One
For almost 5 years after Cassie left the Punta Verde,hindi nya inisip na muli pa syang babalik sa lugar na ito.Umalis sya noong dala ang sugatang puso at nagpasyang lumayo para magsimulang muli.Ngayon ay nakatakda syang bumalik dahil kailangan.At sa kanyang pagbabalik ay hindi imposibleng magkita silang muli ni Edward,the man who broke her heart after cheating on her and making her believe na kasama sya sa lahat ng plano nito. Paano nila haharapin ang isa't isa pagkatapos ng lahat lahat? Nakahanda kaya sila sa presensya at damdaming maaring pukawin ng bawat isa?
Tunog ng cellphone ang gumising kay Cassie mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.She lazily stretch her body kasabay ng unti unting pagdilat ng kanyang mata.Nasa loob sya ng isang hindi pamilyar na silid.Realization came to her mind.Nasa Heaven's Paradise Hotel nga pala sya.,one of the hotel in Punta Verde that offers the best and quality service in town.The wedding of her bestfriend Jenny is the reason kung bakit sya muling bumalik sa lugar na ito.At 10:00 am ang usapan nilang magkikita para pumunta sa wedding couturier. It is 8:30 am and she only have one and a half hour to fix herself.
Wala pa si Jenny sa coffee shop kung saan sila magkikita nang dumating sya.Cassie choose the table on the left side kung saan kakaunti ang tao.
"Good morning ma'am!What's your order please?" magalang na tanong sa kanya ng waiter.
"Just coffee."she answered.Saktong pagdating ng kanyang order ay dumating na din ang kanyang kaibigan kasama ang fiancé nitong si Jake.
"Cassie... Oh my gosh..ikaw na ba talaga yan.I almost didn't recognize you.Ang ganda mo lalo ha.Iba talaga pag sikat",Jenny exclaimed. Hindi nya inaasahang ganito kalaki ang pagbabago ni Cassie sa nakalipas na limang taon.
They used to be friends since elementary days.They both came from a family with an average kind of living.Naging magkaibigan sila hanggang college. Si Cassie ay kadalasang kasama sa mga honor students at nagtapos ng kolehiyo na may karangalan.
Sa St.Catherine University kung saan sila nag aral ay walang hindi nakakakilala kay Cassie.Bukod sa pagiging matalino ay napakaganda rin nya dahil namana nya sa ama ang Spanish feature nito.
"Hey!are you with us?Baka naman gusto mong ipakilala sakin ang fiancé mo,at least formally",natatawang sabi ni Cassie na sinabayan ng mahinang hampas sa kamay nya.
"Oh.,I'm sorry..Yeah...sure...By the way.,friend... this is Jake.,my fiancé."
At lumingon kay Jake.."Hon.,this is Cassie. My one and only friend".
Nagkwentuhan pa muna sila habang nagkakape at pagkatapos ay nagmamadali nang lumabas ng coffee shop para pumunta sa wedding couturier. Pagkatapos masukatan ni Cassie ay nagyayang mamasyal at mag malling si Jenny.Kahit na medyo pagod na ay pumayag na rin si Cassie. Nagpaalam na rin si Jake na maunang umuwi dahil alam nitong maraming gustong pag usapan ang magkaibigan at gusto nya munang hayaan ang dalawa na magkasama.
Hapon na nang umuwi sina Cassie at Jenny.Talagang sinulit nila ang limang taon hindi pagkikita.Ihinatid na lang ni Jenny si Cassie sa tinutuluyan nitong hotel.
Pagdating sa Heaven's Hotel ay di pa rin nagpapigil si Jenny na sumama sa kanya hanggang sa kwarto nya.
"Cassie, can I ask you this?"ang tila nag aalangang tanong ni Jenny habang pinanonood syang nagsusuklay.
"Yes?what is it?";she answered while looking at herself in the mirror.
"What happened between you and Edward five years ago?Bakit bigla kang umalis noon 3 days before your wedding day?";ang naguguluhang tanong ni Jenny.
"Jen.,can we not talk about that? Matagal ko nang nakalimutan ang pangyayaring yun at ayoko nang balikan pa";she sighed heavily.
"Ok.,pagbibigyan kita ngayon pero make sure na sa susunod nating pag uusap ay ikukwento mo sakin lahat",paniniguro ni Jenny sa kaibigan.
Wala sa loob na lang na napatango si Cassie.She knew her friend at alam nyang hindi talaga sya nito titigilan sa kakakulit.
