?" Alam kong masyadong maanghang ang pinakakawalan kong mga salita sa kanya. Ginagalit niya ako, matapos niyang kwestyunin ang p********e ko? Na mas marami raw ang nagagawa ang lalaki kaysa babae kaya kailangan siya ang iboto? This is girl power empowerment. “Relax. Ang gusto ko lang naman e, Free Wifi para hindi na magkaugagang pumila sa Computer Lab at Library. Bukod sa hassle free, madali pa nating nakukuha ang tamang sagot. Bukod doon magkakaroon pa tayo na pampatanggal stress kakalaro ng ml, chat with friends, t****k…” “See? Nahuli rin kita. Gusto mo ng Free Wifi para maglaro. Sa bagay, puro lang naman laro ang nasa utak mo. Kung gusto mo ng laro. Pararamihin natin ang mga gamit na sports. Para hindi nag-aagawan. Iiba na rin natin ang laro at pag-aaral. Ibabawal na natin ang mga bola sa loob ng classroom at labas ng classroom. Tanging sa lugar lang ng palaruan ang mga bagay na panlaro. Hindi iyong naglalakad ka lang dala ang importanteng mga bagay, tapos paglakad mo ay mabubundol ka lang dahil daw sa rumaragasang bola? Kasalanan pa ng bola? Bilang isang magandang leader, dapat maganda ka ring ehemplo. Hindi iyong ikaw pa mismo ang una sa gulo. Hindi ba, Mr President?” Gusto ko talaga siyang sampalin kapag biglaan na na siyang ngumingisi kapag nagagalit na ako. Ginagalit niya ba talaga ako? Ang swapang lang e! “Okay. Tukayo, I’m really sorry. Hindi ko naman sinasadyang matamaan ka. Alam mo, I am trying to be a good person. Yes, naging barumbado ako noon. Oo, marami akong nagamit na babae noon. Tama ka rin, naging adik akong uminom ng alak at maghithit ng sigarilyo. Oo na, palagi akong umaalis kahit may klase. Mahilig akong mag-cutting class. Yes! Tama, marami akong failing grades. Pero, dati iyon. That was a year ago. Sa pagtungtong ko ng third year, sinusubukan ko nang maging matino. Marami na akong iniwasan to be a good person. Gusto kong patunayan na people change for a better. Kaya sa tulad kong mga estudyante, kung kayo man ay nalululong sa mga bagay na pinagdaanan ko na. I’m standing in front of you. This is a change. From patapon to bumabangon. Lalaban tayo!” _ NAGISING ako buhat sa isang matinding alaala. Napanaginipan ko na naman kung paano ang naging sagutan naming dalawa sa nangyaring debate. Hindi ko lubos akalain na mananalo siya gayong wala naman siyang gaanong napatunayan. Nagdrama lang naman siya bigla tapos nanalo na siya? Ibinoto lang siya hindi dahil deserving siya, kundi dahil madrama ang buhay niya. Ganoon na ba talaga kung bumoto ang tao ngayon, hindi na nila pinapansin kung sino ang may magagawa? Accomplishment ko pa lang, wala na talagang panama ang lalaking iyon. Pagbabago raw? Hays! Kahapon, pag-uwi ko ay agaran na akong natulog. Umiwas ako kina mommy at daddy dahil wala akong maisip na idahilan, kung bakit natalo ako? Mapapatay ako nito ni dady. Mabuti na lamang talaga at absent siya, habang inaanunsyo ang aking pagkatalo kundi malalagot na naman ako. “Buti naman at gising ka na,” bungad ni daddy nang makita akong pababa sa hagdan. “Alam mo, mahuhuli ka na. Siguro, kaya hindi ka nanalo e. Kasi, pagbubulakbol na naman ang inaatupag mo. Nabalitaan ko mula sa kumpare ko, tinalo ka lang ng isang hindi taga-1st section. Nakakahiya ka. Kung kailan ka mag-fo-fourth year saka ka nagpatalo? Mabuti pa iyong kapatid mo, walang palya. Valedictorian mula kinder hanggang hayskul, Tapos, magna c*m laude for this incoming graduation. Ayus-ayusin mo iyang buhay mo kung ayaw mong pahintuin kita sa pag-aaral!” Ramdam ko iyong panggagalaiti ni dad habang nagsasalita, hindi pa man ako tuluyang nakatatapak sa huling baitang. Hindi siya nakasigaw pero mariin naman ang bawat bitaw nito sa mga salita at naglilitawan ang mga litid sa leeg. Nanahimik na lang ako sa halip na batiin sana siya. Kung meron man akong taong kinatatakutang makabangga, iyon ay ang dad ko. Kasi, alam ko kung paano siya magalit. Alam kong lahat ng sasabihin niya ay gagawin niya. Minsan na rin kasing bumaba ng ilang puntos ang grado ko. Last year noon. Galit na galit ako sa manlolokong nanloko kay Jeany. Pinuntahan ko ang lalaki, sinuntok at pinagalitan. Pagkatapos, ay sinamahan ko ang kaibigan ko na umiiyak. Hindi ko man lang napansin ang oras kaya nagka-absent ako. Nalaman ko na lamang na may long quiz na naganap. Kinaumagahan pagpasok ko ay may assignment at proyekto silang dala. Hindi ko man lamang nalaman. Dahil doon, maliit ang nakuha kong grado. Sinubukan kong tumungo sa guro namin sa subject na iyon. Ngunit, hindi niya ako pinagbigyan ng pagkakataon. From 95, bumaba sa 89 ang grado ko. Bagay na ikinagalit niya kaya pinagbawalan na niya akong sumama sa mga kaibigan ko. Ang paaralan ay para sa pag-aaral hindi sa kung anumang bagay. “Wala ka na talagang respeto. Kita mong kinakausap kita tapos tatalikod ka na lang bigla!” Hinablot niya ako sa kanang balikat para sana ipaharap ulit sa kaniya, ngunit dahil sa pagkabigla ko, pumiksi ako kasunod ng pagkaka-out of balance ko na ikinabundol ko nang malakas sa gilid ng counter top ng kusina namin. Gawa iyon sa ceramics at concrete ang bawat gilid, kaya napaigik ako sa sakit na naramdaman ko sa aking tagiliran malapit sa kaliwa kong dibdib. “Alvertuh!” Sabay kaming napaharap kay Mommy na kararating lang. Siguro dahil sa lakas ng pagkakaigik ko ay narinig niya iyon mula sa kusina. Nag-aalala siyang lumapit sa akin. Pinandilatan niya ng mga mata si Daddy. “Ano ba ang nangyari?” bungad niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot at dinaan na lamang ito sa paghikbi. Ayaw kong magsalita at baka pag-awayan na naman nila ito. Tapos, uuwi na naman si Kuya at papapagalitan ako dahil kasalanan ko na naman. “Kita mo na? Hindi ka niya sinasagot. Maayos ko iyang piinagsasabihin tapos bigla na lang niya akong tatalikuran? Bastos talaga. Sarap putulan ng dila. Talunan e!” Umalis na si Dad, dinig ko kung paano niya pinaharurot ang sasakyan. Ito ang pangalawang beses na hindi niya ako kasabay na papasok sa eskwelahan. Palagi kasi kaming sabay na pumapasok sa eskwelahan. Nagkataon lang na may iba siyang commitment kahapon kaya hindi siya nakapasok upang suportahan ako. Isa siyang Guidance Councilor sa aming paaralan. Nagtuturo din siya. “Hayaan mo na, anak. Kahit natalo ka, para sa akin, ikaw pa rin ang panalo,” ang malambing na boses ni Mommy ang nagpatahan sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. “Huwag kang mag-alala, Mama. Magiging first honor ako sa taong ito. Magiging valedictorian ako sa susunod na taon. Magiging magna cuml aude rin ako. Sa oras na iyon magiging proud din si Daddy sa akin,” pangako ko at sisiguraduhin kong makakamit ko iyon! Kailangan kong magsikap. Ayaw kong maliitin nila ako. Ayaw kong mapahiya ang mga magulang kung parehong guro. Ayaw kong sabihin ng mga kakilala nila, na baka ampon lang ako. Kailangan kong maging matalino. “Anak, don't stress yourself. Kung ano lang ang kaya mo, okay lang sa akin. Huwag mo nang pansinin ang Daddy mo. Mahal ka noon. Ganoon lang siya kasi gusto niyang matupad mo rin ang mga pangarap mo.” Inilapat ni Mommy ang hot compress sa parte ng katawan kong tumama sa gilid ng counter top table, matapos niyang ipaabot iyon sa housemaid namin nang ma-check niyang nagkapasa nga iyon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD