Dragon Lady

851 Words
"Good Morning ho Miss Violet". Bati ng gwardiya sa parating na si Violet. Tinignan lang ito ni Violet at tsaka tumango pagkatapos ay naglakad papuntang  elevator. Umiwas ang ibang tao sa kanya. At nang makarating siya sa harap ng pintuan ng isang elevator ay tumayo siya sa harap non at naghintay.  "Ayan na si Dragon Lady" pabulong na sabi ng isang babaeng naghihintay din sa elevator. "Huy baka marinig ka, bigla kang sigawan" sabi naman nung kasama niyang babae din. Pareho silang nasa likod ni Violet. Nakatingin lang si Violet sa pintuan ng elevator. Nagpanggap na lang siyang hindi niya naririnig ang mga sinasabi ng dalawang nasa likod nya. Sanay na siya sa ganun. Hindi na bago sa kanyang tawagin siyang Dragon Lady.  Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad na sumakay si Violet. Tinignan niya ang dalawang nasa likod niya pero tila nag-aalangan ang mga itong sumakay. Napataas ang kilay niya at sinabi na, "Wag niyong sayangin ang oras ko, sumakay na kayo kung sasakay kayo" "Ah sa susunod na elevator na lang po kami Miss Violet", sagot nung isang babae at tsaka hinila ang kasama patungo sa isa pang elevator. Napaikot na lang ang mata ni Violet tsaka sinara ang elevator. Bumulong siya sa sarili na, "Kung ayaw niyo, wag niyo".  Nasa 6th floor ng building ang opisina niya. Pagbukas pa lang ng pintuan ng elevator nang makarating sa 6th floor ay natanaw na ni Violet ang kanyang secretary na si Carlo. Lalake ang kinuha niyang sekretarya dahil una, parang wala siyang nakakasundong babae. Pangalawa, walang drama masyado pag lalake..   "Good Morning Miss Vi" bati nito sa kanya, tsaka nag-abot ng kape. Kape ulit. Kape na lang ata ang dumadaloy sa ugat niya.  "Good Morning" inabot niya ang kape sabay pasa ng bag niya dito. May inabot itong tablet sa kanya kung saan andun ang schedule niya ngayong araw na ito. Mayroon siyang maagang meeting tungkol sa shipment ngayong umaga. Naglakad silang dalawa patungo sa opisina ni Violet. Nang ilapag ni Carlo ang bag niya sa gilid ng opisina niya, ay umupo na ito sa harap ng mesa niya. Inabot naman ni Violet ang tablet pabalik ka Carlo ng makita na niya ang overview ng schedule niya ngayon. Meron lamang siyang dalawang meeting ngayon. Isa ngayong umaga at isa mamayang hapon.   "Bakit hindi mo sinabi na ngayon darating yung papalit kay Mang Andoy?" yun ang unang tanong ni Violet kay Carlo. "Sinabi ko last week, hindi mo lang siguro na-absorb" sagot naman ng sekretarya niya sa kanya.  "Anong sinabi, ang sinabi mo lang saken ay hindi na papasok si Mang Andoy ngayong linggong to. At alam ko yon dahil personal na nagpaalam saken yung matanda" iritang sagot ni Violet.  "Sinabi ko, kasunod yon nung pagsabi ko na hindi na papasok si Mang Andoy." sagot ulit ni Carlo. "Bakit, kamusta ba yung bago? Maayos ba?" sunod na tanong ng sekretarya.  "Ayos lang, maayos namang magmaneho" sagot ni Violet. Hindi na ito naupo habang naghahanap at inaayos ang ilang papel na bibitbitin niya sa meeting niya. Nang maayos na niya lahat ng kailangan niya ay pumorma na si Violet na  lalakad palabas kaya tumayo na rin si Carlo. Bigla namang may tao sa pinto ng opisina niya na may bitbit na laptop bag. Si Macoy.  "Ma'am Violet" sabi ni Macoy. "Naiwan niyo po itong bag na 'to sa sasakyan. Baka po may importante" sabay abot sa kanya nung laptop bag niya. Inabot naman ito ni Carlo at nilapag sa gilid. Pero hindi nakaligtas kay Violet ang tingin ni Carlo sa kanya na tila nagpipigil ito ng ngiti. Napaikot naman ang mata ni Violet. Alam na niya ang ibig sabihin ni Carlo.  "Macoy, this is Carlo, siya ang sekretarya ko. Madalas mo siyang makakausap. Carlo, ito si Macoy, yung pumalit kay Mang Andoy". Agad namang nag-abot ng kamay si Macoy para makipag-handshake kay Carlo.  "Sige po Ma'am, baba na po ulit ako." paalam ni Macoy kay Violet.  "I believe sinabi ko na sa'yo na wag mo na akong tawaging Ma'am." sabay lumabas na ng opisina si Violet. Naiwang nagkatinginan si Carlo at Macoy. Ngumiti na lang si Carlo kay Macoy, at sinabing "Ayaw niya kasing nagpapatawag ng Ma'am talaga. Hindi daw siya kumportable." pagkatapos ay inaya na ni Carlo na lumabas si Macoy sa opisina ng makasunod na siya kay Violet sa meeting.  "Ah sige pala. Baba na ako sir Carlo. It was nice meeting you" tsaka ngumiti si Macoy kay Carlo.  Natawa naman si Carlo sa sinabi ng binata. Una, dahil napansin niya ding may accent ito. Pangalawa, dahil tinawag siyang sir.  "Wag ng Sir. Carlo na lang." Tsaka ngumiti si Carlo tapos ay tumalikod na ng makasunod sa board room kay Violet.  Pagkarating naman ni Carlo sa board room ay nakita niyang andon na ang ibang department heads. Nakaupo naman si Violet sa kabisera ng table habang may binabasang mga papel. Dahil hindi pa nagsisimula at ilang minuto pa bago magsimula  ay nilapitan muna ito ni Carlo. Napatingin si Violet kay Carlo nang mapansin na umupo ito sa tabi niya. Tumaas ang kilay ni Violet. Lalong lumapit si Carlo sa kanya bago nagsalita at sinabing, "Miss Vi, hindi mo naman nabanggit na saksakan ng gwapo yung bagong bodyguard at driver mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD