Nakarating na kami sa condo. Nasa loob kami ng elevator ngayon paakyat sa floor ni Countee. “Bakit ba hindi sinasagot ni Countee ang tawag ko?” Pangatlong subok na ni Pele na tawagan si Countee simula n’ong makababa kami kanina sa taxi. Hindi ko alam kung bakit pero nagrereklamo kasi siya na ang bigat-bigat ko raw. Akala mo naman binubuhat niya ako eh akay-akay lang naman niya ako. Ilang beses ko na ngang sinabihan na kaya ko naman maglakad mag-isa pero ayaw naman niya makinig. “Pele, kaya ko na sarili ko.” “Anong kaya? Tingnan mo nga para ka nang lantay gulay. Hindi ka nga makatayo pag binibitawan kita eh.” Tinanggal ko ang braso kong nakakapit sa kaniya, “kaya ko tingnan mo.” Sinubukan kong tumayo nang diretsyo pero parang jelly ace ang mga tuhod ko at ayaw makisama. Sinabayan pa ng

