ABALA si Eric sa mga pasyenteng nagpapatingin sa kanya sa kanyang klinika. Halos ilang oras lang ang tulog niya dahil sa napakaraming trabahong bumabalandra sa kanya. Pero wala siyang magawa dahil iyon ang pinili niyang propesyon. Masaya naman siya sa napili niyang propesyon at nagpursige siya para lang makamit ang ninanais. May sariling ospital si Eric na pinagsikapan niyang itayo. Malayo na ang narating ng magkapatid ngunit kung ikokompara kay Evo, mas malayo ang narating ng kuya niya sa kanya. Wala namang kaso kag Eric iyon. Ang mahalaga sa kanya ay mahal niya ang trabaho niya. Kaya lang sa gitna ng pagiging doktor ay may natatagong kapilyuhan si Eric. Bukod kasi sa ospital na ipinatayo niya ay may sarili pa siyang clinic na malapit lang sa kanyang bahay. Bukod sa pagiging OB Gynecologi

