PROLOGUE:

444 Words
Pagbukas ko ng pinto papasok sa bahay ay nagulat ako sa aking nakita. Bakit ang gulo gulo dito sa bahay? yung mga upuan ay nakataob pati narin yung lamesa at iba pang mga gamit. Nagkalat naman sa sahig yung mga basag na vase. Anong nangyari? pero isa lang ang nasa isip ko.. "Mommy!" tawag ko kay Mommy. Pumunta ako sa kusina at mga basag na plato at baso lang ang nakita ko. Parang dinaanan ng Bagyo. Wala sya dito, nasan sya? agad akong nagtungo sa hagdan at umakyat. Magulo din dito sa corridor. Yung mga nakasabit na pictures ay nasa sahig at worse ay basag at warak yung mga frame. Mas lalo akong kinabahan. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Mommy ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay nakapatay ang ilaw. Kinapakapa ko yung switch sa pader at nang bumukas na yung ilaw ay ginala ko ang paningin sa loob ng kwarto ni Mommy. Napakunot ang noo ko nang makitang hindi magulo dito sa loob. Naglakad ako papunta sa kama nya at may nakita akong envelope na itim. Kahit natatakot ako ay kinuha ko ito. Pagtingin ko dito ay isa lang itong plain na itim na envelope. Binuksan ko ito at may papel na nasa loob. "If you don't go here. Your mom will die, Zurie." Tinignan ko yung likod ng papel at may picture doon ni Mommy na naka-blind fold at nakahiga sa isang kama na maraming kandila at red roses sa paligid. "Mommy.." Nagulat ako nang makita ang picture nya. Nasan sya? Sino ang kumuha kay Mommy? Bakit nila kinidnapped si Mommy? Anong nangyayari? "Where should i go?" Bulong ko habang nakayuko. Nanlalabo na ang paningin ko. Si Mommy.. sya na lang ang natitirang pamilya ko. Napansin kong may isa pang papel sa loob ng envelope. Agad ko itong kinuha at tinignan. "Vampire Academy?" Naguguluhan kong basa dito. Agad na nag-flashback sa isip ko yung librong naiwan ni Mommy last time sa table sa living room. Sa sobrang curious ko non ay binasa ko ito. Tungkol ito sa mga Vampire. Baka nakasulat din duon kung pano makapunta sa Vampire Academy. Humarap ako sa mga libro ni Mommy at ini-scan ang bookshelves n'ya pero wala ito dito. Nasaan? saan yun nilagay ni Mommy? Damn! Napatingin ako sa drawer katabi ng kama ni Mommy. Binuksan ko iyon at sa wakas ay nakita na rin ang libro. Kulay silver itong parang kupas at may mga roses na design ito sa gilid. Huminga muna ako ng malalim tsaka kinuha ang libro. "Wait for me, Mom." I'm Zurie Belladona Angeni Achyls and now.. I'm going to the Vampire's World, to save my Mom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD