bc

Loving Him (COMPLETED) Filipino

book_age18+
35.8K
FOLLOW
168.8K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
arrogant
CEO
others
comedy
twisted
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Levi woke up every morning with a heavy heart, dreading the inevitable encounter with Mike. She couldn't comprehend why Mike had such intense hatred towards her, always finding ways to belittle and demean her. Levi attempted to disregard the hurtful comments and taunts, but it cut her deeply.

As time passed, Levi's patience began to wear thin. She could no longer tolerate the constant abuse. One day, she confronted Mike and asked him why he treated her so terribly. Mike merely laughed and insulted her, calling her weak and pathetic.

However, something inside Levi snapped that day. She refused to allow Mike to have control over her any longer. Standing tall, she looked Mike in the eye and informed him that she would no longer tolerate the abuse.

Mike was taken aback by Levi's sudden display of strength, and for the first time, he saw her as a person rather than just a target. Over time, Mike's attitude towards Levi changed. He ceased the insults and began to show her a grudging respect for standing up to him.

Levi learned that sometimes, you have to fight back to be treated with dignity and respect. She was determined to never allow anyone to make her feel small again..

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Ano na namang problema mo Levi ba't ka nakanguso diyan?" tanong ng kaibigan niyang si Tessa. "Si Sir Mike kasi ang aga-aga mainit na naman ang ulo, minsan naisip ko may regla iyang boss natin, e," nakasimangot na sagot niya sa kaibigan. "Na naman? Ano na naman kayang problema ni sir?" may pagtatakang tanong ni Tessa at naupo sa kanyang mesa at hinarap ang sariling computer. "Aba, malay ko ba sa boss nating iyan, magmula nang dumating iyong mestisang bangus kanina nagkaganyan nalang bigla," sagot niya sa kaibigan. "Baka nag-break sila, o 'di kaya'y may miss-understanding 'yong dalawa, o 'di naman kaya'y girlfriend ni boss Mike 'yon?" Napapaisip na saad naman ni Tessa sa kanya. "Ewan ko sa kanila, okay sana kung sila lang dalawa ang mag-away, iyong pati ba naman empleyado niya'y pag-iinitan niya ng ulo aba naman hindi naman yata tama iyon noh, hustisya nasaan na?" talak ni Levi, at saka naman bumukas ang pinto ng opisina ni Mike. "What did you just say?" iritadong tanong ni Mike sa dalaga, na ngayon ay nakakunot ang noo. "P-po?" medyo gulat na tugon ni Levi sabay harap sa boss niyang ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya. Napalunok siya at ngumiti ng hilaw dito. "Yes, sir? May kailangan po kayo?" nakangiti niyang tanong dito. "I said, what did you say? Hindi ako tanga Ms. Velez para hindi malaman kung sino iyang tinutukoy mo." kunot noo paring tugon ni Mike sa dalaga, samantalang si Tessa ay kunwari nakaharap sa computer ngunit ang totoo'y nakiusyuso sa iringan ng dalawa. "Fine! Oo na aaminin ko na! Paano ba naman kasi sa tuwing may babaeng pupunta dito sa opisina mo, at lalabas diyan sa pintuan mo, lagi mo nalang akong dinidiskitahan na bulyawan, kung tutuusin hindi mo naman ako sekretarya, aba naman sir hindi naman po taman 'yon 'di ba?" nanggagalaiting turan ni Levi sa binata na ngayon ay nakaigting na rin ang mga panga. "Paano ba naman, e wala ka namang nagawa sa kompanyang 'to kundi puro palpak 'yang mga trabaho mo, kung bakit naman kasi inilagay ka pa rito nina Dad, wala ka namang silbi." may diing turan ni Mike sa huling sinabi nito. Kumurot iyon sa puso ni Levi. Pinigilan niya ang sariling wag maapektuhan sa salitang binitiwan nito. "Damn you woman!" si Mike at mabilis na tumalikod sa kanya at umalis. Saka lang tumulo ang nagbabantang luha na kanina pa niya pinipigilan, ayaw niyang umiyak sa harapan ni Mike at baka pagtawanan siya nito. Magmula ng mamatay ang kanyang ina at naulila siya sa pamilya Montenegro, isang mayordoma ng mga Montenegro ang kanyang ina, at dahil wala na siyang malapit na mga kamag-anak, kinupkop siya ng mag-asawa Montenegro, pinag-aral siya ng mga ito at minahal at tinuring na parang anak, at para sa mag-asawa hindi na siya iba sa mga ito. Likas na mabait ang mag-asawang Montenegro na siyang hindi naman namana ni Mike. "Levi, tahan na, hayaan mo nalang 'yon ikaw naman hindi ka na nasanay sa boss nating iyon. Alam mo namang araw-araw may regla iyon, gwapo sana pero ubod naman ng sungit," palatak ni Tessa habang himas-himas ang likod ng kaibigan, inalalayan niya itong maupo sa upuan nito sabay abot ng tissue. "Thank you." si Levi sabay singhot. "Walang anuman, sige na work na tayo, baka pagbalik no'n tayo na namang dalawa ang bulyawan no'n, 'yon pa naman ang laging habit no'n ang laging nambubulyaw, nakaka-stress din itong si Sir Mike, kung hindi lang talaga siya gwapo matagal na akong nag-resign dito, pasalamat siya't ubod siya ng gwapo," biro ni Tessa para patawanin ang kaibigan na ngayon ay sa tingin niya'y mukhang okay na. "Lukaret." *** Matamang pinagmamasdan ni Levi ang reflection sa salamin habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok, nang may marinig siyang katok mula sa kanyang pinto. Tumayo siya at binuksan ang pinto. "Ate Levi, pwede ba kitang maistorbo, magpapatulong sana ako para sa susuotin ko sa prom namin bukas," si Micah na kapatid ni Mike. "Sure, no problem," sagot niya at hinila na siya ng dalagita papunta sa kwarto nito. At nang makarating sa kwarto ni Micah ay agad na tinulungan niya ang dalagita, hindi naman mahirap mamili, dahil kahit anong damit naman ang isuot nito ay bagay rito, palibhasa'y maganda si Micah. "Nasaan na ba iyong binili ni Dad na sandals ko?" nakakunot-noong tanong ni Micah at nagpalinga-linga sa looban ng sariling kwarto. "Saan mo ba inilagay?" "Dito lang 'yon ate, e." "Baka nasa ilalim ng kama mo." Napahampas sa noo ang dalagita, at napangiwi. "I forgot ate, naiwan ko pala sa kwarto ni Kuya Mike, if you don't mind ate, pwede po bang pakikuha no'n, please ate, kailangan ko pa kasing i-text ang mga friends ko." "May magagawa pa ba ako?" naisagot na lamang ni Levi, labag man sa loob niya ang pakiusap ng dalagita pero kailangan niya parin itong pagbigyan, palibahasa'y hindi niya matiis ang paglalambing nito, kung ganito sana ang ugali ni Mike malamang magkakasundo siguro sila. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan, umaasa siyang sana wala si Mike sa kwarto nito, na sana nasa multi-gym ito niyon, kung saan doon ito nag-exercise. Nakita niya ang isang katulong at nagtanong dito. "Aling Sita, si Mike po nakita niyo?" "Hindi hija, ang alam ko nasa garden yata kasama si Zero." "Ah gano'n po ba, sige po salamat nalang." saad niya at dumiretso sa kwarto ni Mike, napansin niyang nakaawang ang pintuan nito, nagdadalawang-isip siya kung papasok o hindi. Panigurado siyang magtataka ito kung bakit siya pumaroon. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob, walang sumasagot kundi ang tahol ni Zero ang kanyang naririnig. Meaning, kung nandito si Zero nasa loob si Mike. Kung minamalas ka nga naman talaga. Kinabahan bigla si Levi abut-abot ang kaba na nadarama ng dalaga, paniguradong bulyaw na naman ang aabutin niya kay Mike. Napapikit siya sabay ngiwi at dahan-dahang pumasok sa loob. Nabungaran niya si Zero sa may carpet. Tumayo ang aso at lumapit sa kanya. "Zero, ikaw lang ba ang mag-isa dito?" wika niya habang hinahaplos-haplos ang aso at iginala ang paningin sa looban para hanapin ang box ng sandalyas ni Micah. Tumayo siya at lumapit sa kama ni Mike patungo sa may bedside table. Wala pa rin ang hinahanap niya, napasimangot tuloy siya. Napakamot ng ulo si Levi sabay nguso. "What the hell are you doing here in my room!" galit na turan ni Mike sa kanya at dahil sa pagkabigla niya'y napasigaw siya ng malakas. "Pwede ba 'wag kang O.A kailangan ba talagang sumigaw ka ng malakas?" huminto siya sa pagsigaw at napalingon sa binata. Tila hindi naman magkandatuto si Levi sa nasa harapan niya ngayon, naka-short lang na jersey si Mike at sa kaliwang balikat ay may puting towel, halatang kagagaling ito sa sarili nitong multi-gym. Napalunok siya ng bumaba ang tingin niya sa 6 pack abs nito. "Laway mo tumulo!" pasaring na tugon ni Mike sa kanya na lubha niyang ikinagulat at agad na nakabawi sa kahihiyang natamo. "Excuse me? Sanay na akong makakita ng ganyan a, at pwede ba wag kang manggulat, nandito lang naman ako para hanapin ang sandals na ipinahanap ni Micah sa'kin," kunwari galit-galitan niyang tugon sa binata sabay irap dito. "Nasa baba ng kama ko." "Thank you!" saad niya at tinungo ang ilalim ng kama. Mula roon nakita niya ang box at mabilis na kinuha ng hindi sinasadyang mauntog ang ulo niya sa kama. "Aray naman!" daing niya. Narinig niya ang pasaring na tawa ni Mike at maya-maya'y narinig niya ang pagsara ng pintuan ng banyo nito, sa tingin niya'y maliligo ang hudyo niyang boss. Napasapo siya sa sariling ulo at dahan-dahang tumayo habang hawak ang box na sinasabi ni Micah. May narinig siyang papalapit sa pintuan ng kwarto ni Mike at bumungad sa kanya si Micah. "Nakita mo na ate?" si Micah at ngumiti ito sa kanya sabay kuha sa box at mabilis na lumisan. "Thanks for this ate Levi."  Naiiling na lamang siya. Mabuti nalang at araw ng Sabado at walang pasok ibig sabihin makapagpahinga siya ng maayos, kung 'yan ay kung hindi siya pag-tripan ni Mike. Nagpakawala na lamang siya ng buntong-hininga at iniisip kung paano siya hihingi ng permiso sa mag-asawang Montenegro na gusto na niyang bumukod mag-isa, kaya lang ay paniguradong hindi sasang-ayon ang mga ito sa desisyon niyang iyon. Naisipan niyang magpahangin sa may hardin, gusto niya munang lumasap ng sariwang hangin. Umupo siya sa upuan at napangalumbaba. Paano nga ba niya uumpisahan? Napahilot siya sa sariling sentido at muli'y nagpakawala ng marahas na hininga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
468.4K
bc

My Son's Father

read
582.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.2K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
438.9K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook