Pinanapanood ko lang si mama habang nanggagatsilyo. Ang sabi niya scarf daw na gagamitin namin ni Countee. “Ma.”Tawag ko sa kaniya. “Oh?”Sagot niya ng hindi ako nililingon at focus na focus sa bawat paglusot ng pulang yarn. “Bakit mo ba ‘yan ginagawa?”Iritang tanong ko. “Ginagawa ko ‘to para may magamit kayo ni Countee sa San Francisco kapag dumating ang winter. Napakalamig pa naman d’on at may snow.” “Iyan talaga ang gusto mong gawin ngayon?”Hindi makapaniwalang tanong ko. “Kailan ko naman gagawin ‘to kung hindi ngayon?” “Hindi ka man lang ba magagalit? O makakaramdam ng pagkainis? Hindi mo ba naiisip na napaka-unfair ng mundo, kinuha na nga nila si Papa sa’yo.” “Nagagalit ako. Nakakaramdam ako ng pagkainis. Pero wala naman na akong magagawa.” “Bakit hindi mo sinabi sa akin?!”Ala

