Chapter 25 Sobia’s PoV “Anong ipapa abort? Anong anak natin? Pinagsasabi mo?” Hindi ko na pinansin si Drei kung paano siya napunta rito sa clinic ni Chad. Dahil masyado niyang napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya. “Hindi ako buntis Drei. Huwag ka ngang praning.” “Hindi? What are you doing here then?” seryoso niyang tanong. Naka kibit-balikat pa. May kakaiba sa kinikilos ni Drei. Bagamat alam kong galit siya pero kalmado pa rin siya. Hindi gaya noong nakaraang tagpo namin, nagsuntukan pa sila ni Chad pero ngayon ay tila kontrolado niya na galit niya. “Hindi ba pwedeng she just missed me so much?” matapang na sagot ni Chad. Napa-sapo na lang ako ng aking noo dahil sa pag-sabat ni Chad. Nag hahamon ba siya ng away? Mukhang gusto niya ulit magulpi ni Drei. Bago pa mag-init ang ulo

