Noong bata ako may isang bagay akong pinaka-ayoko na gustong-gusto ng ibang mga bata—ito ang bubbles. Medyo weird na ako lang ang bukod tanging hindi ito gusto na pinagtataka ng mga kalaro at magulang ko. Naalala ko pa na iniiyakan ko ang mga pumutok na bula pagkatapos ko habulin, sinusubukan ko kung makukuha ko sila para mailigtas sa pagkawala—pero wala eh, nauuna na silang pumutok bago ko pa mahawakan. Kaya pinangako ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ako maglalaro ng bubbles. At ngayong sapat na ang edad ko para ma-realize kung bakit ko hindi gusto ang bubbles—oo dahil bigla mo itong pumuputok at kahit kailan hindi mo pwedeng hawakan—pero hindi ko ‘to gusto dahil isa lamang itong panandaliang saya. Hindi magtatagal. Dahil ako iyong tipong laging nagpapahalaga sa gamit, sa tao, sa ba

