The Beginning
Hi? my name is Yanna Mundo a grade 12 student here in the province of Pagudpud. Nag iisa na lang ako sa buhay, ulilang lubos ika nga nila. Nabubuhay nalang ako sa mga raket raket na pinagkakakitaan ko. Mga raket ko? Minsan alalay, madalas taga hugas ng plato sa kung saan saang carrenderria, kilala na nga ako halos sa mga may carrenderria dito samin eh. Mahirap pala mabuhay mag isa, yung tipong gusto mong magpahinga pero hindi mo magawa kasi kung magpapahinga ako ano naman ang kakainin ko diba? Hayyss!
Minsan nangangarap nalang ako na paano kung isa pala ako sa mga nawawalang prinsesa no? Edi ang saya ko non. Ano kaya feeling ng mayaman no? Siguro ang saya saya nila kasi wala na silang pinoproblema. Hayys! sana mayaman nalang ako or sana mayaman nalang mga magulang ko kasi kahit mawala man sila ehh hindi ako ganito kahirap ngayon.
"Hay buhay..."
"Oh bakit Yang ang lalim ng iniisip natin ah?"
Tila napabalik ako sa tunay na mundo nang narinig ko ang boses ng aking napaka bait na kaklase.
"Wala, iniisip ko lang ko kailan ako magiging mayaman" sagot kong tanong sa kanya
Nandito pala ako sa paaralan ngayon, Bakit? natural may pasok. Graduating students na ako hindi ko alam kung saan na naman ako kakayod ng kakayod matustusan ko lang mga bayarin ko sa taong to.
"Ikaw lagi ka talagang nagmamadali enjoyin mo nga muna yung pagiging high school natin, minsan lang kaya maging bagets no" pabiro niyang sabi sabay upo sa harapan ko.
"Kung ganito ba naman kahirap maging bagets haynaku ayoko ng maging bagets no, Lord pwedi mo ba akong gawing fine Lady na mayaman" tugon ko. Mahirap naman talaga maging mahirap dagdag pa tong pagiging mag isa ko sa buhay
" Sabagay, kung ako man din nasa kalagayan mo baka hindi ko kayanin, bilib nga ako sayo kasi nakakaya mo lahat" wika niya.
Ito na naman tayo babalik balik na naman sa topic ng pagiging ulilang lubos ko. Bakit ba kasi niyo ko iniwan ng maaga Ma, Pa. Nagpakuha kasi kayo ng maaga kay Lord kawawa tuloy ako.
"Sus sa ganda kong to? Walang bagay na hindi ko makakayanan no" Pabiro ko nalang sagot, ayoko kasi ng drama. Ang ayoko sa lahat yung kinakaawaan ba.
"Atapang ababae ahindi asuko" nakakabigla naman tong unggoy kong kaibigan pasulpot sulpot
"Haynaku kahit saan ka talaga ilagay bigla ka nalang sumusulpot tsaka wag ka nga makisali sa usapan ng may usapan" sita ko sa kanya.
Siya pala si Yurikou Shoukama, Yuri for short ayoko nga tawagin ng Yurikou iww parang inaangkin ko sya pag tinatawag na Yurikou?
" Heh! pasalamat ka nandito ako hinahanap ka ni Mami Bebang doon sa labas ng gate pinapasabi kung free time ka ba daw mamaya isasama ka daw nila doon sa kapitbahay nating baranggay gagawin ka niyang assistant may magpapa rebond daw doon" nakapameywang niyang sabi sakin
Tila lumiwanag ang aking mga mata, tumango tango ako ng sunod sunod na para bang sabik na sabik magpunta. Sino ba namang hindi eh raket na yun. Kung may raket katumbas ng raket ay pera. Maiibsan na kahit papaano yung mga bayarin dito sa school.
"Sana uwian na" yan nalang ang tangi kong hiling ngayong oras na ito