“I AM so grateful for your plans here. Napakaganda ng plano mo sa resort na ito,” masayang wika ni Mister Muñoz nang ipakita ni Lucille sa kanya ang blueprint ng mga infrastructure projects na kaniyang na-propose. Maganda ito at siguradong maraming turistang pupunta. Hindi gaanong magastos sa materyales kaya naman tuwang-tuwa si Mister Muñoz. “It’s my job, Mister Muñoz. Ginawa ko lang po kung ano ang gusto ninyo,” nakangiting tugon ni Lucille. Kasalukuyan silang nasa isang bulwagan kung saan plano nilang baguhin at palakihin din ito upang mas lalo pang ma-engganyo ang mga tao na dito ganapin ang mahalagang okasyon. “And it is more than what I’ve expected. Hindi talaga ako nagsisisi na ikaw ang kinuha ko,” ani Mister Muñoz. “Thank you for your trust, Mister Muñoz. You will not regret thi

