Fourteen

3733 Words
"Ate Cassie," bulalas ni Yelena nang makilala kung sino ang pinagbuksan ng katulong na si Adela. Mag iisang linggo pa lamang mula nang bumalik siya ng bansa. Pagkatapos ng masteral studies niya sa London ay nagliwaliw pa muna siya ng Europe saka umuwi ng Pilipinas. "Hi, Yelena! How are you?", bati naman ni Cassie sa dalagang kapatid ni Edward. " Very much fine...Gosh!!ang ganda mo lalo ngayon, Ate. Alam mo bang number one die hard fans mo ako?",saad ni Yelena habang humahangang hinagod siya nito ng tingin. "Sayang lang at hindi ako nakauwi on Kuya Jake's wedding. Abay pa naman sana ako at nakita sana kita kaagad!" Napangiti siya sa warmth ng pagtanggap sa kanya ni Yelena. Parang walang anumang nabago sa treatment nito sa kanya. At "ate" pa rin ang tawag nito sa kanya tulad ng dati. Tila ba walang hindi magandang nangyari kung makipag kumustahan ito. "Thank you so-----", naputol ang sasabihin niya nang patakbong pumasok sa sala si Ianne kasunod si Donya Benita. Inikot ng bata ang paningin sa buong kabahayan. " This house is as big as Lolo's, Mommy. And I saw a very big swimming pool outside. Can we go swimming later?" "Who is this cutie pie? Siya ba ang anak mo, Ate?", masiglang tanong ni Yelena at nilapitan ang bata saka kinarga. " This is my daughter Ianne...Ianne kiss your Tita Yelena ",ani Cassie sa anak na mabilis namang ginawa ang sinabi ng ina. Natutuwang tinitigan ni Yelena ang bibong bata. "Parang kamukha niya----" " Ianne is your niece, Yelena. Anak ng Kuya Edward at Ate Cassie mo." pahayag ni Donya Benita. Bagamat nagulat sa nalaman ay masayang niyakap nito ng mahigpit ang pamangkin. " Really? Omg! I have a very pretty pamangkin pala! Manang-mana ka sa tita mo, baby...We're both beautiful, diba?",wika ni Yelena sa pamangkin. The child giggled at her aunt's compliment. Natawa na lang si Donya Benita sa anak at sa apo. Karga pa rin ni Yelena si Ianne na pumunta ang mga ito sa labas ng bahay. Samantalang si Cassie ay nananatili pa ring tahimik at kinakabahan. "Nasa itaas ba si Edward, Adela? Nakita ko sa labas ang sasakyan niya.", sabi ng donya sa katulong. " Opo, Donya Benita. Hindi po siya pumasok ngayon", sagot ng katulong. "Paakyat nga po ako sa silid niya para dalhin itong hinihingi niyang yelo." Tinitigan ni Cassie ang ice bucket na hawak ni Adela. Linapitan niya ito at kinuha ang yelo mula rito. "Ako na ang magpapanhik nito sa itaas, Adela", ani Cassie. " Ah..eh..Ma'am Cassie,..m--mainit ho ang ulo ni Gov ngayon,"nag aalalang saad ni Adela. Alanganing sinulyapan niya si Donya Benita na bumuntong-hininga at tumango. "Huwag mong sabihin kay Edward na ako ang nagpapunta sayo rito, Cassie. Hindi niya magugustuhan ang ginawa ko." Walang kibong tinungo niya ang hagdanan nang muling magsalita si Donya Benita. "Cassie..." Lumingon siya. "For whatever it is worth, I want you to know na kailanma'y walang ibang babaeng pinag ukulan si Edward ng pagmamahal na kagaya ng nakita kong binigay niya sa'yo." She gave the old woman a fleeting smile saka ipinagpatuloy ang pagpanhik. Kahit paano'y may kasiyahan siyang nadama sa dibdib sa sinabing iyon ng donya. Nasa harap na siya ng pinto ng silid ni Edward nang magsimulang umahon muli ang kaba niya. Gusto niyang ibagsak ang ice bucket at tumakbo pababa at hilahin si Ianne papasok sa kotse para bumalik ng Maynila. But she stopped herself. She was here now. Kailangan niyang gawin ang nararapat. If only for her daughter. Panahon na para makilala na nito ang ama. She took a deep breath at marahang kumatok. Pagkatapos ay pinihit ang seradura ng pinto at itinulak iyon pabukas. Nagulat pa siya nang makitang madilim ang