Chapter One: Alvah University

1241 Words
Zurie's POV Nasa Tapat ako ngayon ng Alvah University. Mukha itong lumang kastilyo. Tago rin ang paaralan na ito. Nang pumasok ako ay agad na napatingin ang karamihan sa'kin. Malamang ay naamoy nila ang dugo ko. Karamihan sa kanila ay sobrang puti ng mga balat na akala mo ay wala na silang buhay. Sikreto ang paaralan na ito. dadaan ka muna sa napakalaking gubat bago makapunta dito. May map na nakaipit sa libro ni mommy at ginamit ko yung kotse namin para makapunta dito. Napatingin ako sa paligid. Maraming puno na nagtataasan ang nakahilera, may mga bench din sa gilid, may mga pulang bulaklak naman sa paligid at may isang malaking clock sa pinaka tuktok ng school tower. Dumiretso ako sa main building, malaki at malawak dito sa loob. May malaking kulay transparent na chandelier sa gitna na katapat ng hagdan na parang sa mga palasyo. Kupas na blue naman ang kulay ng pader, Kulay puti ang mga kurtina at puro naglalakihan ang mga bintana dito. Marami estudyante din ditong busy na busy sa paglalakad, pag-akyat, pagbaba at may iba namang nagkukwentuhan sa gilid. Tinignan ko yung map sa gilid ng entrance. Sa 2nd floor ang Principal's Office. Nagsimula na akong maglakad papunta sa 2nd floor. Pag-akyat ko ay napatingin ako sa isang babae at lalaki na nakatingin sa'kin ng matalim. Kulay Blue ang mga mata nila na malumay. Pero bakit blue? ang pagkakasabi ni mommy ay pula ang kanilang mga mata. Pero siguro.. dahil tao sila? Hindi ko na lang sila pinansin at tumungtong na sa pangalawang palapag. May mga vase na malaki dito at may halaman. Maganda din ang desenyo dito, para talagang syang Kastilyo. Naalala ko ang sinabi ni Mommy na wag daw ako dito mag-aaral kahit na anong mangyari pero nasa panganib sya ngayon. Kailangan ko syang iligtas. Nang nasa tapat na ako ng Principal's Office ay kumatok ako at binuksan ang pinto. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod. Kita ko ang buhok nyang kulay puti na hanggang bewang. Nakasuot sya ng pula na dress, itim na sapatos at may hawak syang isang libro. "Excuse me," mahina kong tawag sa kan'ya at humarap naman sya sa'kin. Nakita ko ang pula n'yang mga mata. Sobrang puti n'ya din. "Miss Zurie Belladona Angeni?" tanong n'ya sabay lapit sa table n'ya. Hindi ako sumagot at tumango lang. "You may sit," utos nito sa akin kaya naman lumapit ako sa table n'ya at umupo sa kan'yang harapan. "Here are the rules and some information of Alvah University." Inabot n'ya sa akin yung itim na libro. "The 10 Main Rules are.." Huminto s'ya saglit at tumingin sa'kin ng seryoso. "All Vampires are allowed to attack Humans." "What?' Agad akong napatayo dahil sa narinig. "Do you have any problem with that Ms. Angeni?" tanong n'ya na nakataas ang kaliwang kilay. "Of course-- none. Please continue." Agad din naman akong umupo. Para to kay mommy. Kaya mo'to Zurie. "But.. once they are caught, they will be punished." Nakahinga naman ako nang maluwag. "Second .. you are allowed to make friends with vampires but.. no romantic relationship. It's forbidden," madiin n'yang sabi nya at tumango lang ako. Walang problema dito sa Rule na'to. Dahil wala naman akong balak kumaibigan ng isang Bampira at lalong-lalo na makipagrelasyon. Si Mommy ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at hindi dahil gusto ko. "Third is, you can't complain kung sino ang makakasama mo sa dorm." Tinignan ko yung book na binigay nya. Mga information ata ito about sa Alvah University. Medyo makapal din ito. "Fourt is.. you can't go to the Boy's Dormitory." Pinagdiinan nya rin ito. Parang pupunta naman ako dun. "Fifth, you have to cooperate to all the activities here." "Wait, what if hindi naki-cooperate?" Nakakunot noo kong tanong sa kan'ya. "Detention room," nakangiti n'yang sabi. "Sixth, once you enrolled to this school.. kailangan mong magtapos dito hanggang 4th year.. and you're already 4th year student right?" tanong nya sa akin. "Yes," Sagot ko at tumango. "Seventh, you Shall not Leave this school unless you have my permission. Do you understand?" "Yes." "Eight, no visitors." Hindi ako sumagot at tumango lang dahil wala naman talagang bibisita sa'kin dito. Mag-isa na lang naman na ako. "Ninth, You can kill a Vampire." agad akong napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi nya. "But once you've been caught, you will be punished. Same sa rule 1," Sabi n'ya sabay ngiti sa'kin kaya naman napayuko ako bigla. Baka mahalata n'ya yung plano ko. Hindi naman diba? damn. Nakakakaba pala itong pinasok ko. "And lastly, Kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ng 7's," sabi nito at tumayo na kaya naman ay tumayo na din ako. "7's?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "You will know them later or sooner," sagot nito. "So.. your dorm room is 54th and in building B, third floor. You may go now." Lumapit kami sa pintuan at pinagbuksan n'ya ako nito. "Thank you Ms. Principal," sabi ko at ngumiti sa kan'ya tapos ay lumabas na. Nang makalabas ako ay nakahinga na din ako ng maluwag. Kaninang nandun ako sa loob ay hirap ako huminga at hindi ko alam kung bakit. Iba ang ambiance sa loob. Nakakatakot. Binuklat ko ang itim na libro habang pababa na. Nasa building A pala ako. Paglipat ko ng pahina ng libro ay nakita ko ang mga Buldings. Building Building B C Building A Building A - Principal's Office, Class rooms, Cafeteria, Organizations/Club's Room, library and etc. Building B - Girl's Dormitoty, mini cafeteria, and mini library. Building C - Boy's Dormitory, mini cafeteria, and mini Library. Nang makalabas na ako sa Building A ay napatingin ako sa paligid. Kanina lang ay maraming mga estudyante dito. "Huh?" Napakunot ang aking mga noo. Nasan na sila? Bakit walang tao? Anong nangyayari? Napakayap ako sa braso ko. Kakaiba rin ang hangin dito. Nakakapangilabot, malakas at malamig ito. Dumilim din ang langit. Tinignan ko ang relo ko. 05:00 P.m. "Ang aga pa ah?" naguguluhan kong sabi at nagsimula na lang maglakada papunta sa Building B. Baka nasa dorm na silang lahat. Nakakapagtaka. Wala namang nabanggit ang Principal sa akin tungkol dito. Dumaan ako sa kanan dahil ito yung nakasulat sa map na nasa libro na binabasa ko ngayon. Biglang hinangin yung mga dahon sa sahig papunta sa paahan ko at parang may paparating. Lilingon ba ako? "Hey!" nagulat ako nang may humila sa kamay ko at nagtago kami sa gilid. "What--" "Shhh," agad n'yang sabi at pinatong ang index finger sa labi para sabihing wag mag-ingay. Kulay itim ang mga mata n'ya. Dark brown ang buhok, sobrang puti ng balat at nung nag-shh s'ya kanina ay nakita ko ang dalawa n'yang matulis na pangil. Hindi ako makagalaw. Ngayon lang nangyari ito sa'kin, na may isang bampirang sobrang lapit sa'kin. "Hey Zach!" Napatingin ako sa kanina kong pwesto nang marinig na may nagsasalita doon ngayon. May nakatayong pitong bampira doon ngayon. Apat na lalaki at tatlong babae. Pero di ko sila gaano makita dahil sa wala akong suot na salamin. Naaaninag ko lang na lahat sila ay nakasuot ng puti. "Sila ang 7's." Di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin ngayon. Sila ba yung tinutukoy ng Principal kanina? na kailangan sundin ang lahat ng gusto at sabihin nila? "Let's go. They might kill the both of us, Zurie," sabi ng bampirang humila sa akin at hinila ako dahan-dahan paalis dito. How did she know my name? And what the hell is happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD