Four

3388 Words
"Hello..It's nice to meet you Yvette",she said giving the woman a genuine smile.Ramdam nyang hindi totoo ang pakunwaring pagbati lang nito sa kanya. "It almost shocked me to learn that you're Edward's new girl..I mean...knowing him,..hindi ko alam kung kaya ba syang pakibagayan ng batang katulad mo.",she raised her brow while surveying Cassie.Halatang may gusto pa sana itong sabihin subalit naputol nang lumapit si Donya Benita sa kanila Sinamantala naman ni Edward ang pagkakataon at niyaya syang magsayaw. "I'm sorry for that babe.Yvette is the only daughter of Mr.Villarama kaya siguro ganun.Lumaking spoiled brat",si Edward then he shrugged his shoulders. "It's ok.",aniya na yumuko."Siguro talagang close lang kayo kaya ganun sya". "But she's a good friend and she's very sweet and caring.I remember her bringing me food everyday when we're in college.And....she's also very good in cooking",tila balewalang kwento ni Edward sa kanya. Hindi nya maiwasang makaramdam ng panibugho sa ginawang pagpuri ng binata kay Yvette. Pinilit nyang huwag rumehistro yun sa mukha nya dahil ayaw nyang mahalata sya ng kasintahan. "Really.",wala sa loob nyang sagot."Can we take a seat?Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko". "Sure...Ok ka lang babe?Parang namumutla ka yata",Edward ask her worriedly. Inalalayan sya nito papunta sa upuan. "Yes,ok lang ako.Medyo nakaramdam lang ako ng hilo",wika nya sa kasintahan. "Halika,mabuti pa pumasok muna tayo.Baka pagod lang yan babe.",ani Edward at inakbayan sya papasok ng bahay."Do you want to rest? Doon ka na muna sa room ko para makapag pahinga ka". Hindi na tumanggi pa ang dalaga.Bigla na lang ang pagsama ng pakiramdam nya na sinabayan ng pagkahilo.Lihim syang napangiti.Katulad nya rin ba ang anak nya na nakaramdam ng magkahalong pangamba at panibugho sa presensya ni Yvette? Pagdating sa kwarto ay inalalayan sya ni Edward humiga.Gusto sana sya nitong samahan subalit pinilit nya itong bumalik sa party.May nais syang ipagtapat sa binata pero makapag hihintay yun hanggang sa pag uwi nya mamaya.Mas kailangan muna nitong bumalik sa labas para asikasuhin ang mga bisita. "Iho...Where have you been?Hinahanap ka ni Mr.Villarama at nais ka daw makausap.Nasaan nga pala si Cassie?",tanong ni Donya Benita nang masalubong sya malapit sa garden. "Sinamahan ko si Cassie,..Mama.Nandun muna sya sa kwarto ko para magpahinga.,biglang sumama ang pakiramdam eh",paliwanag ng binata.Lumakad na sya diretso palabas ng bahay kung saan nagaganap ang party. ____________________________________________ It's almost 12:00 midnight nang matapos na tuluyan ang party.Edward went straight to his room to check on his fiancée. Naisip nyang pag dinatnan nya itong natutulog na ay tatawagan nya na lang sina Mang Diego para ipaalam na hindi nya maihahatid ngayon ang dalaga.Ayaw nya na itong gisingin para makapag pahinga ito ng maayos.Kanina ay namumutla ito at nanlalamig ang katawan. Subalit pagdating nya sa kwarto ay inabutan nya itong gising at nakaupo sa kama.Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa unan. "Babe!...Are you ok?",he asked worriedly. He frowned his forehead when he noticed that she looks pale."Kumusta ang pakiramdam mo?",then gently he pulled her close to him.She's trembling.., he noticed. "I'm better.",she answered weakly.She suffered from dizziness and nausea at kauupo nya lang halos ng dumating si Edward."Maybe it's just normal on my condition",halos bulong na lang nyang dugtong sa sinabi. "Babe...hindi normal na....Wait!..What did you say?Condition? What do you mean?",he confusedly look towards her. "Ahhmm...I'm not yet sure but maybe...",parang hindi nya yata alam kung pano sasabihin sa binata ang kalagayan."Just maybe...."... "Maybe what.?Common Babe..tell me",he interrupted her.Bakit ba kasi hindi pa sabihin ni Cassie kung anuman yun. "Maybe I'm pregnant",her voice just above the whisper when she say that. He's not sure what to feel first because of her revelation. Basta ang alam nya napakasaya nya.He's going to be a father soon. "You mean.....?I'm going to be a father soon?Yessss....Yesssss....",hindi nya mapigilan ang saya at excitement dahil sa nalaman."Oh Babe....you don't know how you made me so happy.Ito na ang pinaka masayang birthday ko.And this is the best gift I ever had",he hugged her while raining gentle kisses on her forehead.The feeling was overwhelming. Soon they'll become a real whole happy family.He's almost teary-eyed at the thought. "But we're not yet sure about it.,Edward.",wika ni Cassie at bahagyang tinitigan ang binata.Happiness and excitement were written all over his handsome face. "We are sure about that.And I'm very much sure about that.Nararamdaman ko....Bukas na bukas din ay sasamahan kitang magpa check up.",Edward said while gently caressing her cheeks."This woman is my everything. She mean the world to me",he told himself. "Thank you",Cassie replied and she hugged him back.Her heart was overflowing with love for this man. "The pleasure is all mine Babe.Thank you for coming into my life and thank you very much for making me feel this way.You made me whole and complete when you love me.I love you, Babe",he emotionally declared. "I love you too, Edward.Very much.",she look straight into his eyes and she initiated the kiss.Edward responded in equal fire and passion.Their kiss deepened and they were both longing for more.But Cassie gently pushed him.They looked at each other and laugh...and they fall asleep embracing each other. Edward became more loving and caring after he learns her pregnancy.Palagi sya nitong sinusundo pagkatapos ng klase nya at madalas sya nitong isama sa binili nitong resort.Kasalukuyan na nitong ipinagagawa ang kanilang magiging bahay.Ayon dito ay doon na agad sila uuwi pagkatapos ng kasal. Maaga sya nitong ihinatid sa bahay nila isang araw ng Biyernes.Sa mansion ng mga Garcia sana sila maghahapunan pero hindi natuloy dahil sumama ang kanyang pakiramdam. "Are you sure you're gonna be ok",he asked her while gently caressing her cheeks. Nag aalala sya sa dalaga dahil napapadalas ang pagsama ng pakiramdam nito.Minsan ay nakita nya itong hawak ang puson at tila nasasaktan.And when he asked her to visit her doctor ay tumanggi ito,giving him an assurance na ayos lang ito. "Yes..promise...ok lang ako.Kailangan ko lang itong ipahinga",she answered softly.Although iba ang pakiramdam nya nitong mga huling araw ay inisip nyang dala lang marahil ng pagbubuntis nya.Madalas nyang maramdamang masakit at humihilab ang kanyang puson. "Ok ikaw ang bahala...but promise me that you'll call me pag hindi pa rin yan nawala hanggang mamaya...",bilin nya kay Cassie.Nag aalala sya dito at sa ipinagbubuntis nito. "Yes I will...promise...",sagot ng dalaga at malambing na yumakap kay Edward. He hugged her back and kissed her temple.Sinamahan nya ito hanggang sa makapasok sa loob ng bahay at saka nagpaalam kina Mang Diego at Aling Lourdes na aalis na. Kinabukasan ay hindi nakapasok sa university si Cassie.Walang sinabi sa kanyang dahilan ang dalaga at ni hindi sya nito tinext o tinawagan para ipaalam na absent ito.Hapon na nang malaman nyang hindi ito pumasok dahil yun ang sabi sa kanya ni Jenny nang makita sya sa university.Doon sya dumiretso pagkagaling nya sa opisina para sana sunduin si Cassie. "Hindi ba nya sinabi sayo?Masama daw ang pakiramdam nya kaya hindi sya pumasok",sabi sa kanya ni Jenny nang makasalubong nya itong palabas ng St.Catherine University. "Ganun ba?Wala kasi syang nabanggit eh.Sige...Puntahan ko na lang sya sa bahay nila.Thank you Jen",sagot ni Edward habang nagmamadali na sa pag alis.Bakit kaya wala man lang nabanggit sa kanya ang kasintahan.? Pagdating nya sa bahay nina Cassie ay ang nanay nito ang nakaharap nya. "Aba...Edward...ikaw pala.Halika...tuloy ka.Sa loob mo na hintayin si Cassie at baka parating na din yun",anyaya sa kanya ni Aling Lourdes.Tumuloy naman sya at naupo na lang sa sofa.. "Ah.,Nay saan po pala nagpunta si Cassie?",nagtatakang tanong nya sa matanda.May pupuntahan pala ang dalaga ay hindi man lang sa kanya nagpaalam. "Naku,hindi ba sya sayo nagpaalam?Iyang batang yan talaga,sabi ko ay magpaalam sayo.Pumunta sya sa kabilang bayan",mahabang paliwanag sa kanya ni Aling Lourdes. "Ano daw pong gagawin nya dun Nay?Ang sabi po kasi ni Jenny ay hindi daw sya nakapasok dahil masama ang pakiramdam kaya naisip kong puntahan sya dito.",sagot ni Edward.Iniisip nya kung saan maaaring pumunta si Cassie at hindi man lang nito sinabi sa kanya. "Eh pano ba naman kasi.,kaninang madaling araw ay nag spotting daw sya kaya hindi ko na pinapasok.Sabi ko nga ay yayain kang samahan sya para magpa check up,..eh ayaw naman at mag aalala ka lang daw lalo.Ok naman na daw sya...Minsan talaga'y may katigasan ang ulo ng batang yan",tuluy-tuloy na litanya ni Aling Lourdes.Iiling iling na lang ito. "Nag spotting si Cassie?Eh bakit hindi nya ako tinawagan?Saan daw ba kasi sya pupunta Nay?",mas lalong nadagdagan ang pag aalala nya sa nalaman mula kay Aling Lourdes. "Hindi ko nga din alam at walang sinabi.Basta ang narinig ko lang sa kanya ay may aasikasuhin daw syang importante.",naguguluhan ding sagot ni Aling Lourdes.Ayaw nya sanang payagan si Cassie nang magpaalam ito kanina dahil baka kung mapano ito at ang batang kanyang dinadala.,kaya lang ay mapilit ang dalaga at tingin nya naman ay ayos lang din ang kalagayan nito.Normal lang naman kasi ang mag spotting kapag ganitong buntis basta hindi naman marami ang dugong lumabas mula dito. "Nay dapat hin.....",si Edward kay Aling Lourdes. Hindi nya nga lang naituloy ang sasabihin dahil agad syang napatayo nang may tumigil na tricycle sa tapat ng bahay. Mabilis syang humakbang palabas nang makita nyang si Cassie ang bumaba.Agad nya itong sinalubong at niyakap. "Hey...What are you doing here?",nagulat sya nang makitang nasa bahay nila si Edward.Ang ipinagtataka nya pa ay ang biglang pagsalubong nito sa kanya at agad syang niyakap.Hindi na sya nito hinintay na makapasok muna sa loob. "Saan ka nanggaling Babe?Alalang alala ako sayo kanina pa.",sagot ng binata at nanatili pa rin itong nakayakap sa baywang ni Cassie. "May pinuntahan lang akong importante.Bakit ka nga pala nandito?",tanong niya sa binata.Tiningnan sya ni Edward na parang nag aalangan."No...I mean...Ahhhm...Kagagaling mo lang ba sa office?",biglang bawi nya sa kanyang unang tanong.Lumapit sya kay Edward at magkasabay na silang pumasok ng bahay. Nagtataka man si Edward sa ikinikilos ng dalaga ay hinayaan nya na lang ito.Mga kalahating oras din silang nag usap nang magpaalam na ang binatang aalis.Alam nyang kailangan ni Cassie ng mahabang oras ng pahinga.Walang binanggit sa kanya si Cassie tungkol sa pag-spotting nito.Gusto sana nyang ungkatin yun sa kasintahan pero hinayaan nya na lang dahil baka ayos lang naman talaga ito.Marahil ay ayaw lang sya nitong mag alala masyado. Ilang linggo pa ang lumipas at natapos na ang graduation ni Cassie.Abala ang lahat sa pag aasikaso sa darating nilang kasal. Napapadalas din ang pagpunta ni Cassie sa kabilang bayan at sa tuwing tinatanong ito ni Edward ay wala itong sinasabing dahilan.Umiiwas din itong mapag usapan ang tungkol doon hanggang maaari. Kadarating lang ni Cassie sa bahay nang makita nyang may sasakyang nakaparada sa tapat nila.Alam nyang hindi kay Edward yun dahil kabisado nya ang lahat ng sasakyang pag aari ng mga Garcia. Sino kaya ang bisita nilang dumating?Mukhang mayaman dahil magara ang BMW na gamit nito.Tuluy-tuloy na syang pumasok ng kanilang bahay. "Andyan ka na pala Cassie. Mabuti naman at dumating ka na..",ani Aling Lourdes sa dalaga.Nakita nyang tumayo ang ina samantalang nakatalikod naman ang kausap nito. "Sino po ang....?",hindi na natapos pa ng dalaga ang tanong dahil nakita nyang humarap ang babae sa kanya. "Hi Cassie baby!!!",si Yvette na lumakad patungo sa kanya para sumalubong.She walked like a model sashaying her sexy rounded hips.Nakasuot ito ng high waisted short,,the very short one at black lacey tube blouse.Litaw ang kinis at kaputian ng balat nito. Cassie was rendered speechless."What is this woman doing here",she thought. But then,she manage to entertain her politely. "Yvette... thank you for dropping by..How are you?Ahmmm...what do you want to drink?",she asked the sociable woman standing in front of her.She gave her an indulging smile. "Oh don't bother sweetheart., hindi naman ako magtatagal.Actually I didn't just dropped by.Sinadya talaga kita dito.",maarteng sagot ni Yvette sa kanya.Nang tingnan nya ito ay bahagya pa itong ngumiti.Pero may pakiramdam syang hindi nya gusto ang ngiti nito. "Ganun ba?Halika,maupo tayo",yaya ni Cassie kay Yvette. Hindi nya alam kung ano ang kailangan nito sa kanya."Nay...mag uusap lang po kami",sabi nya kay Aling Lourdes at nakauunawa naman itong tumango bago umalis. "About what happened on Edward's party kasi..I just want to say sorry for my behavior towards you",panimula nitong sabi.Kahit papano ay nabawasan ang kaba nya.Gusto lang pala nitong mag apologize sa kanya. "Naku,ayos lang yun.Wala yun.Naiintindihan ko naman",totoo sa loob na sagot ni Cassie.Tama marahil si Edward na mabait naman talaga ito.Tingin nya ay sincere naman ang paghingi nito ng dispensa. "Nagulat lang siguro ako kaya ganun.Besides no one told me na may new girlfriend na pala ang love ko...I mean my bestfriend...Ahmmm.sorry for my endearment, yun kasi talaga ang nakasanayan kong itawag kay Edward.",mahabang paliwanag ni Yvette sa kanya. "It's ok.Sabi nga ni Edward ay close daw talaga kayo.",aniya sa kaharap kahit na pakiramdam nya ay parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso nya sa narinig na tawag ni Yvette kay Edward. "Yes we are really...In fact we're very close to each other.Madalas kaming magkasama nung nasa US pa kami pareho.At pag umuuwi naman ako ay sya lagi ang escort ko.Alam nya nga halos lahat ng likes ko eh...",pagbibida pa ni Yvette. Kitang kita nya ang kislap ng mga mata nito habang ikinikwento nito sa kanya ang mga pinagsamahan nito at ng kanyang kasintahan.At hindi nya mapigilang makaramdam ng selos. "Magaling ka rin daw magluto",tila wala sa loob nyang dagdag.Pinipilit nya na lang makinig sa kwento nito.Nakakahiya naman kung makita nitong pinagseselosan nya ang bestfriend ng kanyang boyfriend. "Oh yess...Pati pala yan ay nakwento nya na rin sayo.How sweet naman talaga...naalala nya pa pala yun.Madalas ko syang ipagluto nun ng dinner tapos after namin kumain,he always gave me back massage.",umaliwalas ang mukha nito.A saccharine smile form her lips. "Really?",is all that she can say.Parang biglang pumait ang panlasa nya kahit wala naman syang kinakain. "Yes...wait...don't tell you haven't known that side of him. Gosh... I'm telling you...ang galing magmasahe nyang si Edward...Naalala ko nga.,kasama ko sya palagi mag beach.Eh sya kasi ang tagapahid ko ng sunblock before we go on swimming.",tumatawang kwento pa ni Yvette. Looking at her,she seems so happy and enjoy while reminiscing their memories with Edward. Samantalang sya ay hindi na halos kumikibo.Pigilan nya man ay hindi nya maiwasang masaktan sa mga naririnig. "Pasensya ka na Cassie ha?Mahirap naman kasing kalimutan para samin ni Edward ang pagkakaibigan...,so..I hope you don't mind kung kahit siguro minsan ay magkakasama kami.?",tila tinatantya sya ni Yvette sa tanong nito.At gustuhin man nyang sabihin na ayaw nya ay hindi nya ginawa.Marahil ay masyado lang syang napaparanoid kaya kung anu-ano ang nararamdaman nya.Tama din naman ito,hindi nya pwedeng ilayo dito si Edward. "Uhmmm...sure...Oo naman.Ok lang Yvette.Magkaibigan pa rin naman kayo",pilit ang ngiti nya nang sumagot.Ayaw nyang pakinggan ang kanyang instinct na nagsasabing huwag syang pumayag. "Thank you.I'm glad naiintindihan mo.",sagot sa kanya ni Yvette."Anyway,how's your pregnancy?",pag iiba nito ng topic.Tiningnan nito ang mag dadalawang buwan nyang tiyan. Wala sa loob nyang hinawakan ang tiyan."Ok naman.Medyo kaunting ingat lang kasi minsan na akong nag spotting. Sa pagod siguro kaya ganun",she added hesitantly. "Hindi ba delikado pag ganun?You know what,dapat patingnan mo ang lagay ng baby mo Cassie. Sino nga pala ang doctor mo?",tanong ni Yvette.Nag aalala lang din siguro ito sa pinagbubuntis nya,naisip nya. "Si Dr.Harold Lopez,yung kaibigan ni Edward",sagot ni Cassie.Ayon kay Edward ay naging magkaibigan ito at si Harold nang college. "I see....I know Harold..he's one of our good friend. Sa US sya nag master ng medicine.",Yvette said.She saw her looking at her intently."So pano,..I have to go.Thank you for your time Cassie,baby.",she added while standing from the sofa. Yvette gracefully walked to her.Tumayo na din sya para ihatid ito sa labas. "Maraming salamat din sa pagbisita.",ani Cassie na kasabay na palabas si Yvette And when they reach outside the house,she was a bit shocked when Yvette hugged her. "Thank you,again Cassie",she said.A wick smile formed her lips before she leave the place. "Salamat sa tulong mo.Maybe he'll understand that I'm not yet ready for this", Cassie said over her phone. Today is the schedule of their seminar for their upcoming wedding kaya nya ito pinuntahan.Sinadya nyang agahan upang hindi pa gaanong mainit. Pagdating nya ay nakita nya itong nasa hardin at may kausap sa cellphone. Lumakad sya papunta sa dalaga at saktong iyon ang narinig nya mula dito.He decided to stay where he stand and let her finish talking to whoever is on the other line.Saktong paglingon nito ay nakita sya ng dalaga. "Ahhh..ok..Sige..Bye",she said then ended up the call.She looked at him and asked"Andyan kana pala.Kanina ka pa ba?",anito at lumapit sa kanya saka yumakap.He planted a soft kiss on her surprised lips. "No...kadarating ko lang.Who was that?",Edward asked. He is curious kung sino ang kausap nito.Pansin nyang bahagya itong umiwas ng tingin dahil sa tanong nya. "N--nothing...Just...just a friend.. Yes.a friend",Cassie stammered. Kumapit na ito sa kanya at niyaya siyang pumasok.Nagtataka man sa inakto ng dalaga ay tahimik na lang syang sumunod dito. Pagkatapos nilang magpaalam kina Mang Diego at Aling Lourdes ay umalis na sila.Habang nasa daan ay pansin ng binata ang pananahimik ni Cassie. "Babe...are you ok?",Edward asked.He is trying to start a conversation. Lately ay mukhang laging balisa at may iniisip ang dalaga..! "Yes...I'm ok.Medyo masama lang ang pakiramdam ko",sagot nito at bumaling sa kanya.She look at the man beside her. Ian Edward Garcia... the love of her life...her one and only lifetime love. Then she bend to hugged him."I love you so much...lagi mong tatandaan yan ha!...",she added softly. He imprisoned her in his arm and gave her a chaste kiss on the lips.He can feel the warmth in his heart.Having this woman near him brings contentment that he never experienced before. "Babe...sa isang araw na nga pala yung sched ng pagpunta natin dapat sa wedding couturier.Kailangan nating matingnan yung mga damit na gagamitin ng mga abay",he told her.Nagpatahi kasi sila ng damit pero para lang sa mga abay.The bride's wedding gown is a Monique Lhuiller creation...,ganun din ang isusuot ng groom. Hindi pumayag si Donya Benita na simple lang ang gaganaping kasalan.Ayon dito ay hindi maaari dahil siguradong maraming tao ang darating mula sa alta sosyedad.Sabagay,sa lawak ba naman ng mundo ng pulitika na kinabibilangan ni Gov.Enrique Garcia...,isama pa ang business world kung saan kilalang-kilala ang pamilya nito. "Hinding-hindi ko po makakalimutan yun,sweetheart.Nakausap ko na sina nanay tungkol dun",sagot naman ni Cassie sa binata. She was really excited sa nalalapit nilang kasal.After this day, they only have four days more na i-enjoy ang pagiging single.God knows how thankful she is for having Edward now.And soon...very soon....they will be bind in a sanctity of marriage. Ngayon pa lang ay alam nyang hindi nya kailan man pagsisisihan ang pagpayag na magpakasal dito.Paglabas ng anak nila ay magiging kompleto na silang pamilya.She felt teary-eyed of the thought. Masuyo nyang hinaplos ang tiyan.Then she made a promise to her baby...A promise to give their baby a whole and happy-loving family. Kinabukasan ng umaga ay tinawagan sya ng binata para yayaing mamasyal at tingnan na rin ang pinatatayo nilang bahay. Nakabihis na sya at kasalukuyang hinihintay ito nang tumunog ang kanyang cp.Then she saw a message from Edward."Babe,sorry I can't make it.Yvette asked me to accompany her this morning.Importante lang daw". " Ok...some other time na lang siguro",she replied. Deep inside ay gusto nyang magtampo pero pinipigilan nya lang.Ayaw nyang isipin ni Edward na possessive girlfriend sya dito. Thanks Babe...Don't worry,I promise I'll make it up to you tonight. Let's have dinner in my place.I'll pick you up at 7:00",ani Edward sa kanya.Kahit papano ay nabawasan ang pagdaramdam nya. She preferred to stay at their home the whole day.Tinamad na din syang gumala at gusto nya munang makapag pahinga.Pinalipas nya na lang ang maghapon sa panonood ng tv at pagbabasa ng Reader's Digest na libro. Alas sais ng gabi ay nakahanda na sya at hinihintay na lang ang pagdating ng kasintahan.Lumipas ang alas siete...At dumating ang alas otso ng gabi...,subalit walang Edward na dumating.Tinatawagan nya ito pero cannot be reach. It was quarter to nine in the evening when she received a call from him."Babe...I'm sorry I forgot about our dinner. I got hooked up with Yvette. May problema kasi kaya hindi ko maiwan",he said.Nawala talaga sa isip nya ang pangako nya kay Cassie. Hindi nya naman magawang iwanan na lang si Yvette lalo ngayon at kailangan sya nito.May problema ito at kailangan nyang damayan.Besides,siya lang ang pinaka malapit nitong kaibigan. According to Yvette's story,..her boyfriend broke up with her.Nasaktan marahil ito kaya naglasing.At hindi maaatim ng konsensya nya kung may mangyayari ditong masama.Kahit papano naman ay marami sila nitong pinagsamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD