Six

2459 Words
Present...... Ang pagbagsak ng malakas na ulan ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.Sinulyapan nya ang nakabukas na bintana.Madilim ang buong kalangitan dahil sa makapal na ulap. Pinuno nya ng hangin ang dibdib at pinahid ng likod ng palad ang mga mata.She sniffed. Anger and sadness filled her.Galit,dahil ang akala nya'y hindi na nya mararamdamang muli ang pait ng nakaraan. Pero ang paninikip ng dibdib nya ay patunay na muling nabuksan ang akala nya'y naghilom nang sugat.Muli iyong humapdi at nagdugo.How she hated to be here.Kung hindi lang dahil sa kasal ni Jenny ay hindi na sya muli pang aapak sa lugar na ito. Mas pipiliin nya pang manatili sa Maynila kasama si Ianne...ohhh god...she missed Ianne so much.Kung pwede lang itong sumama sa kanya dito...kaya lang ay hindi maaari. Narinig nyang tumunog ang kanyang cellphone...Lumakad sya papasok sa kwarto para kunin ito...Tita Malou,her manager was calling. "Yes, tita?",she said when she takes the call. "How many days are you staying there, darling?Sabi sakin ni Angelo ay may dadaluhan kang kasal",malumanay na tanong sa kanya nito.Nang umalis sya ay hindi siya personal na nakapag paalam dito dahil nasa Palawan ito kasama ang iba pang mga artistang hawak nito for taping. "I'll be there as soon as the event finished, Tita...Sa isang araw na ang kasal ni Jenny, pagkatapos nun alis din kaagad ako",she said to the older woman. Alam nyang marami syang naka line-up na projects na naghihintay sa pagbabalik nya ng Manila. "Gusto ko lang ipaalala sayo na next week na ang taping ng gagawin mong new TVC...So that means I need you to be here by Monday.,iha.",her manager said. "Marahil ay nandyan na ako sa Linggo ng hapon, tita...And I'm sorry kung hindi ako sainyo nakapag paalam ng maayos.",Cassie said her apology. "Ah....that's alright, iha...Honestly,I'm planning to give you a break pagkatapos ng mga projects mo.I don't want you to be stress.",ani Tita Malou sa kanya. Naiintindihan din marahil nito ang kanyang sitwasyon."At gusto kong magkaroon din kayo ni Ianne ng oras sa isa't isa..I know how the two of you missed each other",dagdag pa nitong sabi. "Thank you tita...",sagot nya dito.Napangiti sya pagkaalala kay Ianne. Sa isip ay kwinenta nya kung kailan nga ba sila nito huling nagkasama.Mahigit isang buwan na pala ang nakakalipas. "Ok ,iha...So,pano..magpahinga ka na.Good night",nagpaalam na ito kanya. "Yes...good night din po...", "Take good care of yourself...Bye.",pahabol na paalala sa kanya ni Tita Malou.Napangiti sya sa sarili.She's lucky for having a very kind and considerate manager like her. She prepare herself to sleep.Nakahiga na sya nang damputin nyang muli ang kanyang cellphone.May kailangan syang tawagan.After a few ring,may sumagot na sa kabilang linya. "Cassie...Yes?Why are you still up?",tanong sa kanya ng kausap.Wala sa loob na sinulyapan nya ang digital clock na nasa ibabaw ng bedside table.It's already 12:20 am.... "I can't sleep...and besides katatapos lang din namin mag usap ni Tita Malou.So.,how's everything there,Pa?",she asked. "Everything is alright here... So stop worrying at baka magka wrinkles ka nyan, dear",himig birong wika ng kanyang papa.Narinig nya itong humalakhak kaya napangiti na lang sya. "How's Ianne?",hindi nya napigilang itanong sa ama.Iyon naman talaga ang dahilan nya kaya sya tumawag. "Ianne keeps on asking me kung kailan ka uuwi...Lagi ka nyang itinatanong sakin.Alam mo namang walang oras na hindi ka nun hinahanap",masiglang kwento nito sa kanya.Mas lalo nya tuloy itong namiss dahil sa narinig. "Sabihin nyo na lang po sa kanya that I'll be home on Sunday.",she promised. "Ok iha...Sige na.Magpahinga ka na at matutulog na rin ako.Good night",her father said.Hatinggabi na at kailangan na talaga nilang magpahinga. "Yeah...Good night ,Pa". Then she pressed the "end call" button. She lay down her bed.Then she remembered, five years ago.,lumuwas sya ng Maynila na kapirasong papel lang ang dala.Nakasulat doon ang address ng