“Alam mo, ineng. Sa tanda kong ito, natutuhan ko na ang buhay natin ay parang mga bula . . .” “Dahil ho panandalian lang?” Hinawakan niya ang kamay kong nasa lapag ng upuan at bahagyang tinapik-tapik ito. Ngumiti sa akin si lola at tumango, “Na ang kasiyahan ay biglang dadating sa’yo at gan’on din kabilis itong mawawala. Kaya nararapat lang na pahalagahan ang bawat bulang dadating sa buhay mo, ineng. Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lang ito sa buhay natin. At sa oras na nawala na ito . . .” Umihip si lola sa kaniyang laruan kaya muling nagkaroon ng bula sa aming paligid, “maari ka pa rin namang gumawa ng mga panibagong memorya na papahalagahan mo.” Sabay naming pinagmasdan ang mga ulap na inaanod sa asul na kalangitan. “Kung hindi niyo po mamasain, ano po bang kinamatay n

