“’Yong amo mo uma-attitude na naman. Nagagalit ba siya dahil nadiscover ko na may balak siya magpropose sa asawa ni Shrek? ‘Sus para ‘yon lang. Ano akala niya sa akin magwawala? Magtatantrums? Feeling ba niya hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya—well hindi pa naman talaga. Sino bang lolokohin ko ‘di ba?”Pagkikipag-usap ko kay George. Kahapon pa nangyari ‘yong pagkakita ko ng singsing at pagsigaw sa akin ni Countee pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on. Baka nga gan’on talaga, I suck at moving on in any forms—mapa-break up man ‘yan o pagtatanim ng sama ng loob. “Pero hindi naman porket may feelings pa ako sa kaniya ay gan’on na ako ka-immature para mag-eskandalo at sirain ang lumalalim na relasyon nilang dalawa. Hello? Natiis ko nga ang limang taon na hindi siya kausapin a