Alas siete na ng gabi nang makaalis si Jenny.Kung hindi pa ito tinawagan ni Jake ay hindi pa ito mapipilitang umuwi.Naghanda na rin sya para magpahinga dahil alam nyang marami pa syang gagawin bukas.Napangiti na lang sya at naiiling ng maalala nya ang pangungulit sa kanya ng kaibigan kanina lang.
Hangga't maaari ay ayaw nya nang alalahanin pa ang nakaraan.Pero ng banggitin sa kanya kanina ni Jenny ang tungkol kay Edward ay muling nanariwa sa kanya ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas.
__________________________________________
Nagmamadali sa kanyang paglalakad si Cassie.Late na sya sa susunod nyang subject.Kinailangan nya pa kasing gawin ung research nya sa library dahil alam nyang wala na naman syang panahon mamaya.Kailangan nyang bilisan kung hindi ay baka tulad kahapon ay ma-late na naman sya.Sa bigla nyang pagliko ay halos matumba sya ng mabunggo sya sa dibdib ng kasalubong nya.Nasalo naman sana sya ng lalaki pero nagkalat naman yung mga nahulog nyang gamit.Mabilis syang kumawala mula sa pagkakahawak nito sa kanya para pulutin ang mga gamit nya.
"Naman kasi....Ano ba yan?Nagmamadali na nga napatagal pa lalo."bubulong bulong na lang nyang sabi.
"What is it Miss?May sinasabi ka ba?"asked that baritone voice na naging dahilan upang unti unti syang mag angat ng paningin.
Nagulat sya ng makilala kung sino ang nakabungguan nya.Of all people ay bakit sya pa?
"Ahmmm...Sir...I mean Mr.Garcia...Ahh...Pasensya na po."nauutal nya pang sabi.Pakiramdam nya ay nag iinit at namumula ang mukha nya.Bakit hindi eh ang nakabunggo nya ay walang iba kundi si Edward Garcia...Anak ni Gov. Enrique Garcia.
Si Edward ang kanyang ultimate crush ....
or love na nga yata.Nag umpisa nya itong pangarapin noong graduation nilang high school.Nagkataon kasing si Edward ang panauhing pandangal nila noon.Subalit ang pangarap nya kasama si Edward ay nanatiling pangarap na lang.Alam nyang hindi sya nito pag uukulan ng pansin dahil bukod sa mas matanda ito sa kanya ng pitong taon ay nagmula pa ito sa mayaman at pinaka kilalang pamilya sa lugar nila.Marami daw ang nagkakagusto dito pero wala itong pinapansin sa mga yun."Maybe a typical snob...Gwapo kasi"...sa loob loob nya...
"Miss...excuse me...hey!...I said are you ok?"...ulit na tanong ni Edward sa kaharap.Anong nangyari dito at parang na mental block na.Well..looking at the GIRL in front of him...(Yes...a girl...dahil tingin nya ay napakabata pa nito)..She looks smart and beautiful...quite dignified na tila ba hindi na ito isang estudyante...
Tantiya nya ay nsa 5'1 lang ang height nito at saktong umabot lang sa kanyang balikat.Mahaba ang buhok nito na itim na itim with unruly curls sa dulo.Long and thick eyelashes... small and pointed nose...rosy cheeks that blush naturally na nakita nya kanina dahil siguro nakilala sya nito....and what caught his attention is her lips...a kissable lips for that matter... it looks full and very soft na para bang inaanyayahan syang hagkan...
"Excuse me Mr.Garcia..I have to go...Pasensya na po"...at kasabay nun ay tumalikod na si Cassie at naglakad palayo.Parang matutunaw sya nang harap harapan sya nitong titigan.
Napangiti na lang si Edward nang maalala ang ginawa nyang assessment sa babae kanina.Lumingon sya at hinanap ng kanyang mga mata ang babae pero hindi nya na ito nakita."Hayy...hindi ko man lang naalalang itanong ang pangalan"...tila may naramdaman pa syang regret dahil dun.Naglakad na lang sya ulit papunta sa principal's office dahil naalala nyang inutusan nga pala sya ng papa nya kaya sya pumunta dito.
Hanggang sa makaalis na sya sa principal's office ay hindi pa rin nya maalis sa isipan ang mukha ng babaeng naka bungguan nya...
Araw ng Biyernes ay tinapos munang lahat ni Cassie ang mga gagawin nya.Ginawa nya na sa library ang kanyang mga research report at nag edit na rin sya ng mga write ups na ipa-publish sa kanilang school paper.Paglabas nya sa building ay saka pa lang nya nakitang malakas pala ang ulan.Nagmadali sya sa paglakad para makarating agad sya sa may sakayan.Nasa may gate pa lang sya ng university ay natanaw nya nang ang dami ng tao na naghihintay.
"Hop in...Ihahatid na kita"...
Nagulat pa sya ng biglang huminto sa tapat nya ang isang sasakyan...A Midnight Blue Ferrari...
"Naku Sir wag na po.Ok lang po ako dito.Maghihintay na lang po ako sa may sakayan."ang nahihiyang tanggi ni Cassie kay Edward.
"Common..malapit nang dumilim at masama ang panahon.Mahihirapan kang sumakay sigurado.Halika na"...pamimilit ni Edward.
"Sir,ok lang po talaga ako dito.Thank you na lang po pero sanay naman po akong naghihintay ng masasakyan kaya wala pong problema"...
"I don't take no as an answer.Isa pa hindi safe ang maghintay dito ng masasakyan pag ganito ang panahon especially when you're irresistibly beautiful...Miss???",sabay tingin sa kanya na para bang hinihintay nitong ipakilala nya ang sarili.
Muli nyang nilingon ang waiting shade kung saan naghihintay ang maraming pasahero.Mukhang matatagalan nga sya kung makikipag matigasan pa sya kay Edward.
"Ok sir...siguro nga po ay tama kayo.",sagot ni Cassie.Akmang bubuksan ni Edward ang sasakyan subalit naunahan nya na ito.Nagmadali na syang pumasok dahil mas lumalakas pa ang ulan.
Habang daan ay tahimik lang si Cassie.Alam nyang paminsan minsan ay sinusulyapan sya ni Edward.
"Would you mind if I ask your name? Parang unfair naman kasi na kilala mo ako while I don't even know yours."Edward said while looking at her.
"Naku Sir..hindi na naman po siguro kailangan.Besides ngayon lang naman po ako sayo makikisabay.Hindi na po mauulit.Tapos marami naman po talaga ang kilala kayo na hindi nyo naman din kilala"..mabilis na sagot ni Cassie na hindi man lang tumitingin dito.Nahihiya sya at parang nagsisi pa tuloy sya na pumayag sa alok ni Edward na ihatid sya.
"Then if thats the case.,maybe I'll just prefer to call you sweetheart. Ayaw mo kasing magpakilala eh".,tatawa tawang sabi ni Edward.
"Ha?Ay naku wag po sir.Ok po..sasabihin ko na lang.My name's Cassandra Alvarez."
"Ah..I see...Cassandra...Cassandra....I like your name, masarap bigkasin."
"But my friends call me Cassie..So you can call me Cassie,too."
"Meaning, we are friends?"...tanong ni Edward at matiim syang tinitigan.
"Oo naman sir..We can be friends too"..she answered without hesitation.
"But I want us to be more than friends.And I don't like it when you call me Sir.Parang ang tanda ko na"..patuloy nito habang nakatitig pa rin sa kanya.
Siya na lang ang nag iwas ng tingin dahil pakiramdam nya ay matutunaw sya sa mga titig nito at halos mabingi na sya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
"Sir I am only twenty and I'm sure mas matanda po kayo sakin.Mas formal din po kung Sir ang itatawag ko sayo."pagpipilit pa rin nya.
"Sandy,sabi ko I want us to be more than friends. So ngayon pa lang mag isip kana ng itatawag mo sakin.Pwede mo akong tawaging Edward...But I'll like it better if you're going to call me Love...Honey...or Babe..Whatever suits you,bahala ka.",tatawa tawa nitong sabi at nag focus na sa pagdadrive bagamat paminsan minsan ay sinusulyapan sya.
Did he just call her Sandy?Sa dinami dami ng kaibigan at kakilala nya ay wala sa kanyang tumawag ng ganoon.But infairness naman,parang kinilig sya sa tawag nito sa kanya."Will you stop that...nangangarap ka na naman"saway ng isip nya...Tumuwid sya ng upo at huminga ng malalim.Parang pakiramdam nya ay nasisikipan sya.
"Hindi ko alam kung ano ang ibig nyong sabihin Sir.And why would I call you by endearments ganong hindi naman tayo magkaano ano",mataray nyang sagot.
"One more "Sir" and I'll kiss you Sandy.Ganun ba kahirap ang hinihingi ko?",tila naiinis na ring tugon ni Edward. At ihininto ang sasakyan nito sa tabi ng kalsada.He faced her and look into her eyes intently.
Kasabay nun ay yumuko sya at hindi na nagsalita.After a few minutes she look at him only to find out na matiim pa rin sya nitong tinititigan.Then he moved closer.
"When I saw you for the first time, I knew I liked you then...I want to get to know you better.I don't know how to explain it pero gusto kitang nakikita lagi."..
Hindi rin alam ni Cassie ang mararamdaman nya ng mga sandaling yun.Hindi nya alam kung saan patungo ang sinasabi nito.His next words made her stock-still with eyes wide and heart pounding against her chest that she felt it would burst anytime.
"Maybe I love you Sandy...I don't know...I'm not yet sure...But believe me please,..from that day na nagkabanggaan tayo,hindi ka na maalis sa isip ko.Gusto kitang makilala ng lubusan.Gusto kitang makasama.So please..give me a chance."seryoso at madamdaming pahayag nito.
Hindi sya makapaniwalang ang ultimate crush and love nya ay nandito kasama nya at humihingi sa kanya ng pagkakataon to prove his intention to her.Gusto nyang kurutin ang sarili nya para malaman kung nananaginip ba sya.
Hindi pa sya nakakabawi sa pagkabigla. At nagulat pa siyang lalo when Edward imprisoned her in his arms.Then he was kissing her temple...her nose...her eyelids...her cheeks...
"Sandy please...Give me a chance to prove you that I Love You".
His mouth moved to kiss her fully.,his tongue plunging between her lips.At ang kamay nito'y umangat mula sa balikat nya at pumaloob sa buhok nya,his fingertips massaged her head with an almost hypnotically erotic action that her body's responses amazed her.
She'd never felt anything like this before.Heat and excitement rushed through her,combined with a momentary compulsive urge na pakawalan ang anumang matinong kaisipan at magpaubaya.For her,it was a dream come true.To be hugged and kissed by this man na matagal nya nang pinapangarap.
Unti unti ay tumigil si Edward at bahagya syang inilayo.Bagamat kita kita pa rin sa mata nito ang apoy ng pagnanasa dahil sa nangyari.
"Sandy.,I'm sorry for taking advantage on you.Alam kong mali but I can't help it.But I want you to know that I am not sorry for kissing you"
"Edward... Ahh...I...",she was speechless. She don't know what to say.Her knees felt so weak and she's trembling kaya dahan dahan ay sumandal sya.Parang kaybilis ng mga pangyayari.What now?Anong sasabihin nya kay Edward?
Hanggang sa maihatid sya ni Edward sa kanila ay nanatili syang tahimik.
Kinabukasan ay hindi na sya nagulat ng paglabas nya sa gate ng university ay nandun na si Edward at naghihintay.Mabuti na lang at hindi nya kasama ang kaibigang si Jenny dahil may practice pa ang Dance Troupe nito,kung hindi ay siguradong uulanin na naman sya ng tukso mula dito.Alam kasi ni Jenny ang matagal nya nang damdamin kay Edward.
Pagkagaling sa university ay niyaya muna sya ni Edward na kumain at mamasyal.Gusto nyang tumanggi pero alam nyang hindi naman sya nito papayagan.Isa pa ay gusto nya rin namang makasama ito.Alas siete na nang magpasya syang yayain na si Edward na umuwi.Gabi na at baka nag aalala na sa kanya ang mga ksama nya sa bahay.
Habang nasa daan ay tahimik silang dalawa.Tila ba naghihintay lang kung sino sa kanila ang mauunang magsalita.Si Edward ay abala sa pagmamaneho samantalang si Cassie ay nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Sandy...
"Edward....
Magkasabay pa nilang sabi...
"Ok..you first...what is it?";si Edward kay Cassie.
"Ahm...nothing. I just wanna thank you sa pagsundo sakin".
"Wala yun.I am happy doing this for you Sandy.Besides sinadya ko talagang sunduin ka ngayon.I'd like to inform you that there'll be a party sa bahay this coming Sunday.It's my mother's birthday. And you're invited so please come, ok?",mahabang paliwanag ni Edward.
"Ha?Edward ano naman ang gagawin ko dun?Besides nakakahiya."tanggi ni Cassie.
"Papa told me to bring my special someone.And that is you,alam mo yun.Pagkakataon ko na din para ipakilala ka sa kanila",at makahulugan sya nitong tiningnan.
"And why are you going to do that?",nalilito nyang nilingon si Edward
"Sandy kailangan kang makilala ng pamilya ko.You're my girlfriend kaya natural lang na ipakilala kita sa kanila at makilala mo din sila.";ang madiing pahayag nito.
"Girlfriend??? Ako???Edward hindi mo ako girlfriend ok?",nagulat na sagot ni Cassie bagamat sa sarili nya may dalang kilig ang ideyang yun.
Hindi nagsalita si Edward bagamat matiim sya nitong tinitigan.Maya maya ay may sumilay na pilyong ngiti sa labi nito.Napabuntong hininga naman si Cassie dahil doon."Why do you have to look so handsome Edward?Kinikilig lalo ako sayo pag ngumingiti kang ganyan!..",kausap ni Cassie sa sarili nya.Namalayan nya na lang ay iba na pala ang daang tinatahak nila.
"Wait...saan tayo pupunta Edward?Pls.ihatid mo na ako sa amin.Baka nag aalala na sila sakin."
"May dadaanan lang tayo saglit,ok?And promise... Hindi tayo magtatagal."at muli na naman itong ngumiti sabay kindat sa kanya.Napatango na lang si Cassie at hindi na tumutol pa.
Tumigil sila sa isang burol at naunang bumaba ng sasakyan si Edward. Umikot ito sa kanya at pinagbuksan sya ng pinto at inalalayan sya nitong bumaba.Nakita nya ng maglakad saglit si Edward at sumandal sa may unahan ng sasakyan nito.
"Anong gagawin natin dito?",tanong nya na naguguluhan.
"Nothing. I just wanna spend more time with you...Come here",at inilahad nito sa kanya ang kamay para lumapit sya.Unti unti naman ay humakbang sya palapit dito.Hanggang sa halos magkadikit na ang kanilang mga braso.Hinawakan nito ang kanyang kamay at hindi naman sya tumanggi.
"Ano ka ba?Ilang oras na tayong magkasama diba?",mahina nyang sagot na hindi tumitingin dito.
"Sandy kahit siguro maghapon pa kitang kasama ay kulang pa rin.Hindi ko alam,but masaya ako pag nakikita kita...pag nakakausap kita."and gently he touch her cheeks..then slowly he lifted her chin for her to look at him.He gazed at her intently. Their eyes met..."If only I can be with you every single minute gagawin ko.Gusto ko ako lagi ang kasama mo.Now I am very much sure that I Love you...And I want to spend the rest of my life with you.",mahaba at madamdaming pahayag ni Edward. Now she didn't know what to say...She was speechless and at the same time sobra ang kabog ng dibdib nya.
"Ah..I...I don't know what to say...",wala sa loob na nasabi nya.
"Sandy.,look.Alam kong masyado akong mabilis but I can't wait any longer.Promise gagawin ko lahat..Pasasayahin kita lagi..Hindi kita sasaktan..And I'll do everything just to make you fall inlove with me."
"Edward,maybe I need to tell you this.."nakayukong sagot ni Cassie."Honestly...I don't know what to feel right now.Naguguluhan ako but I'll admit masaya akong kasama ka.Pero hindi ko maiwasang matakot.Edward, ang akala ko noon hanggang pangarap lang kita.Alam ko langit ka at lupa ako kaya imposibleng mahalin mo ako.Tinanggap ko na sa sarili ko na kailanman ay hindi pwedeng maging tayo dahil magkaiba tayo ng mundo.Noong makita kita sa graduation namin nung high school,nag umpisa na akong hangaan at pangarapin ka.Until that admiration turn into love...Oo...mahal din kita pero natatakot akong masaktan",at hindi nya mapigilan ang pagpatak ng kanyang luha.Sobrang saya nya dahil kay Edward.
"Really?Talaga?Mahal mo rin ako?Yesss!!!!Yesss!!!!Wooohhhh!!!!!!!!!!Sandy you just don't know how you made me happy.This is the happiest day of my life";binuhat sya nito at inikot.Pagkatapos ay niyakap sya nito ng napaka higpit.Gumanti naman sya ng yakap.It feels like home na magkayakap sila ni Edward. Halos ayaw na sya nitong bitawan.
"I love you so much Sandy".
"I love you too,Edward".
And they sealed it with a kiss....She closed her eyes when Edward kissed her on the lips....gently touching her like a butterflies wings...urging her to open her mouth...She can't help but respond wantonly...And then the kiss deepened.
Naunang bumitaw si Edward at bahagya syang inilayo nito."Whoa...we better stop this while I can.."sabi nito at sa halip ay masuyo sya nitong hinila at muling niyakap ng mahigpit.Gumanti na lang sya ng yakap dito at nanatili sila sa ganoong ayos ng ilang minuto.And when Edward let her go,he kissed her on her forehead.
Si Edward na ang nagyayang ihatid sya pauwi.Habang nagmamaneho ito papunta sa kanila ay hindi nito binibitawan ang kamay nya.."Gosh...how sweet of him naman",saloob loob nya...Pagdating sa kanila ay hinintay muna sya nitong makapasok bago ito umalis.