HINDI pa rin maalis ang titig ng dalawa sa isa't isa. Nakaramdam si Evo ng kakaibang kabog sa kanyang dibdib nang masalo niya si Serene. Nagtama ang kanilang mga mata na para bang sinasabing siya lang ang babaeng nagpatibok ng ganoong kabilis sa kanyang puso. Tumigil ang oras nang mga sandaling iyon para sa kanilang dalawa at tila kahit kurap ay hindi mawawaglit ang titig ng kanilang mga mata sa isa't isa. That moment was the first time that they felt something odd within and it is inevitable. No one could steal their drowning glares from each other. Sino nga namang hindi malulunod sa mga titig ni Evo? Ang mapungay nitong mga mata na para bang dadalhin ka sa lugar na nais mong puntahan kapag natitigan mo na. Samantalang ang mga labi naman ni Serene ay parang nakakaakit halikan para kay Evo

