bc

My Dominant Boss

book_age18+
39.0K
FOLLOW
554.6K
READ
drama
sweet
office/work place
cheating
like
intro-logo
Blurb

Everything is a game changer but not for Serene.

Lahat na yata ng santo ay tinawag na niya para malagpasan niya ang dagok sa buhay. Namatayan ng nanay, iniwan ng ama at ngayon ay nag-aalaga ng kapatid na may autism. Pinasok na niya ang lahat ng trabaho, naging waitress, kusinera, katulong at kung anu-ano pa. Hanggang sa mapadpad siya sa isang mansyon na pag-aari ng isang kilalang tao. She doesn't know everything about that place until she found out that the place where she is, is a place where she can meet the boss. Evo, her sexy evil boss. The one who will slave her but eventually fall in love with her. Is he the one who change her life or the one who will make it miserable?

My Dominant Boss

All Rights Reserved 2020

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ISANG malakas na sigaw ang umalingawngaw sa isang apartment sa Tondo Manila. Lahat ay nagambala nang magsisigaw si Aling Nilda, ang landlady ng apartment. Ilang buwan na kasing hindi nagbabayad ng upa si Serene. Lagpas na kasi siya sa ibinigay niyang palugit na isang linggo. Nagliparan ang mga bag na naglalaman ng mga gamit at damit nilang magkapatid dahil pinaghahagis ito ni Aling Nilda mula sa ikalawang palapag ng kanyang paupahan. Mangiyak-ngiyak na pinulot ni Serene ang mga bag habang ang kapatid niyang si Sam ay walang kamuwang-muwang sa nangyayari. Labindalawang taon na ito ngunit parang bata pa rin kumilos at mag-isip. May autism kasi si Sam at tanging si Serene na lang ang nag-aalaga rito. “Aling Nilda, bigyan ninyo pa ako ng isa pang linggo. Pangako po, magbabayad po ako,” pakiusap ni Serene ngunit hindi ito pinansin ni Aling Nilda. “Naku, Serene! Ilang beses ko nang narinig ’yan pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabayad. Ang mabuti pa, lumayas na kayong magkapatid!” bulalas ni Aling Nilda at walang nagawa si Serene. “Aling Nilda, maawa naman po kayo sa kanila! May sakit na nga si Sam palalayasin n’yo pa sila!” Siya namang pagdating ni Andoy nang mapansin si Aling Nilda na sinisigawan si Serene. Si Andoy ay matalik na kaibigan ni Serene na may lihim na pagtingin sa kanya, ngunit hindi naman nito magawang ligawan siya dahil namamasukan lang ito bilang isang mekaniko sa talyer at stay-in lamang ito sa amo nito. “Hoy, Andoy! Huwag kang makialam dito, ha?! Kung gusto mo, kupkupin mo ’yang dalawang ’yan para wala na akong problema rito!” sigaw ni Aling Nilda. “Grabe naman po kayo. Hindi na kayo naawa sa magkapatid. Ganyan ba katigas ang puso ninyo?!” bulalas ni Andoy kay Aling Nilda. “Wala akong pakialam kung ano pa’ng gusto mong sabihin! Paupahan ’tong pinapatakbo ko; hindi bahay ampunan! Hala sige! Layas!” sigaw muli ni Aling Nilda. Wala nang nagawa sina Serene at Andoy. Binitbit ni Andoy ang ilan sa mga gamit nina Serene at Sam habang siya naman ay maluha-luhang hawak ang kapatid papalabas ng kanto nila. “Paano kayo niyan, Serene? Saan na kayo pupunta niyan?” usisa ni Andoy. “Hindi ko alam, Andoy. Siguro makikiusap muna ako sa T’yang Julia ko na baka puwedeng doon muna kami pansamantala habang wala pang malilipatan,” paliwanag ni Serene. “Pasensiya ka na, ha? Nakikitira lang kasi ako sa amo ko kaya hindi ko rin kayo kayang kupkupin,” wika ni Andoy na awang-awa sa magkapatid. Gustuhin man nitong tulungan si Serene ay wala itong magawa. Kahit kasi sa sarili ay hindi nito magawang ibigay ang gusto. Maliit lang kasi ang suweldo nito bilang isang mekaniko at pinagkakasya na lang nito iyon pangsustento sa sarili at sa pamilya nito sa probinsya sa Marinduque. “Huwag mo na problemahin ’yon. Salamat, ha, nandyan ka para damayan ako,” wika ni Serene at hinawakan si Andoy sa balikat. Tila nag-init ang mukha ni Andoy. “Naku! Huwag mo alalahanin ’yon. Basta tandaan mo na palagi lang akong narito,” wika naman ni Andoy na may malapad na ngiti at tinapik ang kamay nito sa balikat. “Oh paano? Aalis na kami. Mag-iingat ka palagi, ha?” wika ni Serene. “Kayo rin, mami-miss ko kayo ni Sam,” paalam ni Andoy at yumakap kay Sam. “Oh ikaw, Sam, huwag mo pasasakitin ang ulo ni Ate, ha? Magpapakabait ka,” wika naman nito kay Sam. “Opo, kuya,” tugon naman ni Sam at yumakap na rin kay Andoy. Ilang saglit lang ay isang jeep ang tumigil sa harapan nila. Halos mapaluha si Andoy nang magpaalam ang dalawa rito. Ngunit wala itong magagawa kung ’di sundan na lang ang tingin ang jeep na sinasakyan ng dalawa hanggang sa makalayo sila. Sa may Mandaluyong nakatira ang tiya nilang si Julia. Kapatid ito ng namatay nilang nanay na si Juanita. Mabait naman sa kanila ang kanyang tiya ngunit alam nina Serene na naghihikaos din sa buhay ang tiya nila. Kung kaya’t ganoon na lamang ang paglalakas-loob niyang lapitan ito. Ito na lang kasi ang tanging kamag-anak nilang natitira. Ang ama naman nila ay iniwan sila nang mamatay ang ina nila mula sa cancer. Naghanap ng ibang pamilya at si Serene na lang ang tanging bumubuhay kay Sam. “T’yang Julia,” bati ni Serene nang pagbuksan sila ng pinto ni Julia. Naka-duster lamang ito at basa ang kamay na may kaunting bula. Marahil ay naglalaba ito nang katukin ito nina Serene. “Oh, Serene? Ano’ng ginagawa n’yo ritong magkapatid? Halika, pasok kayo,” pagpapatuloy ni Julia sa magkapatid sa tagpi-tagpi nitong barung-barong. “T’yang, pinalayas na po kami sa inuupahan namin,” paliwanag ni Serene. “Naku! Eh, ganoon ba? Eh, ’di kung ganoon dumito muna kayo ni Sam. Pero itong salas na lang ang maari ninyong tulugan.” Awang-awa si Julia sa dalawa nitong pamangkin at alam nito na kailangang-kailangan ng dalawa ng tulong. Kaya kahit mahirap ang sitwasyon ni Julia ay tinulungan pa rin nito ang dalawa. Sampu kasi ang mga anak nito habang ang asawa naman nito ay namamasukan lamang bilang isang tsuper ng jeep at ito naman ay ume-extra bilang labandera. “Maraming salamat po, tiya. Okay na po sa amin na dito na lang kami sa salas ni Sam. Pero tiya, may pakiusap po sana ulit ako,” wika ni Serene. “Sige ano ’yon?” ani Julia. “Baka po puwedeng iwan ko muna rito si Sam, maghahanap po muna ako ng trabaho. Para naman po hindi kami maging pabigat sa iyo,” paliwanag ni Serene. “Sige pero magpahinga ka muna. Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko muna kayo ng pagkain,” alok ni Julia sa dalawa. “Okay lang po ako. Si Sam po pakibantayan po muna. Pangako po babalik po ako kaagad,” paalam naman ni Serene at inayos ang sarili. Kinuha ang lumang wallet at inilagay sa bulsa. “Sige. Mag-iingat ka,” paalala ni Julia at umalis na si Serene. Ilang mga karinderya at tindahan din ang pinutahan niya ngunit halos lahat sila ay ganito ang mga sinasabi: “Pasensya na, walang bakante ngayon, eh.” “Hindi kami tumatanggap ng aplikante ngayon.” “Balik ka na lang kapag may bakante na kami.” Nadismaya si Serene sa mga naririnig niya ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Matiyaga pa ring naghanap si Serene ng trabaho. Habang naglalakad si Serene ay nakaramdam siya ng pagkagutom ngunit hindi niya ininda ’yon. Pamasahe na lang kasi ang natitirang pera sa wallet niya. Habang tumatawid siya sa kalye para puntahan ang isang karinderya na namataan niya ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Dahil sa alinsangan ng panahon ay halos wala na siyang lakas kaya bago pa man siya makarating sa kabila ay nawalan siya ng malay at isang humaharurot na SUV ang nakabundol sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.0K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

NINONG II

read
619.3K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Young Master's Maid

read
749.5K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
453.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook