Macoy

958 Words
"Ano bang meron sa araw na'to at parang hindi ko kilala yung mga nasa loob ng pamamahay ko?" kitang kita ni Macoy kung paanong nairita ang magiging boss niya nung makita siya.  "Ang aga namang masungit." bulong niya sa sarili. Pero mukhang narinig ito ng babae dahil napalingon ulit ito sa kanya. Nakatingin ito sa kanya habang parang may inaabot ito sa bulsa ng kanyang bag.  Nilabas ni Violet ang cellphone mula sa bag niya at saka tinawagan ang kaibigan na si Adrian Sanchez.  "Good Morning, Dragon Lady" tatawa tawang bati sa kanya ni Adrian.  "Ang alam ko, kaya ko in-avail ang serbisyo ng agency mo ay para maramdaman kong safe ako. Paano ko mararamdaman na safe ako kung may pumapasok sa pamamahay ko na hindi ko kilala??" tuloy tuloy na litanya ni Violet kay Adrian.  "Ang aga namang mainit ng ulo mo Vi. Kaya nga ikaw si Dragon Lady eh." tumatawa pang sagot ng lalake kay Violet. Napabuntong hininga na lang ulit si Violet at alam na ni Adrian na nagpipigil na lang ng galit ang babae. Konti na lang sasabog na ito.  "Si Macoy yan. Siya yung pumalit sa driver mo na si Mang Andoy. Diba ngayon ang simula na wala si Mang Andoy, kaya ngayon ko siya pinapunta diyan" paliwanag ni Adrian.  "Ano man lang sana, yung pinaalam mo saken kung sino yung ipapalit mo, bago mo pinapunta dito sa bahay ko?" sagot ni Violet sa kanya na halatang halata pa rin ang pagka-irita.  "Nakalimutan ko?" tumatawang sagot ni Adrian.  "Hindi ko talaga alam sa'yo Sanchez kung ino-off mo yung pagiging matalino mo eh." tsaka na lang tinapos ni Violet ang tawag. Tsaka siya lumingon sa likod niya kung saan nandun si Marie. Napa-atras naman bigla si Marie dahil alam na niya. Masasabon na naman siya. Hindi pa man siya naglalaba, puro sabon na siya ngayong umaga.  "At ikaw naman? Bigla-bigla ka na lang nagpapapasok ng hindi mo kilala? Paano kung mamamatay tao pala yan?" tanong niya kay Marie.  "Ay Ma'am parang ang gwapo ko naman po masyado para maging mamamatay tao?" sumabat naman si Macoy. Tumingin ng matalim si Violet kay Macoy at sinagot ng, "Kinakausap ba kita?" tsaka lumingon ulit kay Marie. "Kasi sabi niya bagong bodyguard mo daw kaya pinatuloy ko na. Kasi nga alam ko hindi na papasok si Mang Andoy" paliwanag ni Marie kay Violet.  "Naniwala ka naman agad. Palibhasa gwapo, nadaan ka na naman sa ngiti." sabi ni Violet kay Marie. Namula naman ang mukha ni Marie, at bahagyang natawa si Macoy. Tumingin ulit ng matalim si Violet kay Macoy. Tsaka bumaling muli kay Marie.  "Ewan ko sa'yo Marietta. Yung binilin ko sa'yo ha. Wag mo ng pahirapan si Manang Rosie. Pagaanin mo ang trabaho at wag mong unahin yung kapitbahay." yun lang at dumiretso papuntang sasakyan. Agad namang kumilos si Macoy para pagbuksan ng pinto si Violet.  "Ano na ngang pangalan mo?" tanong ni Violet sa kanya.  "Macoy Ma'am, at your service." Sagot naman ni Macoy. Tsaka sumakay si Violet sa likod ng sasakyan. Isasara na sana ni Macoy ang pintuan ng sasakyan pero nagsalita ulit ang babaeng amo.  "May accent ka, laking america ka ba?" tanong ni Violet sa kanya. Bigla namang napahinto si Macoy.  "Ah, galing lang call center Ma'am" sagot naman ni Macoy, tsaka sinara na ang pintuan. Nang makarating na sa driver seat si Macoy ay agad nitong binuhay ang sasakyan at tsaka inatras para makalabas ng garahe. Habang si Violet ay busy ng nakatungo sa cellphone para magbasa ng ilang email para sa trabaho.  Habang nasa byahe ay tinanong ni Violet si Macoy. Inisip ni Violet na para na rin itong entry interview.  "Ilang taon ka na Macoy?" tanong niya.  "31 po Ma'am" sagot naman ng driver.  "Matagal ka na sa agency ni Adrian?" tanong ulit ni Violet.  "Simula po nung umpisa Ma'am"  sagot naman ni Macoy.  Ang alam niya, may limang taon na rin ang agency ng kaibigan. At maraming tao na rin ang kumukuha ng serbisyo dito dahil nga magagaling ang mga tao dito.  "So isa ka pala sa mga senior agent doon,  bakit nagtatyaga ka sa isang kagaya ko?" tanong ni Violet ulit.  "Ah kasi Ma'am naexperience ko na yung bakbakan talaga. Gusto ko naman po yung medyo chill lang." tsaka tumingin si Macoy sa rear view. Akala niya nakatingin din dun si Violet, pero busy pa rin ito sa kanyang cellphone.  "So iniisip mong madali ang magiging trabaho mo sa akin?" tanong ni Violet.  "Ah medyo ho Ma'am. Hindi naman kayo kagaya ng mga pulitikong nabantayan ko na" diretsong sagot ni Macoy. Inaabot din ng halos isang oras ang byahe mula bahay ni Violet hanggang opisina niya. Inihinto ni Macoy sa pintuan ng opisina ang sasakyan, tsaka nagmadaling bumaba para pagbuksan si Violet.  "Ingat po Ma'am", nakangiting sabi ni Macoy pagbukas niya ng pinto.  "Wag mo na akong tawaging Ma'am. Hindi ako teacher. Miss na lang." sabi ni Violet kay Macoy tsaka dire-diretsong pumasok sa building kung saan nandun ang opisina niya.  Pagkasara ni Macoy ng pinto ng sasakyan ay nagring ang telepono nya. Sumakay muna siya sa driver's seat para mailipat sa parking lot ang sasakyan bago sinagot ang tawag. Nakita niyang si Adrian ang tumatawag.  "O boss, kamusta si Dragon Lady?" tanong ni Adrian sa kanya.  "Pambihira Sanchez, hindi mo naman nasabi saken na ubod ng sungit tong kaibigan mo. Aba't mas mahirap pa 'to sa mga kalaban ng binabantayan ko dati ah" sabi ni Macoy.  "Eh boss, sabi ko naman kasi sayo, Dragon Lady nga diba?" natatawang sagot ni Adrian.  "Ang sabi ko sa'yo, I miss the action in the fields. Not babysitting!" sagot ni Macoy sa kanya.  "Boss, ikaw ang nanguha ng file niya. Ibibigay ko naman talaga sa iba yan." sagot ulit ni Adrian.  "You bastard." naiiritang sagot ni Macoy kay Adrian.  "Nga pala Boss, tumawag po ang Mommy niyo, hina--" hindi na natapos ni Adrian yung sasabihin niya dahil pinutol na ni Macoy.  "Wala kang sasabihin. Bye" tsaka tinapos ni Macoy ang tawag. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD