Kabanata 4

1614 Words
Nagising si Levi sa mahinang katok sa kanyang pintuan, nag-inat muna siya bago tumayo at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Matagal siyang nakatulog kagabi dahil sa nagbabalik sa diwa niya ang halik na pinagsaluhan nila ng binata. Aaminin niyang masarap sa pakiramdam, pero masasabi rin niyang imposible dahil sa hinagap hindi niya tipo ang katulad ni Mike. "Pack your things, pupunta tayong lahat sa Hacienda Montenegro nakabubuti na doon muna natin dadalhin si Mama para sa kalusugan niya," tugon ni Mike sa kanya. Napaangat ang tingin ni Levi sa kausap. Kunot-noong nakatitig sa mga mata ng binata. Nang hindi sinasadyang bumaba ang tingin niya sa mapupula nitong mga labi, wala sa sariling napakagat sa pang-ibabang labi si Levi. "Titingnan mo na lang ba ako o ako pa ang magpapaligo sa'yo sa loob ng banyo mo?" seryosong turan ng binata ngunit bakas sa boses na nang-aasar lang ito sa kanya. "Ang kapal ng mukha mo! Subukan mo at nang makatikim ka sa'kin ng suntok," galit niyang saad sabay sara ng kanyang pintuan, pero bago pa niya maisara ito naharang na agad ito ng braso ni Mike. Nagulat ang dalaga sa ginawa nito at mabilis pa sa hangin na nakapasok ang binata sa loob ng kanyang kwarto. "Not so fast!" nakakalokong turan ni Mike sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo? Hindi ako nagbibiro Mike, makakatikim ka talaga sa'kin." Naiiling na napapangiti lang sa kanya ang binata at mabilis na tinungo ang kanyang drawer at may kinuha roon. Itinaas nito ang susi ng kotse nito at kumindat sa kanya ng pilyo. Paano nga ba napunta sa drawer niya ang susi ng kotse nito? Ano yun magic? "Wag kang O.A. heto lang kailangan ko, kung makapag-react kala mo naman re-rape-in kita, hindi ko type ang mga flat chested," tugon nito at saka siya tinalikuran. Saka lang siya nakahinga ng maayos, ngayon lang n'ya napansin na hindi na pala siya humihinga dala ng kaba. Napasapo siya sa kanyang dibdib, pagkatapos ay tinungo ang banyo para maligo. Napahawak siya sa sariling dibdib at napanguso. Ako flat-chested? Aba! Ang kumag ang kapal ng mukha! Sanay ka lang siguro makakita ng mga malalaki ang hinaharap. Bwisit na lalaking 'yon. Bulong ni Levi sa isip. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis agad si Levi. Mabilis ang kilos na inayos niya ang mga gamit sa loob ng kanyang maleta. Tumayo na siya at lumabas ng sariling silid. "Handa na ba ang lahat?" tanong ni Micah sa kanila at ngumiti ito nang ubod ng tamis, palibhasa'y excited itong pumunta ng hacienda dahil paborito nitong makasakay ng kabayo. "I'm glad na sasama ka pala sa'min hija, ilang araw na lang at bubukod ka na sa mga Montenegro," turan ni Mr. Montenegro napalingon sa gawi niya sina Mike at Micah. "Is that true ate, Levi?" nagtatakang tanong ng dalaga na bakas sa boses ang pagkagulat. Napansin niyang tahimik lang si Mike na waring sa tingin ni Levi ay nakikinig lang ito sa kanilang pag-uusap. Napatango siya kay Micah. "Oo Micah," sagot niya sa dalaga. Lumapit naman sa kanya si Mrs. Montenegro at yumakap sa kanya. " Pero hindi na matutuloy 'yon dahil ikakasal ka kay Mike. At alam kong hindi niyo ako bibiguin, sa taong tulad ko na malapit nang lisanin ang mundong ito," ani ni Mrs. Montenegro sa lahat ng naroon. Napaubo si Mr. Montenegro at napatakip sa bibig si Micah. Halatang gulat na gulat ang mag-ama. "Sweetheart, are you serious? Pero paano ang kinabukasan ni Levi, we know na hindi magkakasundo ang dalawang 'to? I think, that's not good sweetheart." object ni Mr. Montenegro. "My decision is final Marco, hindi ko bibigyan ng mana si Michael Angelo kung hindi niya pakakasalan si Levi. At walang makakapigil sa desisyon kong ito." "Pero Mama, how about ate Levi? Paano po ang feelings niya? Naisip niyo po ba iyon? I think, it's unfair po iyon sa side niya." Si Micah na hindi parin makahuma sa gulat. "No, for me, it's okay. I can handle it, two years lang naman kaming magsasama ng kuya mo, well, kung mag-work ang relasyon namin mas mabuti, kung hindi naman pwede naming i-annul ang kasal," simpleng turan ni Levi. Hindi n'ya alam kung saan siya kumuha ng lakas na sabihin iyon sa harapan ng mga Montenegro. Naiiling lang si Mike sa may gilid. "Do you think it is okay with me?" si Mike. Ngumiti si Levi sa binata nang pagkatamis-tamis saka hinila ang binata palayo, sumignal muna siya sa mag-asawa at kay Micah at hinila sa hardin ang binata. "Pwede ba, kung O.A. ako, mas O.A. ka. Pwede ba sakyan na lang natin ang mama mo sa gusto niya, dahil kung ako lang talaga hindi ako papayag sa gusto n'ya, for pete's sake Mike, alalahanin mo naman ang health ng ina mo kahit ngayon lang, pwede ba kontrolin mo 'yang sarili mo na magalit. Gawa tayo ng kasunduan pagkatapos ng kasal natin, problema ba 'yon. Uso naman 'yan, tulad na lang sa nababasa ko sa mga pocketbooks, w*****d, yugto, at dreame," mahabang paliwanag niya sa binata na ngayon ay nakatulala lang sa kanya. "Alam ko namang maganda ako e, kaya pwede ba sumagot ka na man. Ano na? Deal?" muli'y pukaw niya sa binata. Napalunok ang binata at napapailing sa mga sinasabi niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa dalaga. "I'm speechless, fine. I could say, you're an extra-ordinary woman na pati ang pagbabasa mo ng mga pocketbooks ay naa-apply mo sa sarili mong buhay." "Of course, life is like a fairytale. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo Mike. Kung wala sila siguro napariwara na ang buhay ko ngayon. Kaya sabi ko na man sa'yo 'di ba? Lahat kakayanin ko para sa pamilyang 'to." "Whatever! Could you please gett off your hands on me, let's go at baka ano na naman ang isipin nila sa atin." Kunot-noong tugon ng binata. Mabilis na nabitawan ni Levi ang isang braso ng binata. Napairap na lamang siya at sumunod sa binata pabalik sa kinaroroonan ng mag-asawa. "Get in," tugon ni Mike sa kanya. Kung bakit ba na man kasi dito pa siya sa kotse ng damuhong 'to pinasakay ng mag-asawa. Halata talagang pinaglapit sila ng ina ni Mike. Hindi na iyon bago sa kanya, nabasa na niya iyon sa mga librong binabasa. "Remind ko lang sa'yo ha? Huwag na huwag mo akong bulyawan. Kundi bababa ako dito sa kotse mo," paalala niya sa binata na ngayon ay naka-kunot ang noo. "Wala kang pakialam kung ano'ng gagawin ko, pwede ba 'wag mo akong pangunahan sa mga reaction ko, paalala ko lang sa'yo sampid ka lang sa pamilyang 'to! Baka kasi nakalimutan mo." seryosong tugon ng binata. Lihim na nasaktan si Levi sa salitang binitiwan nito ngunit nanatili siyang cool sa harapan nito. "Oh, ba't nandiyan ka sa likod? Levi hindi mo ako driver. Dito ka sa harap." Mabilis na kumilos si Levi at lumipat sa harap katabi ng binata. Ini-lock niya agad ang kanyang seatbelt. At nagpakawala ng marahas na hininga. At pinaandar agad ng binata ang kotse. Nasa labas ng bintana ang tingin ni Levi, nililibang ang sarili sa bawat nadadaanan nilang tanawin. Inayos niya ang earphone sa kanyang tenga habang nakikinig ng love songs. Hanggang sa hinila na nga siya ng antok. *** Nagising si Levi sa malambot na kama, iginala niya ang paningin sa kwartong kinaroroonan. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. At na-realize niyang nakatulog nga pala siya kanina sa kotse ng binata. Tumayo siya at sumilip sa bintana. Mula sa kinaroroonan niya'y nakita niya ang malawak na patag. Nandito na nga sila sa Hacienda Montenegro. Naligo muna siya bago lumabas ng kwarto. Hinanap niya ang mga kasama niya ngunit hindi niya ito matagpuan. Naisipan niyang lumabas at tinungo ang pool. Doon niya natagpuan sina Micah at Mike na matamang nag-uusap. Nagkubli siya sa may puno ng mahogany. "Kuya, is that really true? How come na napapayag ni Mama si Ate Levi?" "Hindi ko alam Micah, pwede ba 'wag na nating pag-usapan ang mga bagay na 'yan, I want to relax my mind," tugon ni Mike sabay tungga ng bote ng alak. "Don't you think, iyon ang tama Kuya? That's ridiculous! Sa tingin ko na man pwede pa kayong umatras ni Ate Levi." naghehesteriyang saad ni Micah. "Gustuhin ko mang tumutol pero hindi ko rin magawa Micah, inaalala ko ang kalagayan ni Mama. Ayoko siyang atakehin sa puso. Minsan nga naisip ko nagda-drama lang si Mama. And that's really unfair." naiiling na wika ni Mike. Napalunok si Levi mula sa kinakukublihan, maingat niyang nilisan ang pool at tinungo ang kwadra. Hinanap niya ang paborito niyang kabayo na si Sapira. Nadatnan niya roon si Mang Ben na nagpapakain ng mga kabayo. "Mang Ben, kumusta po kayo," bungad niya sa matanda. "Hija ikaw pala, mabuti na man at gising ka na. Mukhang pagod ka nga kanina sa biyahe dahil kahit anon'ng gising ni senyorito Mike sa iyo tulog mantika ka pa rin, mabuti na lang at naisipan niyang buhatin ka patungo sa kwarto." Gulat si Levi sa tinuran ng matanda, meaning si Mike ang bumuhat sa kanya, biglang namula ang kanyang dalawang pisngi, humihilik pa na man siya 'pag sobrang pagod. Lihim siyang napamura sa isipan. "Po, si Mike po ang bumuha sa'kin?" gulat niyang tugon sa matanda. "Oo hija, mabuti na lang napilit ni Mrs. Montenegro na buhatin ka," sagot nito. Biglang nanghinayang ang dalaga sa muling sinabi nito, akala pa na man niya concern ang mokong sa kanya, 'yon pala'y inutusan lang pala ito ng ina. Napasimangot tuloy siya sabay nguso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD