Chapter 24 SOBIA'S POV Nagising ako na may maliit na braso na naka yapos sa aking bewang. Naka titig lang siya sa mukha ko. Parang may isang anghel na nakatitig sa akin. Àko lang ang tinitingnan niya ng ganito. Mailap siyang bata. Hindi siya sanay sa mga tao. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik. “Good morning, Baby,” bati ko at naka ngiti lang siya bilang tugon. Tanghali na ako nagising. Hindi kasi ako maka tulog kagabi dahil sa kaka - isip sa mga sinabi ni Drei kagabi. Paano kung nabuntis nga niya ako? Bumangon na ako at binuhat si Lira. Tuwing pag gising namin ay sabay kaming naliligo. Namiss ko talaga ng sobra ang pamangkin ko. Dahil sa kanya ay naranasan ko kung ano ang pakiramdam ng isang ina. Pagkatapos naming maligo, binibihisan ko si Lira nang biglang sumulpo

