LABIS ang kagalakan at sayang nararamdaman ni Evo. No words could explain how happy he was now that Serene was back. Pinagmamasdan lang niya ito habang natutulog sa kanyang braso. They had a great night. Ninamnam nila ang gabing muli silang nagkasama. Halatang nasabik sa isa’t isa kaya naman hindi nila pinalagpas ang bawat halik at yakap habang magkasama sa iisang kuwarto. Alas-sais na ng umaga pero mahimbing pa ring natutulog si Serene na nakapatong ang ulo sa kanyang bisig. Hindi naman natinag si Evo sa pagtitig sa napakagandang mukha ni Serene, kahit ito pa ay tila nagigising na. “Good morning, beautiful,” nakangiting bati ni Evo. Hindi pa rin niya magawang alisin ang mga mata sa napakaamo nitong mukha. Pinagmasdan niya ang bawat detalye nito; ang napakapula nitong labi na sadyang ma

