“CHEERS!” Sabay-sabay itinaas nina Stella, Lindsay, at Keeno ang kanilang mga baso na may alak. “Congrats, girl. You made it!” bati ni Lindsay. “Thanks!” Nakangiti nitong sinulyapan ang dalawa bago inumin ang alak. Pagkatapos ng matagumpay na plano ni Stella ay inanyayahan niya ang dalawa na samahan siya sa kasiyahan. Pinaunlakan naman siya ng dalawa. It was a great victory for Stella. Ngayong nagawa na niyang sirain ang relasyon ni Serene at Evo ay makauusad na siya sa susunod niyang plano. Kung ano iyon? Tanging siya lamang ang nakaaalam. “So what’s your next plan, Stella?” usisa naman ni Keeno habang malantik ang kamay na pinaiikot ang baso na kangang hawak. “You will see,” wika ni Stella. Muli na namang sumingit sa kanyang labi ang isang makahulugang ngiti. Itinaas-baba pa niya ang

