Kabanata 20 "I hope we're not disturbing something." Napahinto kami sa ginagawa namin. At mukhang hindi maganda 'yong pwesto naming dalawa dahil medyo nakapatong na si Tyler sa akin. Nang nakita namin sila ay umaayos kami ng upo ni Tyler. "Mom, Dad," Sambit ni Tyler. Tumayo ako para batiin sila "Magandang umaga po Ma'am at Sir." Nakakahiya, naabutan pa talaga kami na gano'n ang posisyon naming dalawa. Feeling ko namumula na ako dahil sa hiya. "I guess we are bad timing, honey." Sabi ng Papa ni Tyler na nakangisi. "P-Pasensya n-na po!" s**t! Na-uutal na ako. Tumikhim ang ina ni Tyler at mas kinabahan pa ako lalo. Inayos ko na lang palihim ang dextrose ko. "What exactly happened yesterday? Pasensya na at ngayon lang kami nakabalik. Inaasikaso pa namin ng Daddy mo 'yong nangyari kaha

