Kabanata 21 "Adi, malapit na New Year's Eve, hindi pa rin kayo nag-uusap ni Adam." Sabi ni Ashley. It's been two days ng nangyari 'yong pagsigaw ni Adam sa akin simula no'n ay hindi na kami nag-uusap. Sabay kaming kumakaing apat pero sila Ashley lang at Eli kinakausap ko, kinakausap pa rin naman nila si Adam. Pursigido ang dalawa na ipagbati kaming dalawa pero walang epekto pa rin sa akin. I was just concern about him. Is it really necessary to shout at me? Gusto ko lang naman talaga malaman kung may problema siya, hindi 'yong kinikimkim niya 'yong problema at sa huli ay sigawan ako "Hayaan mo na." Hinihintay ko lang humupa muna 'yong tensyon sa pagitan naming dalawa bago kami mag-usap ulit. Kakatapos lang naming kumain at nauna nang umalis si Adam dahil may schedule operation pa daw

