SINUKOB ng liwanag ang loob ng silid ni Evo. Madaling araw na siya nang makauwi sa bahay. Naalimpungatan siya sa sinag ng araw na tumama sa nakapikit niyang mga mata. Nakakasilaw iyon ngunit may nakakaengganyong liwanag para sa kanya kaya naman pinilit niyang imulat ang mga mata at mula sa kanyang pagkakahiga ay napaupo siya sa kama. Bahagyang kinusot ang mga mata at natulala. Iniisip pa rin kung bakit pumapasok sa isipan niya si Serene gano’ng si Stella ang katalik niya kagabi lamang sa kanyang sasakyan. Tiningnan niya ang alarm clock na nakapatong lang sa bedside table. It’s already nine o’clock in the morning. Medyo late na para pumasok sa opisina pero alam niyang hindi tatakbo nang maayos ang kompanya kapag wala siya rito. Bumangon siya sa kama at naglakad. He wore his boxers, just hi