papa nya na binigay sa kanya ng kamag anak nito na nakatira sa karatig bayan ng Punta Verde. Ayon sa nanay nya noong nabubuhay pa ito ay may ari ng isang paper mill company ang tatay nya.,si Fernando Rivera.Mayaman ang pamilya nito at ang nanay nya ay nagtatrabaho lamang bilang tagaluto ng mga Rivera.Magiliw si Fernan sa kanyang ina.At dahil sa gusto nito ang dalaga ay kanya itong niligawan.Sinagot naman ito ni Lucia,ang kanyang nanay.Mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa.Subalit ng malaman ng mga magulang ni Fernan ang tungkol sa relasyon nila ay kanila itong tinutulan.Ipinadala nila ang binata sa Amerika at naiwan si Lucia na nang panahon na iyon ay buntis na kay Cassie. Matagal na panahon naghintay ang nanay nya sa pagbabalik ni Fernan.Subalit makalipas ang walong taon ay nalaman nitong nagpakasal na si Fernan sa ibang babae.Nasaktan noon si Lucia at nagpasyang umuwi sa kanilang probinsya.Doon na ito nag umpisang maging masasakitin at makalipas ang dalawang taon ay binawian na ito ng buhay.Naiwan sya sa pangangalaga ng kanyang Nanay Lourdes at ang asawa nitong si Tatay Diego. Akala nya nung una ay hindi sya kikilalaning anak ni Fernando.Subalit nang sabihin nya dito kung sino ang nanay nya ay buong puso sya nitong tinanggap.Kinuha na sya nito at nanatili na sya sa poder ng kanyang tatay.Doon na rin nya sinimulang baguhin ang kanyang sarili. "Excuse me...Here's your order, gentlemen...beef karubi for you Sir....and saikoro steak for the Governor",the waitress said as she served them.Pagkatapos nitong mailapag ang kanilang in-order na hapunan ay magalang pa itong yumukod sa kanila bago tumalikod. "Thank you, Pretty...",sagot ni Xander at bahagya pang kinindatan ang waitress.Mataman nitong tinitigan ang babae na sinuklian naman nito ng isang simpleng ngiti. "Hanggang ngayon ay matalas pa rin ang mata mo pagdating sa babae lalo at maganda",himig kantiyaw ni Edward sa kapatid.Kahit minsan kasi ay hindi nito pinalalampas ang pagkakataon pag may nakitang babae lalo at kursunada nito. "Kuya naman..Anong magagawa ko,?...you know that beautiful ladies we're my weakness...",sagot sa kanya ni Xander habang sinusundan pa ng tingin ang tumalikod nang waitress. Napapailing na lang siya sa ginawi ng kapatid. "So,ano na pala...Kumusta si Yelena doon.?Baka naman masyado nang buwelo yun doon",he said referring to their youngest sibling.Nag aalala syang baka napapabayàan na nito ang pag aaral.Kasalukuyan itong nasa London para kumuha ng masteral sa course nitong Medical Biology. "Of course not.Papayagan ko ba namang mangyari yun?Over protective kaya ako dun",he defensively exclaimed.Hindi nya naman talaga hahayaang mapariwara ang nag iisa nilang kapatid na babae. "Siguraduhin mo lang, bro.Baka naman mas marami ka pang panahon sa mga babae mo dun",Edward said giving him a warning look.Natatandaan nyang pumayag lang ang Kuya Edward nila na mag aral sa London si Yelena kapalit nang sasama siya doon para personal na asikasuhin at bantayan ang dalaga. "Yeah...I swear!..",sagot ni Xander.Tinaas pa nito ang kanang kamay para bigyan siya ng assurance that he is not neglecting his brotherly duty to Yelena. "So how about you, Gov?..How's politics?",tanong ni Xander sa nakatatandang kapatid.Now,Edward is the governor of their town,..the Punta Verde. Five years ago,Edward choose to stay in London pagkatapos ng naudlot nitong kasal kay Cassie.Three days before the wedding,umalis ang babae nang walang paalam.Kung ano ang dahilan ay hindi nila alam.Ayaw magsalita ni Edward para sabihin kung ano ang totoong nangyari.At sa mismong araw dapat ng kasal nito ay umalis din ang binata patungong London. Makalipas ang mahigit isang taong pananatili ni Edward doon ay napilitan itong umuwi ng Pilipinas.Napatay sa isang ambush ang dating gobernador, si Gov.Enrique Garcia, their father.Dahil doon ay napilitang pumasok sa pulitika ang binata.Bagamat hindi nito gusto sa una ay napamahal din dito sa katagalan ang posisyon.Masaya ito sa pagsisilbi sa mga taong-bayan. "Ayos lang...Heto,nag eenjoy..Magaan sa pakiramdam ang magsilbi sa mga tao lalo na sa mga nangangailangan",anito sa nakababatang kapatid.Totoo yun,..bukod pa doon ay ramdam nya na may nagagawa sya para makapagpasaya ng iba.Sa ganoong paraan ay nalilibang sya kahit papano. "Good....but are you really happy now?...I mean...Ikaw,totoo ka na bang masaya ngayon?Did you already forget her",tila nananantiyang tanong ni Xander.Gusto lang niyang malaman kung nakalimutan na nga ba nito si Cassie. Sometimes, he pity his brother.Dalawang beses nang hindi natuloy ang kasal nito.Una kay Aliana...nakita nya kung paanong nasaktan ang kuya nya noon.Pangalawa kay Cassie...,doble ang hirap at sakit na pinagdaanan nito nang mawala ang dalaga.Saksi sya kung paano itong nahirapan noon.Pati silang pamilya nito ay halos hindi na nito kausapin. "Look, bro...that was five years ago.Maraming taon na ang lumipas,halos hindi ko na nga matandaan ang buong pangyayari",he answered hastily.Ang totoo'y ayaw nyang ipakipag usap ang tungkol doon. "According to the news,she's now here in PuntaVerde..Imbitado marahil sa kasal ng kaibigan nyang si Jenny.",Xander supplied.Tila ayaw nitong palitan ang topic. "Wala akong pakialam.She can go to hell and I don't care.Besides,ilang araw lang syang mananatili dito.,malabong magkita kami.",Edward commented on what his brother said.Malapit na syang mapikon dito. "Kuya, ikaw ang major sponsor ng kasal nila.Our cousin Jake,will surely won't forgive you kung hindi ka darating on his wedding day.Remember,you are the governor of this town and your presence is very important there. Kaya malabong hindi kayo magkita",Xander continued on talking.Hindi talaga ito papaawat sa mga sinasabi. "Bro,...I have to go...Gumagabi na at kailangan kong makapasok nang maaga bukas sa kapitolyo",pag iwas nya sa pangungulit ng kapatid.Tumayo na sya at akmang lalakad na paalis nang mapansin nya ang apat na grupo ng kalalakihan na kumakain din sa kabilang table.They were all looking in one direction. "Wow, pare...Siya nga.!!Grabe ang ganda pala talaga",wika ng lalaking naka royal blue na polo.Titig na titig ito sa babaeng tinutukoy. "Oo nga mga pare...Parang diyosa sa ganda",sagot naman ng isang nakasuot ng yellow Armani shirt. Halos hindi na ito kumukurap sa kakatitig. "Hindi ba't tagarito yan sa atin dati?Mas lalo syang gumanda ngayon...",humahangang pahayag ng isa pa.Sinusundan nito ng tingin ang bawat kilos ng babae. "Hanggang tingin na lang tayo diyan, mga pare.Sa gandang 'yan ay siguradong pila-pila ang manliligaw.",sabi ng pinaka matanda sa apat.Tantiya nya ay nasa mid-forties na ito.Patuloy ito sa pagkain bagamat paminsan-minsan ay sinusulyapan ang babaeng kanilang pinag uusapan. Out of curiosity, sinundan nya ng tingin ang pinag uusapan ng apat.Then he saw her.That particular woman they're talking about.She's wearing a simple body-fitting gold yellow mini dress.Sleeveless and turtle necked.Walang kung anu-anong dekorasyon.A Donna Karan original.Well,thanks to Yelena,...dahil dito ay nakilala nya ang iba't ibang brand and signature ng damit. Ang magandang binti ng dalaga ay lalong nabigyan ng emphasis sa suot nitong three-inch high-heeled suede sandals at leather clutch bag by Charles Jourdan.At sa magkabilang tainga nito'y a pair of flawless one-carat each diamond stud earrings. The woman screamed class and elegance.Even the way she walked ay talagang makakatawag ng pansin ng kahit sinuman.He find her move sexy yet graceful. As if hypnotized, dahan dahan syang humakbang palapit dito.Gusto nya itong makita ng malapitan.Sakto namang nakalapit na sya nang unti unti itong lumingon sa kanyang direksyon. Cassie was on her way to Sambokojin Japanese Restaurant to dine with Allen.Naroon na itong sigurado at naghihintay.Kung hindi lang dahil sa pangungulit nito ay wala sana siyang planong kumain sa labas ngayon.At kung hindi nya lang talaga ito ka-close ay never nyang pagbibigyan ang invitation nito. Hangga't maaari ay ayaw niyang mag ikot sa labas dahil alam nyang hindi nya basta maiiwasan ang tuwina'y mapansin ng mga tao.Walang hindi nakakakilala sa kanya kahit saang sulok ng Pilipinas sya magpunta.Hindi na nga maikakaila na talagang sikat na sya. Before, she was known as a simple ordinary Cassie in this town.Subalit ngayon ay hindi na.She is Sandra Alvarez to everyone....An actress...A host...A famous tv personality...Nagsimulang magbago ang lahat nang makita siya ni Tita Malou, ang producer/director/CEO na kaibigan ng papa niya.Agad siya nitong nakitaan ng potential. Kinumbinsi siya nitong mag artista.Bago siya tuluyang pumasok sa showbiz world ay halos dalawang buwan din muna syang pinakilala sa publiko.Maraming balita ang inilabas tungkol sa kanya bagama't pinanatili nilang sikreto ang totoong relasyon nila ni Fernando Rivera.Hindi nila sinabi na anak siya nito. Magazines featured her face.Halos bawat linggo'y guest sya ng iba't ibang program sa Channel Six,..the tv network that Tita Malou personally owned. She was young and beautiful with a face and a body of a goddess.Sinikap nyang itago sa mga tao ang totoong kalagayan niya.Tanging si Tita Malou at ang papa nya lang ang nakakaalam na buntis sya.Kaya naman...siya na noon ang tinaguriang "New Television Princess". Pagkatapos noon ay ang pagsisimula ng walang katapusang shooting at taping. Although she was young and physically fit,..nakaramdam pa rin siya ng takot para sa batang kanyang dinadala.Inisip nyang baka màapektuhan ito.But she's thankful that she went through the shooting months smoothly. At nang malapit nang mahalata ang tiyan niya ay nagawa nya nang magdahilang kailangan nyang magbakasyon sa ibang bansa.Subalit ang totoo ay nanatili lang sya sa bahay ng amang si Fernando.Nakapanganak na sya nang muli syang lumabas sa television at gumawa nang sarili nyang soap opera.And it took one and a half year bago iyon nagwakas.It was a huge success dahil number one palagi sa rating. Kaya naman nagkaroon siya agad ng kasunod na show.But to everybody's surprised, hindi nya pinili ang role ng bidang babae.She choose the bitchy-type character role dahil para sa kanya ay mas challenging iyon.And she was very effective.The viewing public both loved and hated her.Mas nakilala siya kaysa sa bidang babae. Subalit sadyang magulo ang showbiz life.Hindi nagtagal ay lumabas sa balita na may anak na siya.And it was also rumored that Fernando Rivera is the father of her child.Gayunpaman ay hindi nila iyon pinabulaanan.Para sa kanya ay bahala ang mga taong isipin kung ano ang gusto ng mga ito.Noong una ay tumutol ang papa nya ngunit kalaunan ay pumayag rin. Dahil sa kanilang pananahimik ay mas lalong tumibay ang paniniwala ng mga ito na totoo ang mga lumalabas na balita.Dagdag pang iisang bahay lang ang inuuwian nilang mag ama kasama ang kanyang anak. "Ma'am nandito na po tayo",sabi ng taxi driver sa kanya.Bumalik sa kasalukuyan ang isip nya.Nagbayad siya rito at saka bumaba.She take off her scarf na sinadya nyang isuot kanina pagpunta dito for disguise...."small price to pay for being famous",aniya sa kanyang sarili. She looked at her wristwatch first before she decided to go inside the restaurant.Pagdating nya sa loob ay agad hinanap ng mga mata nya si Allen.Then she looked around her.May mga naririnig siyang marahang nag uusap at nagbubulungan.Malamang ay nakilala siya ng ilan sa mga ito. Habang lumalakad sya papasok ay napadako ang tingin niya sa grupo ng apat na lalaki.Okupado ng mga ito ang isang mesa sa may bandang kanan.Marahang nag uusap ang mga ito at may pakiramdam syang tungkol sa kanya ang pinagbubulungan ng mga ito. Pansamantalang natahimik ang mga tao pagkakita sa kanya.As if enthralled by her captivating beauty....kitang kita nya ang pagkatulala ng ilan at dinig nya rin ang ilang pagsinghap. Tumuloy na siya sa paglalakad patungo sa kanilang reserved table.Then she saw Allen sitting alone. When he recognized her presence ay agad itong tumayo para salubungin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD