DUMATING na ang takdang oras. Bumaba sa roof top helicopter deck ng building ang chopper ni Evo. Kasama ng pilot ang isa pang assistant pilot na siyang umalalay kay Serene at Evo. Pero bago pa man makapanhik ang dalawa papasok ng chopper ay halos manginig sa takot si Serene. Ito kasi ang unang pagkakataon na sasakay siya ng sasakyang panghimpapawid kaya naman halos magdalawang-isip siya kung papayag sa kagustuhan ni Evo. Pero wala na siyang magagawa dahil nakahanda na ang lahat. Naroon na rin ang iba pang tauhan ni Evo para umalalay sa kanila. Pakiramdan niya ay isa siyang reyna na pinagsisilbihan ng mga ito. “Evo, natatakot ako!” sigaw ni Serene dahil sa lakas ng tunog na nanggagaling sa elisi ng chopper habang nasa tabi ni Evo. Humawak siya nang napakahigpit kay Evo at ramdam nito ang k

