Chapter 10 SOBIA POV “You smell so good, Wife. Namiss talaga kita. Ituloy natin ang naudlot nating honeymoon,” bulong ni Drei sa tenga ko, ramdam ko ang init ng hininga niya na dumampi sa aking balat. Nanigas ang buong katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa kakaibang pakiramdam na unti-unting bumabalot sa akin. Lalo pa akong nahihirapan nang lumapit pa siya, halos magkadikit na ang mga katawan namin. Ang umbok niya ay ramdam ko na sa aking likuran. Ubod ng tigas. Parang bigla akong nawala sa sarili habang nararamdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking bewang, banayad pero puno ng intensyon. “Drei…” mahina kong bulong, pero parang hindi narinig ng utak ko ang boses ko. Napalunok ako, pilit nilalabanan ang nararamdamang init na unti-unting gumagapang sa akin. Kinabig niya ak

