--***-- “Hello?”Nasa mall ako ngayon para maghanap ng ireregalo ko kay Countee dahil nakapasa siya matagal na niyang hinihintay na audition. This is it, matutupad na ang mga pangarap niya maging isang sikat na artista ng bansa. Pinagmasadan ko ang kulay asul na scarf na binili ko. Babagay ‘to kay Countee for sure lalo na pagsuot na niya sa San Francisco. Bumili rin ako ng sarili kong scarf na halos kaparehas ng design ng sa kaniya pero kulay pink. “Uy, Pele? Hello?” Tanong ko dahil hindi nagsasalita si Pele n’ong pagkatawag niya. Hindi kaya napindot lang niya? Baka nga. Ilalayo ko na sana ang phone sa tainga ko nang magsalita na siya sa kabilang linya. “N-Nari . . .” Nanginginig ang boses niya. Hindi ko alam pero para akong biglang nakaramdam ng kaba. Ang bilis ng t***k ng puso ko, par