buong silid. "Akina na ang yelo, Adela.", wika ni Edward. " May narinig akong humintong sasakyan. Sino ba ang dumating?" Cassie switched the light on at nagliwanag ang buong paligid. Nasa armchair si Edward at ang kamay ay isinangga sa mga mata dahil sa biglaang pagliwanag. "Damn it! Patayin mo ang ilaw, Adela." bulyaw nito. Hindi tuminag si Cassie at tinitigan ito. Maliban sa luma at kupas na pantalong maong na naka unsnapped ay wala na itong iba pang suot. "Naririnig mo ba ako, Adela. Ang sabi ko'y---?",He stopped in mid-sentence. Gumuhit ang galit sa mga mata nang makita kung sino ang nasa loob ng kanyang silid. " Ikaw! Anong ginagawa mo rito?" Napahakbang paatras si Cassie dahil sa marahas na tinig ng binata. Kasabay ng pag aalinlangan ay ang pagnanais na takbuhin ito at yakapin. Nangingitim ang buong mukha nito sa hindi niya matiyak kung ilang araw na stubbles. May bahagyang galos pa ito sa noo at ibang parte ng katawan. Nangingitim pati ang mga mata at malaki ang ipinayat. Her eyes moved down to his naked chest. At nakita niyang ang kaliwang bahagi ay kulay lila at bahagya pang nakaalsa. She moaned in distress. Her reflexes urged her to run to him and cuddle him near her chest...to care for him...to comfort him. But the savage anger in his eyes stopped her from running to him. "What do you want, Cassie? Ano ang karapatan mong pumasok sa silid ko?" "I--I want us to talk, Edward. I knew it's years overdue---" "Talk?", his voice reverberated around the room. " Who gave you the idea that I want to talk to you?" "Edward, please...!" "Get out of my room, Cassandra.", marahas nitong pagtataboy. " Huwag mong hintaying gumamit ako ng lakas para palabasin ka!" "Hindi ako naniniwalang kaya mo akong saktan, Edward", lakas-loob niyang sabi. Sapat upang lalong mamula ang mukha nito sa galit.Bigla itong tumayo subalit bigla ring bumalik sa upuan nang nakangiwi. He gritted his teeth and stared at her furiously and uttered a litany of unprintable oaths. Napatakbo rito si Cassie. " You're hurt! My god, Edward bakit hindi ka magpa ospital? Ang sabi ng mama mo'y----" His hands were like steel vise on her wrist. Napangiwi sa sakit si Cassie. "Ang Mama ba ang nagpapunta sa'yo rito?", he asked savagely. " Edward... ", kinabahan si Cassie. Ang mabalasik nitong titig ay gustong magpangapos ng paghinga niya. Kung magsisinungaling siya'y madaling makikita iyo ni Edward sa mukha niya. " She has your best interest, Edward. Isa pa'y---" "Damn you both", he cursed. Pabalyang itinulak nito si Cassie and it took him so much effort to do it. Kitang-kita ng dalaga ang pagngangalit ng bagang nito upang indahin ang sakit. At sinikap ng binatang huwag niya iyong makita. Pero nakita ni Cassie na kahit ang paghugot nito ng hininga ay nahihirapan itong gawin. Perhaps because Edward was so angry and his chest was pounding very fast. " Get out of my room, Cassie", his voice was dangerously calm. "I'm telling you that for the last time.! Hindi ko gustong makipag usap saiyo. Kung ang Mama ang may pakana sa pagdating mo ay kayong dalawa ang mag usap at wala akong pakialam." Lalo lamang nagpadagdag sa takot at pag aalala ni Cassie ang nakikitang reaksyon ng binata. Hindi siya natatakot na saktan siya nito. Edward wouldn't hurt her deliberately. Mas natatakot siyang baka ito ang masaktan kapag nagpilit siyang manatili sa loob ng silid at pilitin itong makipag usap. Dahan-dahan siyang umatras. Nag iinit ang sulok ng mga mata. "I want to help you, Edward... Tayo----" "You're a b***h and a w***e, Cassandra!" "Oh!", she was hurt and shocked at his accusations. She turned her back and ran to the door. Muntik na siyang mabalya ng pintong hindi naman nakasarang mabuti at humahangos na pumasok si Ianne. " Mommy, they wouldn't let me come to find you!"_humihingal na wika ng bata. Pagkuwa'y napatuon ang tingin kay Edward na ang pagdadala ng alak sa bibig ay nahinto. "So..,You brought your DOM's kid, huh?",tuya nito. Itinuloy ang pag inom ng alak at nilunok lahat. " Who is he, Mommy?" Napahawak sa hamba ng pinto si Cassie. Her knees felt like water. It had to be now or never. At sa nanginginig na tinig ay "Darling, I want you to meet your father, Ian Edward Garcia...Edward, meet your daughter...our daughter. Her name's Ianne Louise Garcia. She's four and a half years old." Pagkasabi niyo'y agad siyang tumakbo palabas ng silid bago pa siya humagulhol ng iyak sa harap nito. Edward froze. Kung bomba ang pinasabog ni Cassie sa harap niya'y baka nakaya pa niyang pakitunguhan. He was rendered immobile for a long moment. Kahit ang matinding kirot sa ulo at tadyang niya'y hindi makuhang makapangibabaw sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Dark eyes met dark eyes. Ianne eyed him with curiosity. "Are you really....my dad?" "I---I...", he groaned. Sa kauna unahang pagkakataon sa buhay niya'y wala siyang maisip na sasabihin. Ano ang isasagot niya sa bata? Humakbang ang batang babae patungo sa kanya. His chest hammered violently that he expected it to burst anytime and he'd probably welcome death right this very moment. He held his breath painfully as his eyes focused on her face. She had dimples in the corners of her mouth. Her hair tied in ponytail though unruly curls were around her pretty face. Huminto ang bata sa mismong harap niya. Tulad niya'y tinititigan din siya nito. Her hands on her back. Naka overalls ito, with Disney character on her bib. " I wish you really are my dad. Wala akong daddy, eh. Si Lolo lang ang kasama ko palagi..." "Lolo?", his throat went dry. " Lolo Fernando. He's Mom's daddy. He always takes me fishing in his farm every weekend. And sometimes we went swimming, too. But the swimming pools in his house were not as big as yours. I saw a very big pool outside. Can we go on swimming with Mom later?" Tumango siya. The pain in his chest was almost unbearable. "Your name's Ianne ...? What is it again?" "Ianne Louise...Mom said she got my name from yours. And Lola Benita said you're handsome and I'm pretty", tila ipinagmamalaki pa nitong ikuwento ang natanggap na papuri mula sa lola. " Yes",Edward choked on the word. Samantalang nawala ang ngiti sa mga labi ng bata. Nagsalubong ang mumunting kilay nito at humakbang palapit sa kanya. Pagkuwa'y itinaas ang maliit na kamay at banayad na pinahid ng forefinger ang daluyan ng luha niya. "You're crying...", tinitigan nito ang nabasang daliri. Pagkuwa'y muli siyang tiningala. " Are you in pain? Tita Yelena said you're not feeling well." Oh, Lord! He swallowed the lump in his throat painfully. "Mommy ease my pain with a kiss. Do you want me to kiss you?" "Y---yes please... Lots of them", he whispered. " And a bear hug, too." Pumanhik ang bata sa kandungan niya. And Edward trembled uncontrollably. He wanted so much to hug her so tight that he was so afraid he might crush her. Then soft, tender lips touched his stubble-rough cheek. The child giggled. "You have hair in your face and it's tickling me!" His body shook as he laughed and cried at the same time. Niyakap niya ang anak. Kissed and inhaled her powdery scent. And for the first time in more than five years , he had a taste of heaven. Nang mag angat siya ng paningin ay nakatayo sa may pinto si Donya Benita. Her eyes bright from unshed tears but she was smiling. "Nasaan si Cassie, Mama?" "She drove her car. Hindi ko alam kung saan pumunta." Edward winced. Hindi nakaligtas sa kanya ang akusasyon sa tinig ng ina. "Mommy's gone?", Ianne asked worriedly. Tila iiyak itong tumingala sa kanya. He stared down at his daughter with concern. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. And he couldn't blame her. She was in a strange place and she'd met her bastard of a father for the first time in her young life. Itinaas niya ang mukha ng bata sa kanya. Unti-unti nang dumadaloy ang luha nito sa mga pisngi. " Hindi umalis si Mommy, sweetheart. I'll promise to bring her back here. Okay?" Tinitigan siya nito. Nasa mga mata nito ang pag aalangan kung maniniwala sa pangako niya o hindi. "Daddy keeps his promise always", pangako niya sa bata. Parang may kamaong sumuntok sa sikmura niya dahil sa sinabi niyang iyon. Alam niya...minsan ay may pangako siyang binitawan na hindi niya natupad. " Promise, Dad?", naninigurado pang pahabol na tanong ni Ianne sa ama. "Promise!", he answered. Itinaas niya pa ang kamay at binigyan ng promise-sign ang bata. " Okay." Kinuha na ni Donya Benita ang apo mula sa ama nito. Si Edward ay may kinuha sa drawer at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Edward, baka kung mapaano ka. Magpa drive ka na lang sa driver", pahabol na bilin ng donya. Subalit tuluy-tuloy nang tumakbo pababa ang binata. Mula sa pagkakaupo sa buhangin ay narinig ni Cassie ang papalapit na sasakyan. Lumingon siya at nakita ang paparating na pick up. Edward's four-wheel drive. Sa mismong tabing dagat ito dumaan. Hindi niya ito hiniwalayan ng tingin hanggang sa tumigil ito ilang metro mula sa kinauupuan niya. Bumaba si Edward mula dito. She saw him grimaced in pain. Muli'y gusto niyang tumayo at lumapit para alalayan ito. Pero pinigilan niya ang sarili. Edward was too proud to even show his pain, lalo na ang tumanggap ng tulong mula sa kanya. From the waist up he was still naked. Hindi na marahil nito nakuhang makapag bihis pa dahil ito pa rin iyong pantalong suot kanina ng binata nang makaharap niya ito. Malaki ang inihulog ng katawan ni Edward and yet for Cassie he was still the same verile and most handsome man she'd ever seen. Her heart was full of longing and anticipation while watching him walked to her direction. Hindi niya matiyak kung ano ang mangyayari ngayong nalaman na nito ang tungkol kay Ianne. She had no choice. Kung hindi niya ipagtatapat kay Edward ang tungkol sa anak nila ay si Donya Benita ang magsasabi dito ng buong katotohanan. At kung sakaling hindi man niya ginustong magtungo rito'y natitiyak niyang araw lang ang hihintayin niya at pupuntahan siya ni Edward para makita ang anak. Ilang hakbang na lang ito mula sa kanya nang ibalik niya ang tingin sa karagatan. Huminto sa tabi niya si Edward at naupo. She could hear his breathing...felt it in her ear. Naririnig niya pati ang sunud-sunod nitong paghugot ng hininga. "S---She's...pretty. She's got my eyes..But she looks a lot like you...." Hindi siya sumagot. Itinuon ang paningin sa lumulubog na araw. Lumikha iyon ng iba't ibang nagagandahang kulay sa ibabaw ng karagatan. "I'm sorry, Cassie....I'm very sorry... Siguro'y walang silbi ang mga salitang iyan sa nangyari sa nakalipas na limang taong mahigit!" Dinig niya ang sunud-sunod na paghugot nito ng nahihirapang paghinga. But she kept still. "Para akong salaming nabasag nang pira-piraso nang umuwi ako at matuklasan kong wala ka na...." She sniffed. Mahigpit na niyakap ang mga binti. "Maghapon at dalawang magdamag kita na hinintay, Edward. Umaasa ako ng paliwanag mula saiyo. Kung bakit magkasama kayo ni Yvette sa seminar nung araw na dapat ay tayo ang magkasama para pumunta sa wedding couturier natin! Nagpaalam ka saking pupunta ka ng Davao pero hindi mo sinabing magkasama kayo.!", Her voice broke as if it happened only yesterday and the pain was too intense. " But it was Yvette who came instead. Ang sabi niya sa akin ay iniwan ka niyang natutulog...at na sana'y patawarin ko kayo sa ginawa niyo sa akin." He turned to her angrily. "Wait! Anong ibig niyang sabihin na patawarin mo kami sa ginawa namin saiyo?" "Na nang abutan ko kayo'y may nangyari na sainyo...na nakalimot kayo...na---..," "Damn!", he swore savagely. " Walang nangyari sa amin, Cassie. At hindi ko siya kasamang pumunta sa Davao. Nagulat na lang ako pagdating ko doon when I saw Yvette with her dad. Isinama siya ni Mr.Villarama..",paliwanag ni Edward. "And how did you know na nasa Davao siya? Sinabi niya ba saiyo?" "No...I tried to call you that night nang maghapon kang hindi nag text at tumawag sakin. At si Yvette ang sumagot ng phone mo...ang sabi niya'y magkasama kayo. That you're sleeping at hindi ka maaring gisingin dahil pagod ka daw", Cassie sobbed. Naninikip ang dibdib niyang alalahanin ang pangyayaring iyon. "Lumabas ako nang gabing iyon at hindi ako bumalik sa hotel suite ko buong magdamag. Naiwan ko marahil ang cellphone ko kaya si Yvette ang nakatanggap ng tawag mo. But I am not with her that night...at lalong hindi kami natulog nang magkasama like what she's trying to insinuate!", he was breathing hard. Nalilito siya sa mga nalalaman. " Lumabas ako noon and drunk myself to death. Masamang masama ang loob ko! At gusto kong madaliin ang oras para makauwi na kaagad at makaharap ka...Gusto kong linawin sayo ang lahat!" Naguguluhang nakatitig lang si Cassie sa binata. Napaglaruan ba sila ng tadhana? Biktima ba sila ng mga taong mapanira at hindi nila dapat na pinagkatiwalaan.? "Nang mahimasmasan ako ay agad kitang pinuntahan. At hindi ako makapaniwala nang malaman kong umalis ka. I considered it as guilt on your part. Gusto mong tumakas at huwag harapin ang komprontasyon!" "Guilt?", the anger that rose in her chest was instinctive. But she controlled it. " Ano ang dapat kong ika-guilty, Edward? Hindi ba't dapat ay kayo ni Yvette ang makadama niyon?" "Nang gabing nasa Davao ako pinuntahan ako ni Yvette sa kwartong okupado ko. Iisang hotel lang ang pinag check-in-an namin subalit magkalayo ang aming silid.", hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip niya ang buong pangyayari ng gabing iyon. " She showed me some pills. Isa iyong uri ng gamot na maaaring magpalaglag ng sanggol. Ang sabi niya'y ikaw daw mismo ang humingi ng ganoong reseta mula kay Harold. Tinawagan ko si Harold para kompirmahin kung totoo ang sinabi ni Yvette. He asked me to forgive him..hindi niya daw gustong bigyan ka ng ganoong klaseng gamot pero mapilit ka. Dahil hindi ka pa handa sa responsibilidad..." "What? That's not....", nanggigipuspos na hindi naituloy na sagot ni Cassie. " I believed them because you're spotting. At pinilit pa kita noong magpa check up pero tumanggi ka",ani Edward. "And I remembered that time when you're talking to someone in your phone... Narinig kitang nagpasalamat sa kausap mo. At sabi mo'y balang araw ay maiintindihan niya rin ang ginawa mo.. Kaya nang makumpirma ko kay Harold ang sinabi ni Yvette ay inisip kong ako ang tinutukoy mo." Nangunot ang noo niya sa pagpipilit na alalahanin ang sinasabi ni Edward. "I was talking to my father's sister that time, si Auntie Lara. Nang panahong iyon ay pinipilit niya na akong ilapit sa Papa. Pero galit ako sa kanya noon dahil sa akala kong pinabayaan niya kami ng Inay. At nakiusap ako kay Auntie Lara na hindi pa ako handang harapin ang Papa. Na siya na ang bahalang magpaliwanag at maiintindihan niya rin siguro kung bakit ayaw ko pa siyang makaharap." malumanay na saad ng dalaga. "And I had spotting, yes. Pero minsan lang iyon and a very small amount of blood. Nang umalis na ako rito ay nagpacheck up ako sa O.B sa Maynila at tinanong ko iyon. She said some pregnancies were like that at normal lang iyon." Nagtagis ang mga bagang ni Edward sa galit. Mariing dinaklot ang buhangin at inihagis ang mga iyon sa dagat. Pagkatapos ay nanginginig na kinuyom ang kamao at naglabasan ang mga ugat nito sa braso. "My God!", she whispered miserably. " Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong klaseng gamot ang makakagawa nang ganoon, Edward. " "I know that now", sinikap nitong payapain ang sarili. " But I was hurt that time, Cassie. I was so ecstatic that I am going to be a father soon. Pero naging madali sa akin ang paniwalaan sila. Sinira nila tayong dalawa!" "Oh!", tinakpan niya ng kamay ang bibig upang hindi mapahagulhol ng iyak. Napakaraming taon ang nasayang dahil sa mga mapanlinlang na tao...ng dahil sa kasakiman. "Makalipas ang tatlong araw na wala akong balita saiyo ay pumunta ulit ako sainyo. Subalit sarado na ang bahay at maging sina Nanay Lourdes at Tatay Diego ay umalis na rin daw. Sinubukan kong magtanong-tanong kung may alam sila kung saan ka pumunta pero wala silang maisagot sakin. I placed an overseas call to Jenny..pero wala din siyang alam." "Sa una'y totoong nagdamdam ako..nasaktan at nagalit sayo. But I love you so much I can forgive you anything." he continued. "Pero naglaho kang parang bula kaya umalis na lang ako. I can't stay here anymore dahil wala ka na. At mas lalo lang akong masasaktan kung mananatili ako." "Ang akala ko noon ay sinundan mo si Yvette. Na sinadya niyong lumayo para magkasama na kayo", she swallowed the lump in her throat. Hindi niya na napigilan pa ang luhang masaganang dumaloy sa kanyang pisngi. It seemed that a giant hand squeezed Edward's heart tightly that he couldn't breath. He pulled Cassie against him and held her for a long moment. Sinisikap nitong kalmahin ang bugso ng damdamin nilang pareho. " Bago pa mangyari ang lahat ng iyon ay pinuntahan ako ni Yvette sa bahay. She befriended with me. Ang akala ko ay sincere siya. I shouldn't had trust her.",Cassie said with regret. "Ikwinento niya sakin ang mga pinagsamahan niyo. And it broke my heart nang sabihin niyang sobrang close kayo..na mas marami pa ang pinagsamahan niyo compared to what we had." " Nang araw na dapat ay kasal natin, I took a flight to London. Hindi para sundan o makasama si Yvette kundi para makalimot. Pero bago ako umalis ay pinilit ako ng Mama na sabihin ang totoong nangyari. Inamin ko sa kanya iyong mga sinabi ni Yvette and Harold's confirmation. Pati ang eksenang inabutan mo sa silid ko ay binanggit ko",pagkukwento ni Edward. "Makalipas ang isang taon kong pananatili sa London ay umuwi ako ng Pilipinas dahil sa pagkamatay ni Papa. Noon ay matunog na ang pangalan mo sa mundo ng showbiz. Pero laganap na rin ang chismis na mistress ka ni Fernando Rivera. Sa isang show ay nakita ko nang hagkan ka ni Fernando..",he stopped for a while and took one calming breath. " I hated you so much I wanted to kill you and that old man. And that cost my mother one television set and a visit to her cardiologist.",he smiled without humor. "I was too distraught to think sensibly." A sob came out of her lips.Humigpit ang pagkakayakap ni Edward sa kanya at naramdaman niya nang hagkan siya nito sa ibabaw ng ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD