SAMA-SAMA silang nag-bonfire nang gabing iyon. Magkatabing nakaupo sa small couch sina Evo at Stella. Hindi talaga nahiwalay si Stella kay Evo simula nang dumating sila sa beach na iyon at kahit anong iwas ni Evo ay hindi niya magawang itaboy ito dahil hindi naman niya ugaling manakit ng babae. Sa tapat naman nila ay naroroon sina Eric at Serene— magkatabing nagkukuwentuhan sa kabilang couch. Wala sa isipan ni Serene na tabihan si Eric ng mga panahon na iyon. Pero wala siyang naging choice dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan. Nakaupo kasi sa kabilang upuan sina Mang Tony at Yaya Huling samantalang nasa single couch naman si Lucille. Panay ang tawanan nina Eric at Serene. Kinukuwento kasi nito ang mga nakatatawang nararanasan nito sa mga pasyente habang si Lucille naman ay may katawa

